chapter 3.1

1269 Words
Ilang araw na mula no'ng huli kong nakita si Felan dahil naging busy ako sa sunud-sunod kong photo shoots. I'm the most in demand lingerie model in Austramica and even outside the country. Dapat talaga ay dalawa kami ni Julie na tiguriang The Sultry Twins pero dahil may attitude ang kakambal kong iyon ay kalimitan siyang natatanggal sa mga projects. Kahit gaano ka pa kaganda at kagaling sa trabaho mo kung di mo naman kayang maging professional ay tiyak wala kang mararating. I may not be a good girl but when it comes to my passion, I'm all in. Maraming offer sakin na mag-artista dahil sa malakas kong hatak sa publiko pero lahat iyon ay tinanggihan ko dahil ayokong mas maging magulo pa ang buhay ko. "Miss Julia, 20-minute until the next shoot.", pagbigay alam sakinng isang staff. Tanging tango lang ang isinagot ko habang hinayaan iyong assistant ko na isuot sakin ang isang silk robe. Kasalukuyan kasi naming ginagawa ang project na tinatawag na Calendar Girls kung saan ay ibinibida ng bawat modelo ang iba't-ibang lingerie mula sa isang sikat na clothing line. Among the 12 models ay ako iyong naasign sa month of December and I'm wearing a skimpy pair of lingerie while posing under the artificial snowflakes. Malamig na nga iyong settings ay halos nakahubad pa ako. Mahirap pero gusto ko iyong konsepto na papainitin ng lingerie na suot ko ang malamig na panahon. Nangalahati na ako sa mga kuhang photos. Next shoot ay may kasama na daw akong male model. Di ko pa alam kung sinong maging partner ko pero pinapahanda ako para sa mga intimate shots. Kung sino man ang magiging partner ko ay sana di magkrus ang landas nila ni Felan after ipalabas itong Calendar Girls sa publiko. Felan became the craziest every time I'm partnered with any male model. "OK, guys... let's proceed to the next scene.", mayamaya ay anunsiyo nung photographer. Inayos lang nung mga stylists ang buhok at make-up ko ng konti tapos tinanggal iyong robe ko. Buti nalang at bago nag-announce ng break ay nakapagbihis na ako ng lingerie na required for this scene. May white bed sa gitna ng set na nilalatagan ng red rose petals. Artificial snow is falling directly on the bed kung saan kukunan ang photos ko kasama ang male model na maging partner ko. Agad akong umakyat sa kama upang ihanda ang sarili sa iuutos na pose ng photographer. Naramdaman ko ang pag-akyat din ng isang tao sa bandang likuran ko, siguro ito iyong magiging partner ko. Napasinghap ako nang biglang dumikit sa likuran ko ang hubad na katawan ng isang lalaki. Talagang sinadyang ikiskis sa halos hubad ko na ring katawan ang katawan niya. Wala sa amin ang atensiyon ng mga nasa paligid dahil inaayos nila ang mga minor details na gustong ipaayos ng photographer regarding sa lighting ng paligid. " Missed me?", paanas na bulong sakin ng pamilyar na boses na nagpainit sa pakiramdam ko sa kabila ng lamig sa paligid. "What are you doing here?", gulat kong tanong kay Felan na siyang nasa likuran ko na tanging maliit na towel lang ang suot sa ibabang bahagi ng katawan niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at muling tumalikod sa kanya. Isang malaking temptation ang gagong ito! Damn! Nakahantad ang matipuno niyang mga dibdib at ang nakakauhaw niyang katawan. " I'll be your partner. Nang ipaalam sa'kin ng manager mo na kailangan mo ng isang partner sa gagawin mong pictorial ay nagvolunteer ako. As if I'll allow any man near you.", mahaba nitong sagot at inilingkis ang matipunong mga braso sa katawan ko. At dahil nakasuot lang ako ng sexy na panty at bra ay dumeretso sa balat ko ang mainit niyang balat. "Baliw ka ba? Ni hindi ka nga nagpapakuha ng picture for your company's advertisement tapos ngayon handa kang magpakita ng katawan para dito?" nanggigigil sa inis kong sita sa kanya. Iniisip ko pa lang na makikita ng mundo iyong katawan ni Felan ay nakaramdamna ako ng inis. Pinagkakaguluhan na nga siya kahit nakadamit pa siya , paano na lang kaya kung ihahantad pa niya iyong katawan niya? Gustung-gusto ko siyang balutin lalo na nang mapansin ko iyong lantarang paninitig ng mga nasa paligid. Himala ring nandoon iyong mga co-models ko na tapos na kunan. Sa ordinaryong pagkakataon ay kanina pa dapat nagsialisan ang mga ito pero dahil sa presensiya ni Felan ay wala yatang balak magsilayas ang mga ito. "Relax Miss, I'm all yours," tila naaaliw na bulong sakin ni Felan habang nakasilip sita sa mukha ko mula sa likuran. Nanlaki ang butas ng ilong at inirapan siya sabay siko sa kanya upang umayos siya sa likod ko at nang tigilan na niya ang pagtitig sakin. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" masungit kong tanong upang pagtakpan ang pag-iinit ng mukha ko dahil sigurado akong napansin niya iyong pagkadisgusto ko sa paninitig ng iba sa kanya. "Halata kasing naiinis ka na. It's cute but totally unreasonable because we both know that I'm all yours," mapang-akit nitong anas at mas lalo pa akong kinabig palapit sa katawan niya. Pinaikot ko na lang iyong eyeballs ko dahil sa kalandian niya. Kung magpapadala ako sa mga hirit niya ay iisa lang ang kahahantungan namin. Sa tagal ng pagkakilala ko sa lalaking ito ay alam na alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon. Idagdag pa ang promeninteng bukol na nakatutok sa likuran ko ay walang dudang nasa gutter na naman ang utak ng isang ito. "Please, control your libog," mahina pero mariin kong sabi sa kanya. Isang malakas na tawa lang ang sinagot nito at sinadyang lalong idikit sakin ang ebidensiya ng kamanyakan niya. "Okay Mr. Carson, are you ready? Oh kailangan mo pa ng konting oras para lumandi ?" may ngisi sa labing tanong ng photographer na kilala ko bilang isa sa mga kaibigan ni Felan. "Make this quick Remor, I have important appointment after this," makahulugang sabi ni Felan sabay pisil sa balakang ko na kinaigtad ko. "Halata nga," may pang-aasar na sabi ni Remor bago ipinuwesto ang hawak na camera. Ngali-ngali kong pagbabatukan ang dalawang ito. Sa lahat ng mga kakilala namin ni Felan ay tanging si Remor lang ang nakakaalam sa estado ng diumano pagkakaibigan namin ni Felan. Isang pure Filipino si Remor na nakabase dito sa Austramica. Malapit siyang kaibigan nung asawa ng triplets na si Kofie kaya naging malapit din siya sa mga Carson at naging matalik na kaibigan ni Felan. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang photoshoot. Sa ilang taon ko na sa industriya ay ngayon lang ako di makakilos ng maayos. Mas malala pa ang kabang nararamdaman ko ngayon kaysa noong nagsisimula pa lang ako. At lahat ng iyon ay dahil sa lalaking kapareha ko. Sa aming dalawa mas mukha pa siyang batikan sa trabahong ito kaysa sa akin. Natural na natural sa harap na camera ang gagu habang ako ay conscious na conscious sa bawat pagdidikit ng mga balat namin. "Julia, ipaalala ko lang sa'yo na ikaw iyong nang-aakit dito at hindi iyong inaakit at halatang naaakit," bigla ay sarkastikong sabi ni Remor habang tinaasan ako ng kilay at itinigil ang pagkuha ng mga larawan. Narinig ko namang tumawa si Felan sa tabi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Buti na lang at tagalog iyong ginamit niyang lenggwahe at hindi naintindihan ng mga nasa paligid. "Take it easy on her Remor... wala lang talagang maka-resist sakin," mayabang na sagot ni Felan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD