Ang dating natahimik ko nang buhay ay naging magulo ulit nang nagkita kami ulit ni Blake.Hindi ko alam kung ano ang pakay nito sa akin dahil simula nang makita nito ang aking anak ay palagi na itong pumupunta sa aming carenderia. Napakasikat ng hotel niya na nasa tapat namin but he choose to eat in our place. Isang linggo na siyang patuloy na pumupunta sa carenderia at halos kalahating oras itong tumatambay. Naging magkaibigan na rin ito nina Joy at Vino at ng dalawang kusinera namin at pati si Mommy ay naging close na rin 'ata sa kanya. Wala akong magagawa dahil ayaw kong malalaman nila kung sino si Blake sa buhay ko. Hindi ko rin naman nasabi kay Mama ang pangalan ng ama ni Blaire. "Ate Jeng... Napapadalas' ata ang pagtambay ni Pogi rito noh!" saad ni Joy kay mommy. Nakita ko si Blak