SOMEONE POV
Lahat ng estudyante ay sandaling napatigil sa kaniya-kaniya nilang ginagawa at dagling napalingon sa direksiyon nina Kingston at Lance habang patuloy silang naglalakad papasok ng Academy.
All students that was scattered all over the place looks at them with full of admiration and envy because of their Godly looks that every men dream of having but only few have in real life. Maaaring ikaila iyon ng ilang mga lalaki pero ang ekspresyon ng kanilang mukha ay hindi.
Ang mga kababaihan naman ay kilig na kilig at halos magpuso na ang mga mata habang tinitingnan nila ang bawat galaw nilang dalawa.
Animo pag-ngiti, pagpikit ng kanilang mga mata, pagkibot ng kanilang mga labi at maging paghinga ay sinusubaybayan ng mga ito. Kulang na nga lang ay mag-take down notes pa ang mga ito para ilista ang lahat ng katangian na mayroon ang dalawa.
Hindi na nga nagtagal at ang tahimik na Academy ay napuno ng tilian ng mga kababaihan. And just like that, they instantly become an instant celebrity in the EL ROYALE ACADEMY.
Not that shocking though. Basta talaga gwapo, sikat at pinagkakaguluhan ng madla.
The spotlight was clearly on the two of them but they didn't mind it. Palibhasa ay sanay na sila sa ganitong atensiyon na natatanggap sa paligid dahil kapwa sila prinsipe sa kani-kanilang pinanggalingang lugar kaya naman ang maging sentro ng atensiyon ng karamihan ay hindi na bago sa kanila.
Especially in Kingston’s case because he's very popular in his world and it's not that shocking anymore if he become famous in this world too. Sa angking kakisigan, kagwapuhan at galing nito sa pakikipaglaban ay siguradong pagkakaguluhan at hahangaan siya ng napakaraming kababaihan rito. His physicality is no joke that it can instantly attract so many fan girls.
Nagtuloy-tuloy lang sila sa paglalakad at hindi inalitana ang magulong paligid hanggang sa tuluyan na nilang narating ang enrollment area at kung minamalas ka nga naman ay may napakahabang pila rito katulad ng mayroon noong nagpa-register silang dalawa . Kahit na hindi na dapat nilang pagtakhan itong kanilang naabutan ay hindi pa rin nila maiwasan na mainis sa mga nangyayari.
"Dito na kayo pumila mga Pogi."
Napatingin naman siya sa isang babae na nasa harapan lang ng pinilahan nilang dalawa. Nauuna si Lance sa pila kaysa kay Kingston kaya naman mas malapit ito sa babae.
"Is it okay?" nakangiting tanong ni Lance sa babae.
"Lance," tawag pansin ni Kingston sa kasama.
He didn't want to be unfair from all the students here who also want to enroll themselves in the Academy. May mas nauna pa sa kanila at hindi ganun kakapal ang kaniyang mukha para i-take advantage ang mga babaeng naunang nakapila sa unahan nila.
Aminado siyang gwapo pero hindi siya loko-loko. He still wanted fair treatment rather than receiving special treatment to someone whenever he's in the public.
"What?" inosenteng tanong sa kaniya ni Lance na kunwari hindi alam kung bakit tinawag niya ito. "Nagmamagandang loob lang si ganda," dagdag pa nito.
Hindi na siya nagulat ng makita niyang namula ang magkabilang pisngi ng babaeng na nasa harapan nila at impit na napatili. Even those girls who’s obviously her friends giggled because she was praised by Lance.
"She's not beautiful" prankang sabi niya na ikinagulat nila.
Laglag ang panga ni Lance ng marinig iyon sa kaniya. Ang babae naman ay saglit na natulala din pero agad din namang nag-maldita, siguradong hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi.
As if he cares.
“Sungit hmmp!”
Tinalikuran na sila ng babae at hindi na kinausap pang muli.
"Bro, huwag mo namang sabihin iyan," Lance whispered to him but he just stares at him seriously.
"I'm just being honest here," sabi niya kay Lance. “And I already said it and I don’t want to take it back,” dagdag pa niya dahil wala siyang planong bawiin ang nasabi na niya.
Oo na offend niya ito pero mas masama naman ang magsinungaling.
Nakita ni Kingston si Lance na dagling hinarap ang babae at pilit itong kinausap pero hindi na talaga siya nito kinakibo pa. Because of that, the both of them still need to wait longer that what they expected.
"Look what you've done," paninisi nito sa kaniya but he didn’t take it seriously. “Hindi na tayo nito mauuna sa pila.”
"Mas mabuti na ito kaysa manloko ng tao," he replied seriously.
Nakita niyang natigilan si Lance pagkatapos niyang sabihin iyon. He looks so guilty that's why he instantly looked away as he obviously avoided his gaze.
After that conversation, both of them became silent. Sa sobrang tahimik ay parang hindi sila magkakilala dahil kapwa sila walang imik.
"It's your turn stupid."
He just broke the silence between them after half an hour when he notice that its Lance turn to enrolled himself. At kung hindi niya pa ito pinagsalitaan ay hindi pa ito gagalaw at mananatiling nakatulala sa hangin.
Napakamot nalang ito sa batok dahil sa hiya at pagkatapos niyon ay agad rin naman itong nagpa-enroll pagkatapos nitong humingi ng paumanhin sa kaniya. After Lance, it's finally his turn and its much faster compare to the registration process that they went through in the entrance of the Uni World. Pinaboran din sila ng pagkakataon at sitwasyon.
"Welcome to EL ROYALE ACADEMY," nakangiting wika sa kaniya ng may katandaan na babae na nagii-entertain ng mga tulad niyang freshmen.
He just nods and then he takes his leave.
Naramdaman niya naman na sumunod sa kaniya si Lance at nananatili pa rin itong tahimik sa likuran niya. He heaved a deep sighed because he's not used to this kind of behavior of this guy.
Madaldal ito pero dahil sa sinabi niya kanina ay naging tahimik ito ngayon.
"What's the number of your dorm?" he asked, hoping that he could bring back Lance to his old self. Ayaw niya itong maging awkward sa kaniya lalo na at makakasama niya ito sa pagtupad ng kaniyang misyon dito sa Uni-World.
Napatingin naman ito sa kaniya at pagkuwan ay nagwika, "Dorm 110."
He just nod and then shows his card that has the same number of his dorm written on it.
"Same lang pala tayo," anito pagkatapos nitong makita ang numero ng kaniyang dorm.
His eyes automatically rolled.
"Obviously," huling sabi niya kay Lance bago muling ibinalik ang tingin sa harapan at naglakad muli.
Naramdaman niya naman ang pagtabi ni Lance sa kaniya. Hindi na ito nakabuntot sa kaniyang likuran tulad ng kanina na siyang ipinagpasalamat niya. Akala niya ay matagal-tagal pa itong tatahimik.
"Akala ko by race ang dorm dito? Nagbago na pala," bigla nalang naiwika ni Lance iyon na kumuha ng kaniyang atensiyon.
Nakakakunot ang kaniyang noo ng nilingon niya ito pero patuloy pa rin silang naglalakad ng marahan, tinatahak ang kahabaan ng hallway patungo sa elevator dahil nasa 3rd floor ang kanilang dorm.
"What do you mean?" he asked.
"My Dad told me that all students here were being classified base on their races. Mapa-dorm man iyan o classroom ay ipinapagsama-sama ang mga magkaka-uri at magkaka-lahi. So dahil demon ka at ako naman ay bampira, dapat hindi tayo magkasama sa iisang dorm diba? Kaya sigurado ako pre na binago na ang sistema dito sa Academy," mahabang litaniya nito at pagkuwan ay ngumiti. "Pero okay na rin yun at least mamamatyagan natin ang ating mga sarili" dagdag pa nito.
Marami pa silang pinag-usapan hanggang sa natanaw na nila ang elevator sa hindi kalayuan.
"s**t! Masasarhan na tayo!" Lance shouted.
Kapwa nanlalaki ang kanilang mga mata dahil magsasara na ang elevator ng tuluyan at kung babagal-bagal sila ay talagang masasarhan sila niyon.
Mabilis silang tumakbo para pigilan ang pagsara ng pintuan ng elevator at binuksan muli iyon pero dagli siyang natigilan ng makita niya sa loob niyon ang isang pamilyar na babae at katabi nito ang isang babaeng tila nakulangan ng tila sa sobrang ikli ng suot.
The familiar woman was that angel that he met in the entrance and just left him after he revealed to her that he's from the demon race.
Tulad niya ay gulat din itong napatingin sa kaniya pero kalaunan ay nakita niyang sumilay ang matamis na ngiti sa mapupulang labi nito. Her smile makes her more beautiful in his eyes.
‘Beautiful’ nasabi niya sa isipan habang titig na titig siya sa babae.
"Bro pasok na tayo," hearing that from Lance was enough to pulled him out from his own reveries.
He cleared his throat and just nods.
Lance was the first one to step inside the elevator and he just followed after him. Pagkasara na pagkasara ng elevator ay nagulat siya ng mabilis na-
"Baby, thanks God you're here" –tinawid ng babae ang pagitan nilang dalawa at kagad na niyakap siya ng mahigpit na hindi niya inaasahang gagawin nito.
Dahil sa ginawa nito ay dagling nanigas na parang matigas na yelo ang kaniyang katawan ng marinig iyon sa babae.
‘What's happening here and why did this angel calling him babe?’
Napipi siya sandali dahil wala siyang masabi sa lahat ng nangyayari.
“I miss you,” dagdag pa ng babae na lalong ikinagulat niya.
Pagkatapos siyang yakapin ng babae ay pinulupot naman nito na parang ahas ang braso nito sa kaniya. Nakangiti nitong hinarap ang babaeng kasama nito kanina at pagkuwan ay nagbitaw ito ng mga salitang tila granadang pinasabog nito sa kaniyang harapan.
"Lilac, he's my new boyfriend," pinakilala siya ng babae na boyfriend daw nito dito sa isa pang babae na kasama nila sa loob ng elevator.
What the f**k is the meaning of this?
‘Kailan pa ako nagka-girlfriend?’ naitanong niya sa kaniyang sarili at ang kasagutan sa tanong niya ay sa babae lang niya makukuha.
'TO BE CONTINUED