Kay bilis dumaan ng mga araw. Isang linggo na sina Georgina at Andie sa New Jersey at mukhang tatagal pa sila roon dahil sinusulit nila ang mga panahong hindi kasama ang mga ito. Isa pa, may mahalaga silang inaasikaso. Nais ng pamilya niya sa mother side na roon na sila sa New Jersey tumira na tinutulan niya ng lubos. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ayaw niya. Napagkasunduan nila na magpaiwan na lang si Andie at doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral nito sa New Jersey. Bakas naman sa mukha ng kapatid niya ang galak. Halatang gustong-gusto nito sa ibang bansa manirahan kaysa sa Pilipinas. Hindi katulad niya, iniisip niya pa lang na hindi na muling makakatapak pa sa Pilipinas ay sobra na ang lungkot na lumulukob sa kanya. Para bang habangbuhay siyang malungkot kapag