Kinabukasan ay naging katulong ako sa carenderia nina mommy. Kapag maaga pala ay napakabusy nila dahil maraming mga parokyano ang kumakain at hanggang tanghalian ay walang tigil pa rin ang pagpasok ng mga tao. Ang dalawang katulong ni mommy sa carenderia na sina Vino at Joy ay mag-asawa pala ngunit wala pa silang anak. Silang dalawa ang nakatoka sa pagserve ng mga orders at paglinis ng mesa dahil si mommy ang nasa kaha. Bukod sa dalawang ay may dalawang kusinera pa na sina Aling Natty at Aling Lourdes. Ang dalawa ang tagalagay ng mga orders ng mga customers. Maliit ang carenderia ni mommy ngunit hindi makakailang maraming customers dahil siguro ay masarap ang luto ng dalawang kusinera. At ang binabalik-balikan rito ay ang beef bulalo specialty pala sa ng carenderia. Hindi pa naman ako