Chapter 7 “Sister Alexa, anong ginagawa mo rito? Maaga pa ah.” Sabi ni Paulo. Alas siyete pa ng umaga ng pumunta ako dito, napakalayo ng lugat na ito sa simbahan at malayo din sa mga residente dito. “Gusto lang sana kitang makausap, regarding about your father.” Huminga ako ng malalim. “Nabalitaan ko kasi na panay pambugbog ng ama mo sa'yo. Wala ka pa bang balak na iwan ang ama mo?” Natigilan siya at tiningnan ako ng madiin. “Pumasok muna kayo.” Pumayag naman ako. “Wala dito si tatay, siguro naglasing na naman siya at nakatulog sa kung saan-saan. Ah, pagpasensyaan na ninyo dito kung makalat.” “Okay lang. So I was saying awhile ago, wala ka bang balak na iwan siya? I mean, you are old enough para mamuhay na mag-isa.” Nag-de quatro ako kaya naman napansin ko na napababa siya ng tingin.