Maaga siyang pumasok sa university kinabukasan. Hindi na niya hinintay pa si Andy na sumundo sa kanya. Tinext na lamang niya ang nobyo upang huwag na dumaan sa apartment niya. Marami siyang iniiisip. Pero hindi niya masagot ang mga katanungan sa isip niya dahil wala siyang maalala. Sa kabilang banda ay iniisip niya si Andy. Hindi man nito aminin ay alam niyang na discouraged ito sa kanya. Sa tono ng pananalita nito kagabi ay alam niyang hindi nito inaasahan na hindi na siya birhen. Sukatan na nga ba talaga ngayon ng mga lalaki ang pagiging birhen ng isang babae? Hindi na ba sapat na mahal niyo ang isa't isa para tanggapin kung anu man ang kahinaan ng bawat isa? Nasasaktan siya. Feeling niya ang dumi-dumi niya dahil sariling nobyo ay parang nawalan ng gana qa kanya. Si Professor Blak