Drunk KAMILA Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko at tumayo. Binuksan ko ang pinto para sana sundan si Theo pero wala na siya. Hindi na siya mahanap ng mga mata ko at ayokong umalis dito pagkatapos ay bumalik siyang wala na naman ako. Ni hindi ko tuloy alam kung paano kukunin ang mga gamit ko. Sa huli’y bumalik ako sa loob at pagod na ibinagsak ang sarili ko sa sofa. Iginala ko ang tingin sa malawak na sala. Kumpleto sa gamit at meron pang fireplace. Cozy ang pagkakadisenyo sa living room at kung hindi lang sa nangyaring pag-aaway namin ni Theo ay tiyak kong mare-relax ako sa lugar na ‘to. Tumayo ako at napagpasyahan na buksan ang mga pinto. Walang taas ang villa na ‘to pero dalawa ang kwarto at meron pang parang opisina. Natapos na lang ako sa