:Chapter Fifteen: Namilog ang mata ko. No! Gusto ko ng malubog sa hiya dahil sa ginawa ko! Bakit naman kasi padalos-dalos ako? Ayan tuloy ang napala ko! Walang birthmark si Noel! Pero paano niya 'yong lahat ng sign na siya si Damon? Kinuyom ko iyong kamao ko, kung ano-ano na kasi ang iniisip ko eh! Kaasar! “You were saying…hick?” He smirk. Tinirik ko muna ang mata ko bago ko siya tinalikuran. “Whatever, Noel. And I’m sorry sa ginawa ko kanina na pinagkamalan kitang si Damon. Pareho kasi kayo ng kilos at hilig eh.” Nanghaba ang nguso ko sa sinabi. s**t! Nakakahiya! “You better be…ah s**t! Magpapahinga muna ako.” Naglakad siya patungo sa kama at natulog. Hindi na lang ako umangal dahil may atraso pa ako sa kanya. Pasalampak na umupo ako sa kung saan siya kanina umupo tas kinuha ang lap