Tulad mg gusto ni Felan ay umuwi nga kami sa bahay niya.
Maliban sa mansion na kinalakihan niya kung saan nakatira ang Daddy niya kasama ang mga asawa nito at mga anak ay mayroong sariling bahay si Felan.
Hindi rin naman ako sasama sa kanya kung doon niya ako iuwi sa mansion ng pamilya niya dahil tiyak na magsasagutan na namin kami ni Tamarah.
Ayoko rin sa nakakasakal na atmosphere kasama ang tatlong asawa ni Floyd Felan at idagdag pa ang mga mistresses nitong balita ko ay nakatira rin sa isang bahay na karugtong ng mansion na iton.
Nasanay na akong makikita sa paligid ang mga armadong tauhan ni Felan na nagroronda sa malawak niyang bakuran.
Ganito rin naman sa ibang mansion ng kahit na sinong Carson pero mas grabe lang talaga ang higpit dito sa bahay ni Felan dahil sa uri ng buhay na meron siya.
"Bukas na ang birthday ni Mommy. Gusto ka niyang pumunta," sabi sa'kin ni Felan pagkagaling niya sa banyo at nadatnan niya akong nagbabasa ng mga emails ko sa ibabaw ng kama niya.
Bahagya ko munang pinasadahan ang nakahantad niyang matipunong dibdib bago pinanood ang pagkuskos niya ng towel sa basa niyang buhok.
Walang kupas talaga ang ka-sexy-han ng lalaking ito kahit ano pang gawin niya.
"Hindi ako nakabili ng regalo," nakalabi kong sabi sa kanya.
Kahit ayoko sa set-up na pinasok ng Mommy niya kasama ang Daddy niya at ibang asawa ng huli ay wala naman akong maipintas sa napakabait na Mommy ni Felan.
Iyon nga lang...hindi niya alam kung ano ang tunay na relasyon namin ng bunso niyang anak.
"Don't worry, I already bought something for the two of us," sabi nito bago sumampa sa kama at humiga sa hita ko. "I missed you," dagdag sabi nito habang nakatingala sa'kin mula sa pagkakahiga sa hita ko.
Di ko napigilang paikutin ang mga mata ko.
Wala nang bago riyan, palagi niya naman akong nami-miss kahit ilang oras lang kaming hindi nagkita.
"Pupunta akong Pilipinas. Pinakiusapan ako ni Daddy na personal na asikasuhin ang merging ng isa sa mga kompanya niya roon," pagbabalita niya sa'kin.
"E di pumunta ka," nakataas ang kilay kong sabi.
Alangan namang pigilan ko siya dahil ayokong makakita siya ng Pinay doon tulad ng ibang mga Carson na nakapag-asawa ng mga Pinay.
"Parang gusto mo yatang umalis na agad ako. May balak ka bang manlalaki dito?" nakasimangot nitong tanong sa'kin.
"Baka ikaw diyan may balak mambabae doon," irap ko sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon dahil ikaw lang ang babae ko. Sayong-sayo lang ako," puno ng sinseridad niyang anas sabay haplos ng mukha ko.
"Talaga lang ha," taas-kilay kong sabi sa kabila ng paglakas nang kabog ng dibdib ko.
"Oo naman, paano pa ako titingin sa iba gayong ganito ka kaganda," sagot nito habang puno ng pagsuyong tinitigan ang buong mukha ko.
Parang may kung anong pumintig sa ilalim ng dibdib ko dahil sa pakasalubong ng mga mata namin.
Parang may sariling isip na unti-unting naglapit hanggang sa naglapat ang mga labi namin.
Di tulad ng mga nauna naming paghahalikan na marahas ang bawat mapanabik na pag-tatapatan ng mga labi at dila namin ngayon ay puno ng pagsuyo bawat paghagod ng mga labi namin na para bang ninamnam bawat sandali.
Nang kumilos na ang mga kamay ni Felan ay katulad ng mga labi niya ay mabagal at masuyo bawat dampi at haplos nito sa nag-iinit kong balat.
Para akong naliliyo sa sensasyong dulot ng mabagal at puno ng pagsuyong pag-angkin ni Felan sa buo kong katawan.
Wala siyang kinaligtaang sulok ng aking katawan na hindi sinamba ng mga labi at mga kamay niya kaya nang tuluyang napag-isa ang aming mga katawan ay ilang libong liwanag ang sumabog sa ilalim ng nakapikit kong mga mata dahil sa dobleng sensasyong pinaranas niya sa akin.
Pero kahit gaano kabagal ang pag-angkin sa'kin ni Felan ay makapugto-hininga pa rin ang sarap na dulot nito at may isang ding hindi nagbago, ang pagiging insatiable ng kaniig ko.
Magdamag niya lang naman akong paulit-ulit na inangkin kaya di na nakapagtatakang tinanghali ako nang gising kinabukasan.
Wala akong trabaho ngayon kaya kahit nanakit iyong katawan ko dahil sa magdamag naming pinaggagawa ni Felan ay magaan pa rin iyong pakiramdam ko dahil wala akong ibang iniisip maliban na nga lang sa birthday ng Mommy niya kinagabihan.
Di na ako namroblema sa susuotin ko mamaya sa party dahil marami akong damit na nandito sa bahay ni Felan dahil halos dito na ako nakatira.
Mahilig din akong regaluhan ni Felan ng mga damit mula sa iba't ibang bansa na pinupuntahan niya kaya kalahati ng mga damit ko na nasa walk-in closet niya ay di ko pa nasusuot at di pa natatanggalan ng tag.
At lahat ng mga damit na iyon ay may kapares na bag, sapatos at mga alahas.
Inaamin kong masyado akong ini-spoil ni Felan kaya nga di na ako naiinggit tuwing mas pinapaboran ng mga magulang ko ang kakambal ko na si Jella.
May Felan ako na binibigay lahat ng gusto ko maging iyong mga bagay na di ko hiningi ay binibigay niya kaya di bale nang sunod sa luho ang kakambal kong iyon.
"Hey," bati sa'kin ni Felan nang mapasukan niya akong gising.
Humalukipkip ako nang mapansing naka-suit siya. May pinuntahan ba ito or may pupuntahan?
"May early meeting ako kanina," paliwanag nito bago ako hinalikan sa noo.
Wow ha! May energy pa siyang gumising nang maaga matapos ang halos magdamag niyang pagtatrabaho sa katawan ko.
Nakakabilib, sana lahat noh?
"Gutom ka na ba? Nagpaluto ako ng favorite mo," malambing nitong sabi sa'kin habang tinanggal iyong necktie at hinubad iyong coat na suot niya habang nakaupo pa rin sa tabi ko.
Tinulungan ko siyang buksan iyong ibang butones ng suot niyang long sleeve upang mapabilis ang paghuhubad niya.
Hindi mahilig magsuot ng damit si Felan kapag nasa bahay lang siya. Palagi siyang topless kapag nandito lang siya sa bahay kaya libre silip ako sa matipuno niyang katawan.
"Kain na tayo," nakangiti nitong aya sa akin.
"Di pa ako nakaligo," pahinamad kong sabi.
"Gusto mo paliguan kita?" pilyo nitong tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaya ko nang mag-isa! Pwede ba magpahinga ka nga muna! Halos di ka na natulog dahil diyan sa pagkamahilig mo tapos ang aga mo pang nagising para sa trabaho," sermon ko sa kanya.
Lalong lumapad ang pagkakangiti niya at mabilis akong niyakap ng mahigpit.
"Huwag mo na akong alalahanin. Ikaw lang iyong vitamins na kailangan ko," paglalambing nito.
"Hindi ako nag-alala noh!" mabilis kong tanggi at padabog na iniwan siya sa kama.
Tumawa lang siya sa pagdadamog ko at sumipol pa ang gago habang pinasadahan ng mainit niyang mga titig ang katawan kong humantad dahil hubad akong umahon sa kama.
Inirapan ko siya at mabilis na pumasok sa showerroom nang mapansin ko ang pamilyar na kislap sa mga mata niya at baka kung saan na naman kami hahantong sa mga ganoong titig niya.
================
Pagkatapos naming kumain ay napagkasunduan naming panoorin iyong favorite movie ko.
Ako lang pala iyong nanood kasi sa gitna ng pagkanta ni Moana ay nakatulog na iyong kasama ko habang nakaunan sa mga hita ko.
Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmasdan ang payapang pagtulog ni Felan.
Marahan kong pinadaanan ng daliri ko ang matangos niyang ilong.
Hindi talaga pumalya ang mukhang ito na pabilisin ang t***k ng puso ko.
Agad nawala ang ngiti ko nang maalala ko kung sino siya.
Siya si Felan Andre Carson, ang pinapangarap ng halos lahat ng mga babae at taglay niya ang apilyedong maging susi upang magkaroon
ako ng silbi sa mata ng mga magulang ko.
At ang mga iyon ay ang mga dahilan kung bakit hindi pwede itong nararamdaman ko.
Nang maalala ko ang pamilya niya ay tuluyan na akong napahugot ng hininga at nag-iwas ng tingin sa mukha niya.
Habang nskatingin ako sa mga nangyayari sa pinanood kong palabas ay ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
Darating ang araw na matutulad din si Felan sa ama niya. Hindi makontento sa iisang babae at magmahal ng higit pa sa isa.
At sa pagdating ng araw na iyon ay sinisiguro kong malayo na ako sa kanya.
Hindi ko hahayaan ang sarili ko na mapunta sa sitwasyong kinaroroonan ng mga asawa at babae ng isang Floyd Carson kahit pa sabihing ang makasama si Felan ang maging kapalit ng lahat ng iyon.
Hindi pa ako ganun kadesperada na makihati sa iba.
Hindi ang isang tulad ni Felan ang babago sa paniniwala ko na darating ang araw na maging priority din ako para sa isang tao.