CHAPTER 2

1206 Words
CHAPTER 2 CHLOE's P.O.V "Okay class ngayong araw ay kailangan natin pumunta sa kabilang school, sa school for the girls dahil magkakaron tayo ng teaching lesson. Sa mga kasama sa varsity ng basketball ay isa isa kayong magtuturo ng mga babae sa kabilang school maliwanag ba yon class." Sabi ng Prof namin. Yumuko lang ako at nang makita kong magtayuan na ang mga kaklase ko ay tumayo nadin ako at inayos ang mga gamit ko ng hilahin ako ni Nairo! "Huy bat kaba hila ng hila?!" Asar na sabi ko sakanya. "Bilisan mona Par! Baka nakakalimutan mong kasali tayo sa varsity! Kailangan mauna tayo sa school nila Kaycee para maturuan ko sya." Sabi ni Nairo. Napatingin tuloy ako sakanya habang naglalakad. "Ganyan ka talaga ka seryoso sa babaeng yun?" Seryosong sabi ko sakanya kaya ng mapalingon sya ay napangiti sya sakin. "Oo naman! Ilang taon ko din inipon tong feelings ko para kay Kaycee nuh!" Sabi niya kaya di na ko nagsalita pa. 'Maswerte si Kaycee...' Naisip ko nalang. Maya-maya pa ay nakarating kami sa basketball court ng school for the girls. Narinig kong nagtilian ang mga babae kaya naman naririndi ako. Nang makumpleto na kaming mga boys na magtuturo sa mga girls rito ay nagannounce na si Sir. Sabay sabay kaming nagpalit ng jershey namin saka kami nagpunta sa ring. Nakita namin ang bawat linya ng mga babae kung saan bawat isa saming varsity ay magtuturo sa bawat isang linya ng mga babae. Napunta ko sa isang linya kung saan katabi ko si Nairo. Mabuti nalang din talaga at madalas basketball ang nilalaro namin ni Chleo noon kaya di ako mahihirapan. "Hi Chleo... Alam mo bang nung high school palang crush na kita." Kinikilig na turan ng babae sakin dahilan para mapangiwi ako. "Alam mo rin bang di ikaw yung type ko?" Seryosong sabi ko sakanya nakita kong napasimangot sya saka ko sya binigyan ng instruction. Mabilis naman syang natutong magshoot matapos nun ay umalis na ito sa linya. "Hi Chleo. I'm Rhea, since hearth throb ka... Gusto ko sanang ibigay sayo 'tong cookies. Pinaghirapan ko yan since isa ako sa mga fangirl mo." Sabi niya dahil mukha namang mabait ang isang 'to sige bigyan natin ng konting kilig. Ginulo ko ang buhok nya saka ko kinuha ang paper bag na bigay nya. "Salamat, no wonder kung bakit mukha kang anghel kasi mabait ka." Nakangiti kong sabi dahilan para magblush sya. Grabe! Hindi ko akalaing sikat pala ang kambal ko. Gaya ng nauna ay tinuruan ko sya ng basic kung paano magshoot ng bola. Nakailang sablay sya pero nakashoot din naman. "Kyaaah Chleo pwede bang mayakap kita? Fan na fan mo kasi talaga ako! Crush na crush din kita sana nga ikaw maging boyfriend ko eh." Sabi nung sumunod kay Rhea. Ang daldal nakakarindi sa tenga. "Turn off ako sa babaeng madaldal." Seryosong sabi ko kaya naman napatahimik sya. Tinuruan ko nalang sya at nang sumunod pa ay puro mga higad na nangangati na panay ang pacute sakin! Pagnalaman kaya nilang babae ako at di ako si Chleo magawa pa nilang maging ganyan. Napatingin ako sa sumunod na babae ng makita ko ito ay nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng kaba! "Hi Chleo, naaalala mo pa ko diba? Ako si Em em, alam kong naalala mo ko kaibigan ko si Chloe eh." Nakangising sabi nito. Di ko alam kung paano ko titingin sakanya! Baka ngayon palang nabisto nya na ako! "E-em, k-kamusta... D-dito ka na pala?" Sabi ko sakanya. "Oo eh, iniwan kasi ako bigla ni Chloe, by the way akala ko sa states kana mag-aaral?" Sabi ni Em em. "H-ha? A-ano kasi... Naisip ko na dito nalang magaral." Sabi ko saka ngumiti ng pilit. "Pakisabi sa kapatid ko dalawin ako kapag nagkatime sya. Kung saan man sya ngayon..." May kahulugang sabi nya. Kaya napalunok ako ng tatlong beses saka ko sya tinuruan matapos ay ngumiti pa sya sakin bago umalis ng linya. "Hey Chleo..." Napalingon ako ng makita ko si Kaycee sa harapan ko. Napakunot noo ako. "A-anong ginagawa mo dito? D-dun ka dapat kay Nairo." Sabi ko saka napalingon kay Nairo na nakatingin kay Kaycee nang malungkot at ng sulyapan sya ni Kaycee ay nagiwas sya ng tingin. Patay! Trouble to mga bruhh!  "Gusto ko kasing ikaw ang magturo sakin kaya lumipat ako sa line mo." Nakangiting sabi ni Kaycee. Napakuyom ako ng kamao. Ayoko talaga ng mga babaeng kagaya ng babaeng to! Pasimpleng landi sarap sampalin! "Kay Nairo ka magpaturo, pagod na ko." Sabi ko saka akmang tatalikod ng hawakan nya ko sa braso. "Ikaw nga ang gusto ko Chleo! Wag mo nga ako ipagtulakan kay Nairo kasi obvious naman diba na ikaw ang gusto ko at hindi sya!" Sigaw ni Kaycee. "Ganun ba? Pasensya na Kaycee pero di kasi ikaw ang gusto ko at malabong magkagusto ako sa gaya mo! Isa ka sa mga dahilan kung bakit maraming nasasaktan! Yung simpleng landi kung tawagin!" Inis na sabi ko sakanya dahilan para maramdaman ko ang malakas na pagdampi ng palad nya sa pisngi ko. Dahil sa galit ko ay nasampal ko sya ng mas malakas pa sa ginawa nyang sampal sa mukha ko! Nakita kong lahat ng nakatingin samin ay napasinghap. "Wag na wag mong idadampi ulit yang maruming kamay mo sa pisngi ko o sa kahit anong bahagi ng katawan ko. Kasi kahit babae ka di ako magdadalawang isip na patulan ka!" Gigil na sabi ko sakanya dahilan para magsi atrasan ang mga babaeng nadaraanan ko.  Napansin ko ding hinabol ako ni Nairo.  "Huy par!" Napalingon ako ng tawagin nya ako at nakita kong blankong ekspresyon sa mukha nya. "Bakit mo sya sinampal? Grabe ang intense nun ah! Kulang nalang maisip kong babae ka talaga na nakikipagaway sa kapwa mo babae." Nakangising sabi ni Nairo pero bakas padin ang lungkot sa mata nya. "Di nga ako babae! Ba't mo ba ipinagpipilitan na babae ako! Saka pagsabihan mo yung babaeng yon! Linta ba yun? Dikit ng dikit sakin nakakainis." Sabi ko sakanya. "Salamat par ah? Akala ko kasi papatulan mo yung mga ginagawa nyang pagpapapansin sayo..." Sabi ni Nairo at bakas sa boses nito ang lungkot. "Don't worry, kahit ako ang gusto ng crush mo gagawa ko ng paraan para sa huli ay sayo ang bagsak nya." Sabi ko sakanya dahilan para mapangiti sya. "Hi Chleo..." Sabi ng babae at nakilala ko din ito agad. Si Rhea isa sa mga tinuruan ko kanina. "Hmm?" Sabi ko lang sa kanya. "Naunawaan ko kung bakit mo nasampal si Kaycee... Actually nalalandian din ako sakanya kasi halata namang nagugustuhan sya ni Nairo pero di parin makaramdam." Sabi ni Rhea. Napatango ako sa sinabi nya. Ginulo ko ulit ang buhok nya. Di ko gusto si Rhea bilang babae. Nababaitan lang ako sa kanya. "See you Rhea... Pag may vacant ako try kitang bisitahin dito. Salamat pala sa cookies mo." Sabi ko saka kinuha ang phone nya na hawak nya saka ko nilagay ang phone number ko dun. "Number ko yan. Itext moko pag may kailangan ka. Saka kapag nagkafree time ako labas tayo." Sabi ko sa kanya. Naisip ko kasing maganda kung magpapanggap akong may ibang gusto para tigilan na din ako ni Kaycee. Napansin kong namula si Rhea sa sinabi ko pero di ko na pinansin yon. Naglakad na kami ni Nairo pabalik ng school at saka kami dumiretso ng canteen. Kaso sa hindi inaasahan ay natapilok ako pero di ko inaasahan ang sunod na nangyari! Hinila ako ni Nairo dahilan para bumagsak kaming pareho sa sahig! Sya ang nasa ilalim ko habang ako ang nasa ibabaw nya! *Dug-Dug!* --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD