(Burst feelings) “SIGE, Kuya.” Kahit na may alinlangan ay humakbang na siya upang pumasok. “Huwag mong susubukang sumakay riyan!” Isang sigaw na nagpatigil sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makilala ang may-ari ng sasakyang itim na huminto sa tabi ng tricycle. Malakas na hinablot nito ang braso niya kaya hindi na siya nakahuma pa. “Miss, kilala mo ba ang lalaking iyan?” tanong ng tricycle driver. “Don’t dare talk to her like that!” sigaw ni Lorcan. Nanginiginig ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Puno ng galit ang mga mata nito na tila ano mang oras ay makakapatay ito ng tao. “Ano ka ba niya, ha?” maangas na tanong ng driver saka bumaba sa kinauupuan nito. Hinarap nito sa Lorcan. “Kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka? Bakit? Pagmamay-ari mo ba siya?” Hindi kumibo si Lor