Jason's POV
YO! Folks. I’m Jason Dela Cruz one of the member of basketball team THE JAGUARS.
Nandito kami sa gym. Ano pa nga ba? Edi hinaharap ang parusa ni Captain.
"F*ck!" pagod na pagod na ako. Pang 200 na push up ko na 'to, ganun din ang apat na ungas na kasama ko, kung di ba naman sira ang mga 'to nagpakalasing ng todo kagabi sa bar, pati ako nasarapan din sa pag inum kaya ‘yon di kinaya knock out, mga bad influence talaga.
Pero kahit ganun nasarapan pa din ako. Di ko mapigilang hindi mapangisi dahil sa dinadanas namin ngayon.
"Another 200 push ups Dela Cruz" napatingin ako kay Captain.
"What the---" magrereklamo pa sana ako pero isang matalim na tingin ang natanggap ko.
Damn! Tingin pa lang niya di mo na kakayanin. Narinig ko naman ang pag bungisngis ng apat.
Kaasar! Tinuloy ko na ulit ang pagpupush up ng umimik ulit si Captain.
"Make it 300, all of you" napatigil naman sa pagbungisngis ang apat. Amanos na.
Gustuhin man nilang umangal, wala silang lakas ng loob gawin ‘yon, kahit ako o ang lahat pa ng myembro. Dahil walang ibang mas higit na nakakakilala sa isang Shieldler John Wright. Kundi kami lang JAGUARS.
Magkakasama na kami high school pa lang, iba siya sa lahat ng taong nakilala ko. Sa ilang taon namin sa High School hanggang sa maka-graduate, mabibilang mo sa kamay kung ilang beses lang siya tumawa.
Siya ang manifestation na sinasabi ng iba na 'man of few words'. Sa isang araw masuwerte ka na kapag nakausap mo siya at napaimik mo yan ng higit pa sa limang sentences.
Kahit sa praktis, di siya katulad ng ibang team captain na ang dami pang satsat bago mag-umpisa. Ang nakapagtataka lang, bakit naiintindihan agad namin siya base sa tingin at galaw ng kamay niya?
Malaki ang respeto ng lahat ng myembro ng team sa kanya, dahil kahit di niya sabihin nararamdaman ng lahat na siya ang higit na nagpapahalaga sa team at sa bawat isa.
Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga babae dito sa campus pero kahit isa wala siyang nilingon, hindi dahil kasama siya sa pederasyon kundi dahil ayaw niya sa mayamang babae, bakit kamo? E kasi ang gusto niya ‘yong katulad ng mama niya, simple at ordinaryong babae.
Si Manager lang ang pinapansin niyan pero kahit si Ms. Manager hindi makakuha ng hindi hihigit sa tatlong sentences.
Scholar si Captain ng Montereal simula pa noong high school, di maipagkakaila na talagang matalino siya, at dahil do’n akala ng lahat ordinaryong tao lang si captain kumbaga nasa poor papunta sa middle class ang estado ng buhay nila.
Pero ang totoo, apo siya ng isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang tao.
Si Mr. Shawn Wright. Ang ama ng ama ni Captain. Malamang kaya nga apo e.
Dahil sa di ko alam na dahilan, tanging si Xevier Montereal lang ang nakakaalam kung bakit ayaw tanggapin ni Captain ang kanyang lolo sa buhay nila ng kanyang ina at kanyang kapatid, pumanaw na ang daddy ni Captain ang alam ko kaka-graduate lang niya ng elementary ng mawala ito.
Lumalala na ang pagiging tsismoso ko, pero lulubos lubusin ko na.
Seryoso sa buhay at matindi magalit, ‘yan ang pagkakakilala ng lahat kay Captain Shield, kaya ang iba iniiwasang makabangga ang isang tulad nya.
"207, 208, 209, 210" sabay sabay na bilang ng apat. Natatawa na lang ako sa kanila pero ayos din ‘to pantanggal hangover. Isa sa apat na kasama ko ay si Xevier Montereal ang best buddy ni Captain, at anak ng may-ari ng school na ito. Matindi ‘no? Kahit bestfriend walang lusot, yan naman ang gusto ko kay captain pantay pantay lahat sa paningin niya kapag may ginawang mali.
Nang matapos ang 300 push ups, halos malagutan na ng hininga si Johnny Spencer isa sa mga myembro, nakahiga na sya sa court at naliligo na sa sariling pawis.
"Captain, wala ka bang patubig?" tanong ni Johnny. Oops! Wrong words pero huli na para bawiin ang biro niya.
"Take your shirt off Spencer" sabi ni Captain kay Johnny. Agad naman itong tumayo at naghubad sa takot at sa talim ng titig ni Captain sa kanya.
"Same with your pants" dagdag pa ni Captain.
Di magkaintindihan si Johnny Spencer sa paghuhubad ng pants niya.
"Buy water for us" anunsyo ni captain sabay tingin sa wrist watch niya "5 minut---"
Di pa man natatapos ni Captain ang sasabihin tumakbo na palabas ng gym si Johnny ng nakaboxer short lang, malayo ang canteen sa gym kaya I doubt kung makabalik agad siya before 5 minutes, isama mo pa na may mga babaeng nagkakandarapa sa kanya na handa siyang pagsamantalahan ano mang oras lalo pa at nakaboxer short lang siya ngayon.
Halos gumulong na kaming apat katatawa dito dahil di namin malimutan ang mukha ni Johnny. Epic mga tol hahahaha.
"Enough laughing morons." saway ni Captain sa amin at tinapunan kami ng matalim na tingin. "Clean this fvcking court before Spencer get back, we'll have practice after class hour" he added, sabay alis.
Hay! Wala talagang sense of humor sa katawan ang taong ‘yon. Tumayo na kami at inumpisahan i-mop ang court. Pinunasan din naming ang mga bola.
-----------------------
Johnny's POV
ANAK ng! Hindi pa nga ako halos nakakapagpahinga do’n sa pag-pupush ups ko pero heto ako masama na sa pagtakbo papunta sa canteen para bumili ng tubig ng naka-boxer shorts lang. Bakit ba kasi nalimutan ko na wala nga pala sa bokabularyo ni Captain Shield ang salitang 'biro'.
Wengya naman oh! Tang*na! Napapamura na lang ako sa pagod.
"Oh my god!" narinig kong sigaw ng isang babae, anak ng! Ito na nga ba ang sinsabi ko e’.
Natawag ng babaeng sumigaw ang pansin ng halos lahat ng estudyante kaya nagtinginan sila lahat sa direksyon ko.Wala naman sanang baliw ang haharang sa dadaanan ko dahil kailangan ko agad makabalik sa gym. Lalo na s’ya, wag naman sana s’yang mangulit ngayon. Malalaman n’yo din kung sinong tinutukoy ko.
Halos nasa akin na ang atensyon ng lahat. May nahimatay pa nga na isang babae nang madaanan ko, tsk! ganun ako ka-gwapo at ka-macho.
Pero wag muna kayong umepal ngayon girls dahil nasa bingit ng kamatayan ang gwapo kong mukha kapag di n’yo ako hinayaan makarating ng canteen ng mabilis, mababawasan ang gwapo sa mundo.
"Ang gwapo talaga niya"
"Akin ka na lang Johnny!"
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila tumuloy na agad ako sa canteen.
Pagpasok ko sa loob, grabe makatili ang mga babae, mas lalo pa yatang magulo dito kesa sa labas.
"Si Johnny baby naman pala ngayon ang naparusahan ni Captain Shieldler. Noong nakaraan kasi nakita ko si Alfred nakaboxer lang din habang nag pupush ups sa field" narinig kong sabi ng isang babae sa kasama niya.
Tama kayo, lahat kami nakakatanggap ng parusa ni Captain kapag may mali kaming nagagawa. Kung itatanong niyo kung bakit di kami nagrereklamo, ‘yon ay dahil matibay ang pagkakabuo ni Captain sa pagkakaibigan naming lahat. Nakuha ko na ang kailangan ko kaya mabilis din akong umalis sa lugar na ‘yon.
Pabalik na ako sa gym. At lihim na nanalangin na wag sana akong harangin ng baliw na babaeng ‘yon ngayon. Please not today.
-------------------
Tina's POV
MALAPIT ng matapos ang class namin ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bag, kinuha ko agad at tiningnan ng patago, mahirap ng mahuli ng prof.
From: Captain
Practice later.
Pagkabasa ko ng text, tinago ko agad ang cellphone ko. Di na ako nag-abalang magreply dahil wala naman talaga akong pang-reply.
After 5 minutes, nag-dismissed na si prof. Hinarap ko naman ang Jaguars.
"Jaguars!" malakas na tawag ko sa kanila bago pa man may makalabas. Lahat naman sila ay nagtinginan sa’kin
"Nagtext si Captain practice daw after this" I informed them.
"Ah pero bago kami pumunta sa gym, ipakilala mo naman kami sa bago nating classmate" sabi ni Elvin, ang pinakababaero sa lahat.
"Oo nga naman Ms.Manager" segunda naman ni Tristan.
"Ah guys si Hannah nga pala, bagong classmate natin at new friend ko din" sabi ko, napansin ko naman si Hannah na di naman siya naiilang parang sanay na sanay na siya makipag-kilala.
Nakangiti siya habang nakikipag-kamay sa mga makukulit na Jaguars.
"Elmar" narinig kong pakilala ni Elmar at nakipag kamay, aba himala, siya kasi ang pinakatahimik sa lahat bukod kay Captain, sabagay gentleman naman siya. Pero ang alam ko ayaw niya masyado makipag interact sa iba bukod sa team.
Nagtanguan lang naman lahat sila at sabay sabay ng pumunta sa gym. Ako naman nagpaiwan muna dahil kakausapin ko pa si Hannah.
-------------------
Hannnah's POV
MAKUKULIT man pero nakakatuwa ang mga players ng basketball team.
Komportable ako pagdating sa pagpapakilala sa lalaki kasi lumaki ako na ang nasa paligid ko ay puro lalaki, dahil sa daddy ko, mga pinsan ko, sa kuya ko, at sa mga bodyguard ko noon. Si Mom lang ang babae at si Ate Gladies, kaya naman di na mahirap sakin ang makisama sa iba lalo na sa mga lalaki.
Nakakatuwa dahil ang babait nila at gusto nila ako maging kaibigan, kahit na umay na umay na ako sa mga lalaki, wala akong magagawa kapalaran ko na yata talaga ang magkaron ng mga pinsan at kaibigan na lalaki. Buti nga hindi ako nahawa sa pagiging barako ng mga pinsan ko e. Nahawa lang siguro ako sa kabaduyan nila kung minsan.
Naikwento na din sa’kin ni Tina ang about sa pagiging manager niya ng team, at ang tungkol sa mga members. Medyo nahihiwagaan nga ako doon sa kwento niya about sa Captain nila.
Napansin ko din na sikat na sikat ang team nila dito sa buong campus dahil bukod sa magagaling daw silang maglaro di din maipagkakaila na halos lahat ng myembro ng team ay may mga itsura. Di ko pa man nakikita ang iba palagay ko naman e’ tunay ‘yon, maki-oo na lang din tayo para walang gulo hehehe.
"Paano Hannah mauna na ako sayo, dadaan pa kasi ako sa gym" sabi ni Tina
"Sure, basta text mo agad ako kapag lilipat ka na ha" masayang sabi ko.
"Sige. Baka one of these days. Bye Hannah ingat sa pag uwi. See you tomorrow!" paalam niya, tapos nag umpisa na siyang mag lakad papunta sa gym.
Masaya ako sa unang araw ko sa Montereal University, sana magtuloy-tuloy ang ganito.