"Kali, bilis-bilisan mo naman diyan! Napakaraming customer sa labas! Kaybagal mong kumilos. Kanina pa nagagalit si Grace, dahil 'yong ilang bisita hindi pa nahahayinan!" Galit na sigaw ni Joanna sa kaniya habang abala rin sa pagre-refill ng mga juice na ibaba sa dining hall.
Mas binilisan niya pa ang paglalagay ng mga plato sa malaking oval wood tray na kaniyang bubuhatin pababa sa dining hall.
"Oo, patapos na ito. Saglit na lang." Aniya saka inilagay ang huling plato saka binuhat ang malaking oval tray at isinandal sa kaniyang balikat.
Napangiwi siya dahil sobrang bigat. Pero sanay na naman siya. Ito ang naging trabaho niya nang halos limang taon. Waitress sa Costa Imperio, isa sa pinakamalaking hotel sa Tierra del Sol.
Maingat siyang naglakad sa hagdan pababa sa dining hall. Dahil kapag natumba at natapon ang kaniyang bitbit ay charge sa kaniya lahat ng iyon. Sa mahal ng pagkain dito sa Costa, ay baka kulang pa ang isang buwan niyang sahod sa pambayad pa lamang sa mga pagkain na dala-dala niya.
Nang makarating sa dining hall ay bumungad sa kaniya ang iilang mga tao. Fifty pax iyon at halos mga alta ang naroroon. Celebrasyon iyon ni Alejandro Montemayor, ang may-ari ng Montemayor Shorelines, at halos hekta-hektaryang lupain sa Tierra del Sol.
Ang ama ng lalaking minsan niyang minahal. Basag siyang ngumiti nang makita itong nakaupo sa stage. Magarbo ang disenyo ng dining hall. Kulay white at gold ang tema nito. Nakasuot ng formal ang mga bisita.
Kung hindi niya lamang kailangan ng pera ay hindi na sana siya magpupumilit na sumama sa grupo ng banquete. Dahil alam niyang magdudulot lamang iyon ng pagbubukas ng sugat ng nakaraan sa kaniyang puso kapag nakita niya si Keith.
Zion Keith Montemayor, was her first love, the one that got away ika ng iba.
Ibinaba niya sa stand ang oval tray na kaniyang bitbit. Saka isa-isang kinuha ang platong nilalaman noon at sinerve sa mga bisita sa bawat table.
Hindi niya pa nakikita si Keith pero sana ay hindi na talaga magpakita ang binata. Ngunit talaga atang hindi siya pinapakinggan ng tadhana.
Nakita niya ang pagpasok ni Keith habang nakasuot ng alam niyang mamahaling tuxedo habang may naka-angkla sa braso nitong isang magandang babae, sopistikada, at elegante. Kabaliktaran niya.
Tiningnan niya ang suot niyang uniform nila. Maayos naman ang kaniyang uniporme dahil isa iyon sa mga pangunahing kailangan nilang i-maintain dahil humaharap sila sa mga mayayamang guest sa hotel. Nang mapadako sa kaniyang sapatos ay saka lamang siya hilaw na ngumiti. May kalumaan na iyon, ang dating orihinal na puting kulay nito ay naging cream na marahil sa katagalan.
Muli niyang sinulyapan si Keith at ang kasama nito. Ineksamina niya ang babae mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mamahaling gown na napapaligiran ng sparkle beads ngunit hindi naman iyon masakit sa mata. Hapit iyon at nadedepina nito ang kagandahan ng hubog ng katawan ng babae.
"Thank you for joining us today. Some of you may been busy with their schedules but you still managed to have time with us," nakangiting wika ni Don Alejandro. Tumikhim muna ito bago muling nagsalita. "And now I have an announcement to make. My son Zion Keith Montemayor, will gonna be married soon!" Tumatawang anunsyo pa nito na halatang galak na galak sa tinuran.
Nagpalakpakan ang mga bisita kasabay noon ang pagtaas ni Keith at ng kaniyang fiancè sa unahan. They were all smiles. Masaya ang lahat sa kanilang relasyon. Hindi katulad noong sila pa.
"You heard that right? I'm going to marry Tosca Fortalejo. We're planning the details and I'm excited to be his husband! Kung puwede lamang na pakasalan ko na siya ngayon ay gagawin ko. But, I want my girl to have the best wedding ever in the world," masiglang sabi ni Keith pagkuwa'y hinalikan nito ang babaeng si Tosca sa labi.
Mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao. Habang siya ay parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib. Hindi niya namalayan ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi.
"I guess I made the right decision. You're happier now than when you are with me. I'm happy to know that. . . you already found your true happiness, My Keith."