Totoo nga ang sinabi ni Jill na parang may something sina Prof. Blake at Prof. Reese. Laging magkasama ang dalawa at palaging nasa loob ng office ni Prof. Blake ang Professora. Kapag nariyan siya ay walang kasing sweet ang dalawa. Magkasama rin ang mga ito kapag naglulunch sa canteen. Hindi naman siya dapat na makakaramdam ng ganitong kirot sa puso ngunit parang umuusbong lamang ang sakit kapag nakita niya na magkasama ang dalawa. "Hey, baby malungkot ka 'ata?" Narinig niya ang may pag-aalala sa boses ni Andy. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kiosk sa tabi ng building nila. "Ay nandiyan ka pala. W-wala pagod lang ako!" "Hmmm basta bukas huwag kang mapagod ha birthday ko. Dalhin mo si Jill." "Oo naman. Ikaw pa!" "Hay kelan mo 'ata ako sasagutin Jia." Ngumiti lamang siya rito ngunit ang