:Chapter Seventeen: Naglalakad sa pasilyo while chewing her strawberry flavor bubble gums, hindi ko maiwasan na mapasipat sa painting na nasa pader, pinalitan 'yon. Ngayon ay nakaukit sa kwadrado ay isang asul na phoenix. Ang iba naman kasamahan ko naman ay mukhang may pinagkaabalahan na wala ng oras na makipag usap sa akin. Napatigil ako sa harap ng pinto ng office ni Tito. Tinangka ko buksan 'yon pero hindi bumukas. Napansin ko na bagong pinto ito, iyong last ako nagpunta dito ay hindi naman ito parating lock pwera na lang kung wala si Tito. Kumatok na lang ako. Pero imbes na boses ni Tito 'yong narinig ko ay boses ng pamilyar na babae ang narinig ko. “Come in.” Pumasok na ako, nakakunot ang noo ng makita sa loob si Mrs. Hanazawa, ang kaibahan na ngayon ay nakasuot na siya ng busines