KABANATA 63

1004 Words

(The strength to hold on) IKAKASAL na si Lorcan. Ikakasal na ang ama ng kanyang anak at hindi siya ang babaeng iyon. Biglang umiyak si baby Gideon kasabay ng pagkarga niya sa anak. Parang nakikita na rin niya si Lorcan sa katauhan ng anak niya. Ipinagbuntis niya lang ito ngunit ang ama pa rin ang kamukha. “Ikakasal na ang Daddy mo, baby.” Humikbi siya. “Nakalimutan na niya ako. Mayroon na siyang ibang mahal.” Lalong lumakas ang kanyang hikbi. Hindi niya mapigilan. Nilapag niya si Gideon sa kama matapos kunin sa kuna nito saka tinabihan. Niyakap niya ito na tila ba doon humuhugot ng lakas sa sakit na nararamdaman. “Ikakasal na siya at hindi ako ang kasama niya.” Humagulhol na naman siya. Iyon na yata ang pinakamasakit sa lahat. Ang malamang ikakasal na ang lalaking pinakamamahal niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD