:Chapter 11: “You asshole!” Hinablot ko iyong vase na nasa mesa at ipinukol sa kanya, maliksi naman na nakaiwas siya. “Hey! Calm down for a sec!” “Anong calm down?! Una sinira mo ang gulong ng kotse ko at pangalawa hindi mo sinabi sa akin 'yong plano mo na kaya pala sinira mo iyon para makapag-usap kami nang lalaking iyon!” Nang malaman ko na malapit lang pala nakatira din siya sa tinutuluyan ko ay sinugod ko talaga siya para maghiganti. Tinakbo ko iyong pagitan namin at sinuntok pero nahawakan niya 'yong kamao ko. Mabilis na sinipa ko siya nang ubod lakas sa gilid kaya hindi niya naiwasan. Narinig ko siyang napa-agh sa sakit. Lumipad ang braso patungo sa mukha niya subalit nahawakan niya iyon at bago pa ako makapalag ay nasa likod na siya akin. Mahigpit na hinigit niya ang dalawang p