Chapter 8

1996 Words
Kim's POV Gamit ang namumugto kong mga mata ay tinignan ko ito. Magkasalubong ang mga kilay niya na tila hindi naiintindihan ang mga nangyayari. I suddeny wished she won't ask me to tell her the story, kasi kung ganun ang mangyayari, pakiramdam ko tinotorture ko na ang sarili ko. "Look, I really don't know what's happening. Masaya pa tayo kanina pero ngayon parang may tensyon na. I have no plans of learning the story so ganito nalang.." Gumala ang paningin nito sa aming lahat. Kumunot ang noo ko. "Why don't we just end this game with a kiss?" "Larry--" Pigil ni Sam pero hindi niya ito pinatapos. "Can you choose between the guy on your left and the guy on your right?" Napasinghap ako. Akala ko ba wala siyang balak alamin ang nangyayari? Why is she making me choose between Ken and Xian? Ugh! Hindi na ba matatapos ang torture na ito? "Larry don't--" "It's just a kiss. Pagkatapos nito wala na! Come on Kim, you're old enough to reward anyone a kiss." Nakita ko ang matatalim na titig ni Naomi at Cuttie sa kaniya. Larry seemed to be oblivious of what she's saying. How can she say that like kissing a guy is just some kind of a hobby? "Come on--" "Shut the fvck up bitch." Hindi nakapagpigil si Naomi. Tumayo ito at akmang lalapit kay Larry na mukhang clueless pa rin sa nangyayari. Pinigilan siya ni Sean. "Hey, ano bang ikina-iinit ng ulo mo?" "Gusto mong malaman?" Naghahamon ang tono ni Naomi, tumayo na rin si Cuttie at Samantha. "Naomi don't--" "Shut up Samantha. Naliligaw ang babaeng ito. Kung ikaw kaya mong makitang nahihirapan at nasasaktan ang kaibigan mo, well ako hindi." Nanlaki ang mga mata ko sa diretsong pagkakasabi nito noon kay Samantha, right infront of her face. Guilty na napaatras si Sam, dinaluhan naman ito ni Sean. "Wow, we have a real b***h here huh?" Tumayo na rin si Larry. Sinalubong nito ang tingin ni Naomi. "Yes." Tumaas ang kilay nito. "And this b***h is telling you to shut your one hell of a fvcking mouth before I make it zipped for you. Wala kang alam, so you better stay where you are. Don't command Kim to kiss someone just like how you do it because she's not like you. She's not like you b***h. Kung naghahanap ka ng ibibitch, try me, hindi kita aatrasan. Wag na wag mo lang subukan ang kaibigan ko kung ayaw mong lunurin kita diyan sa seven feet na pool." Magsasalita pa sana ito pero tumayo na si Dylan para ilayo siya kay Larry. Konting pitik nalang kasi ay siguradong magkakasakitan na ang dalawa. Knowing Naomi, she will defend what she believes. Hindi siya ang tipong aatras kahit sino pa ang kalaban niya. "Stop it Naomi." Sinubukan siyang hawakan ni Dylan sa braso pero agad niyang hinila ang kamay niya mula rito. "Isa ka pa, don't ever try touching me. Ayokong mahawakan ako ng kahit isa sa inyong pinili ang babaeng 'yan." She pointed out Armie. Napasinghap ako. "Sumusobra kana Naomi!" Saway ni Dylan. "I don't care! Wala akong pakialam kung masaktan 'yang prinsesa niyo. Wala pa 'yan sa pamamahiyang ginawa niya kay Kim kanina! Akala mo kung sinong inosente, pero b***h naman talaga? Stop acting you little--" "Sabing tama na eh!" "No! You shut the hell up Dylan! Alam mong kahit pagkampihan niyo ako dito, hinding-hindi ako aatras! Not when you're making my friend feel like nothing!" "We're not making her feel--" "Yes you are! You heartless people--" "Naomi please tama na.." Saka lang ito tumigil. Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin siya sa akin, umiling ako. "Tama na.." She sighed. She murmured curses I didn't get to hear pagkatapos ay hindi na ito ulit nagsalita. "Guys I think we need to rest." Cuttie announced. Nakita kong masama pa ring nakatitig si Naomi kay Larry at ganun din ito sa kaniya. Napapikit ako. Anong nangyari? Is this my fault? Akmang lalapitan ko si Larry para humingi ng dispensa sa inasal ni Naomi pero pinigilan ako ni Ken. Nilingon ko siya. "No Kim, pabayaan mo na sila. You should rest now." Malumanay ang boses nito bagamat puno ng pag-aalala. Tumango ako. Nakita kong pumasok na sila sa mga tent nila maliban kay Xian na dumiretso sa loob ng bahay. Mag-isang pumasok si Larry sa tent nila. Si Naomi naman ay naupo doon sa dulo ng pool, she opened a can of beer. I sighed. Inalalayan ako ni Ken papunta sa tent pero naisip kong gusto ko munang maiwan sa labas at magpahangin. Sa halip na iwan ako nito ay umupo rin siya sa tabi ko. Nasa kabilang dulo naman kami ng pool, malayo kay Naomi. Ilang minuto kaming tahimik. Nakatitig lang ako sa malinaw na tubig sa pool nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. "Something's going on right?" Tanong nito. Huminga ako ng malalim bago tumango. Pinanood ko ang kalmadong tubig sa pool. Serene.. I suddenly thought of Armie. She's like that water, serene..calm. She's my opposite. I'm far from being serene, I'm loud and childish. I'm not calm, I'm clumsy. Those things that Xian didn't like about me. Napabuntong hininga ako. Magtataka pa ba ako? Alam ko namang hindi niya ako gusto, hindi niya ako magugustuhan kahit anong gawin ko. Yun nga ang dahilan kung bakit ako na mismo ang umatras sa kasal namin. Bukod sa imposibleng magustuhan niya ako ay mayroon nang nagmamay-ari sa kaniya, sa puso niya. Pero minsan naiisip ko, hindi ba pwedeng magbago ang gusto niya? Hindi niya ba talaga ako pwedeng magustuhan? Kasi handa naman akong gawin lahat para matutunan niya rin akong mahalin. Kung wala lang si Armie, siguro ipinaglaban ko talaga sa kaniya ang nararamdaman ko. Kasi alam kong walang masasaktan. Pero nung nalaman kong nandiyan siya, na may role siya sa buhay ni Xian, nalaman ko ring kailangan ko siyang i-consider sa mga gagawin ko. "I don't want to ask pero gusto kong malaman," Puno ng pag-aalangan ang boses nito. Nilingon ko siya. "Gusto mong malaman?" He nods, "Only if you want to tell me. Hindi kita pipiliting mag-kwento. I just want to know where all of these is coming from." Huminga ako ng malalim. Tumingala ako para maghanap ng bituin sa langit pero wala akong nakita kahit isa. Tumungo ako, inilagay ko ang mga paa ko sa tubig. "We're childhood friends but we're not really close. Pareho silang lumaki sa Korea, palaging magkasama. Ni hindi pumasok sa isip ko na magiging sila kasi alam kong magkakaibigan kami." At naiisip ko palaging napaka-tanga ko para hindi maisip na imposibleng hindi maging sila. They are close, as in close. Alam nila ang lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa, magkaklase sila, magkasama palagi. Paanong hindi magiging sila? Paanong hindi sila madedevelop sa isa't-isa? "I like him. But for him, it's as if I dont exist. It was always she and him. And I'm always 'that'." Tuwing magkakausap kami, mabilis lang, kaunti lang. Kapag magkakasama kami, kung pwede lang ay hindi ako nito pansinin. Bata palang kami alam na nilang lahat kung gaano ko siya kagusto. Siguro lumaki nalang siya sa kaalamang iyon hanggang sa magsawa siya. "Pero makulit kasi ako, I never gave up. You know that feeling? When you set your goal and that overflowing feelings to pursue it? Yung kahit parang hangin lang ako na hindi niya nakikita, hindi mawala-wala yung pagkagusto ko sa kaniya. Yung kahit parang hindi ako nag-eexist, masaya na ako makita lang siya." I laughed sarcastically. Ngayon lang ako nagkaroon ng makakausap tungkol sa bagay na ito. I've never been as open as this to my friends, neither Samantha, nor Naomi. Iba yung pagiging close namin eh. Yung iba na parang nakakahiyang i-open ito sa kanila kasi magkakakilala kami eh, sobrang awkward na ikwento mo sa kanila yung nararamdaman at pagtingin mo sa isang taong kilalang-kilala din nila. "Until something happened. Nagkaroon siya ng utang na loob sa mga magulang ko. We were arranged because they want to pay their debts that way. Because he thinks he owes me." Ganun kadali sa kaniya ang magpakasal sa kagustuhang mabayaran ang utang na loob nila sa amin. Para sa kaniya, ang kasal namin ay isang paraan lang ng pagtanaw ng utang na loob, no feelings involved. Samantalang ako, baliw na baliw, excited na excited. "But you know what hurts the most? Nung nalaman kong sila pala ni Arm. And their relationship got ruined because of me. Nung nalaman kong mahal na mahal nila ang isa't-isa at nasisira ko na yung relasyon nila, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Para akong natauhan sa gitna ng pagkakalubog ko sa panandaliang kasiyahan." Isa akong malaking bato na sumira sa kanila, isa akong malaking pagkakamali para kay Xian. "The wedding day? Everyone around me was so happy. Nagtataka nga ako eh, I can easily adapt to any kind of happiness pero sa sarili kong kasal, namanhid ako. I lost that feeling." Naramdaman ko ang paglapit ni Ken sa akin. Ipinatong niya ang jacket niya sa balikat ko kaya nilingon ko siya at pilit nginitian. Puno ng simpatya ang mga mata niya. "I called her .." Pagtutuloy ko, "I asked her ..I am so stupid. Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pa siyang tawagan. I could have just ran away right?" Nagpakawala ako ng isang tawang puno ng hinanakit. I felt the pain again. Nangingilid ang mga luha ko. Am I a masochist for doing this? It's like I handed myself a knife for me to get stabbed, again and again, paulit-ulit. Tapos ngayon kinuwento ko pa na parang binalikan ko lang ang kahapon. Para lang akong sinaksak ulit. "God, bakit umiiyak ng ganito ang babaeng tulad mo?" Binulong niya iyon sa sarili niya pero dahil narinig ko ay sumagot ako. "Because I'm stupid. Araw-araw may nagagawa akong katangahan, normal na iyon. Ngayon gusto kong malaman kung normal pa rin bang mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat?" "Kim.." "I love him. And I'm loving him while I'm trying to bring them back together." My goal is to bring them back. But can anyone blame me that I love him everyday? Hindi ko alam na posible palang lalo mong mahalin ang isang tao habang nasa proseso ka ng pilit na paglimot dito. "Kim.." He sighed, "Ako naman ang magkukwento sayo." Hindi ako nakasagot. Pinunasan ko ang mga luha ko. "There's this girl I like. Unang kita ko palang sa kaniya, nagustuhan ko na siya. Akala ko hindi totoo yung love at first sight. Imposibleng mahal mo na ang isang tao pagkakita mo palang sa kaniya. Pero iyon ang naramdaman ko. I see her everyday, dumadaan sa corridor nang nakangiti, nakikipagtawanan sa mga kaibigan. I like her because she's a happy innocent girl." "A-anong nangyari? Niligawan mo ba siya?" He smiled, "Wala akong balak ligawan siya nung una. Pero nung nakita ko siyang umiiyak, nagbago lahat ng prinsipyo ko sa buhay. My mom taught me to take care of girls, to not make them hurt nor cry. I thought, kikilos lang ako pag ako ang nakasakit. But when I saw that girl cry for a guy? I realized, I don't need to be the reason of her tears to make her hush." "You are so sweet. Ang swerte ng babaeng 'yon." Napangiti ako. Umiling siya, "You think? If you think you're lucky, bakit ka umiiyak?" Natigilan ako, "A-ano?" "Love him more starting today, Kim. Because I'm gonna start moving. I won't stay back and watch you cry again. I will, in all ways possible, try to make you lose your tight grip from him." "Ken--" "Because just like that calm water, I might be nothing when I'm at rest. But when I start moving, I can be a threat." Natulala ako sa mukha niya. Pilit kong hinahanap ang punchline sa sinabi niya pero hindi ko ito mahagilap. Instead, he gave me a smile full of hopes and will. "Do you mind me entering your life?" **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD