Nahigit ko ang aking hininga nang biglang bumunghalit ng tawa si Felan. Ako lang ba o sadyang nakakapanayo ng balahibo ang tawa niya? Tinalo niya pa ang tawa ng mga kontrabida sa pelikula pero ang kaibahan lang ay pangbida ang kagwapuhan at karisma niya. Pinilit kong hindi mapangiwi nang muling tumuon sa mukha ko ang mga mata niya. Nakangisi pa rin siya at maririnig pa rin ang mumunting tawa mula sa kanya na para bang aliw na aliw siya sa pagmumura ko pero iyong kislap sa mga mata niya ay parang dilubyong paparating. Gusto ko tuloy bawiin ang nasabi ko pero hindi naman kaya ng pride ko kaya pinili kong panindigan ang pagmamatigas. Panahon na siguro na may isang susuway sa kapritso ng isang Felan Carson. Hindi porke't Carson siya at gwapo siya ay parang lisensiya na iyon upang mag-ast