"Walanghiya ka! Pinapaaral ka namin ng tatay mo pero imbes na mag-aral ang paglalandi ang inaatupag mo!" malakas na sigaw ng kaniyang ina. Pulang-pula ang mukha nito habang masamang nakatingin sa kaniya, sa kanila ni Shawn.
Inihatid siya ni Shawn sa kanilang bahay kinaumagahan ngunit ganito ang nabungaran nila, ang kaniyang nanay, tatay at kapatid na si Ness na nag-aabang sa kanilang dalawa sa bukana pa lamang ng kanilang tahanan. Halos pagtinginan na nga sila ng mga kapitbahay dahil kabababa pa lamang nilang dalawa ni Shawn ay nagsimula na sa pagbubunganga ang kaniyang ina.
"Nay, hindi---,"
"Huwag kang sasagot-sagot! Simula noong makilala mo ang lalaking iyan," sabay duro kay Shawn, "ay natuto ka nang sagutin kami ng tatay mo. Natuto ka na ring magsinungaling at sininasama mo pa sa kalokohan ang kapatid mo at si January. Hindi ka na nahiya. Iyan ba ang itinuturo sa iyo ng lalaking iyan?"
Nakayuko lamang siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ipinupukol sa kaniya ng kaniyang ina lalong-lalo na ang hindi niya matingnan si Shawn dahil hiyang-hiya siya sa pinagsasabi ng kaniyang ina sa binata. Ang kaniyang tatay naman ay panay lamang ang buntong-hininga habang nakatingin sa kanila ni Shawn. Tahimik din ang kaniyang kapatid na kanina pa inip na inip at mukhang guilty. Paniguradong ito ang nagsabi sa kanilang mga magulang kung nasaan siya at kung sino ang kaniyang kasama kahapon. Malamang ay napag-alaman din ng kaniyang mga magulang na hindi siya pumasok kahapon sa klase.
"Ikaw na lang ang inaasahan namin ng tatay mo na tutulong sa amin ngunit ganito pa ang gagawin mo?" sigaw na naman ng kaniyang ina na ngayon ay nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa mga mata.
"HIndi naman po ako---"
"At kung mabuntis ka?" putol ng kaniyang ina sa sasabihin niya.
She felt guitly inside of her. Paano nga ba? Hindi naman sila gumamit ng proteksiyon ni Shawn noong ginawa nila ang bagay na iyon kagabi. Kaya malamang sa malamang ay magkatotoo iyon. She looked at Shawn who happened to be looking at her too. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.
"I'll take the responsibility on her," narinig niyang wika ng kasintahan na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang mga magulang. Puno ng determinasiyon ang mukha at mga mata nito.
"So pinakialaman mo talaga ang anak ko?" Walang hiya ka!" sigaw ng kaniyang ina na ngayon ay pinaghahampas at pinagsasampal na ang binata ngunit tinanggap lahat iyon ng kasintahan. Malakas na ang iyak ng kaniyang ina. "Walanghiya talaga kayong dalawa! Pinag-aaral ka namin, Mercy. Pinag-aaral! Lumayas ka ngayon din sa pamamahay na ito! Layas!"
Nanlalaki ang mga mata niyang lumipad ang tingin sa kaniyang ina. Maging ang kaniyang tatay at kapatid ay ganoon din ang reaksiyon.
"Ma!?" tawag ng kaniyang tatay sa kaniyang nanay. Mukhang hindi rin ito sang-ayon sa sinabi ng kaniyang nanay.
"Huwag kang makialam dito, Kanor! Alam kong kakampihan mo itong anak mo pero hindi na tama ang ginagawa niya. Hindi ka ba naaawa sa sarili mong kumakayod para lamang makapag-aral ito sa kolehiyo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo na hindi magkaugaga sa pagtitipid para lamang may maipantustos sa pagpapaaral sa kaniya?" Tahimik lamang ang kaniyang ama. Puno ang awa ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Gusto niyang maglandi pwes ibibigay natin iyon sa kaniya ngayon." Tumingin sa kaniya ang kaniyang ina. Matalim ang mga tingin nito sa kaniya. "Magbalot-balot ka na ngayon din at pagbalik ko ay hindi na kita dapat pang makita sa pamamahay na ito," wika nito sa kaniya pagkatapos ay nagsimulang lumabas ng bahay.
"Ma!" tawag ni Ness sa kanilang ina bago tumakbo upang sundan ito.
"P-pa?" tawag niya sa ama. HIndi na matigil ang pagdaloy ngkaniyang mga luha dahil sa sinabi ng kaniyang ina at ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kaniyang ama ngunit dahil hindi naman nito kinontra ang desisyon ng nanay niya ay malamang wala na rin itong magagawa pa at malamang ganoon din ang nararamdaman nito.
Siya ang paborito ng tatay niya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya nito papaburan. Mukhang aayon ito sa desisyon ng kaniyang ina. Nakikita rin niya sa mukha nito ang awa ngunit may kaakibat na hinanakit. He was disappointed with her and in what she had done.
Tumayo ang kaniyang tatay na ngayon ay blanko na ang ekspresiyon ng mukha. Tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay kay Shawn.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko, Shawn," wika nito sa kaniya pagkatapos ay umalis na sa kanilang harapan.
"Pa? Pa?" Tumayo siya at hinabol ito ngunit hindi na siya nito pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto.
Pabagsak siyang napaupo dahil sa sakit na nararamdaman sa kasalukuyan. Itinakwil na siya ng kaniyang mga magulang dahil sa isang pagkakamaling nagawa niya. Hindi man lang siya binigyan ng mga ito ng pagkakataon para magpaliwang. Ngunit anong pagpapaliwanag pa nga ang magagawa niya gayong nakapagdesisyon na ang mga itong isuko siya. Pero naiintindihan din naman niya ang mga ito. Mga magulang ito na ang tanging nais ay ang ikakabuti ng mga anak kaya todo-kayod ang mga ito ngunit dahil sa nangyari ay sobrang na-disappoint niya ang mga ito. Gumuho ang lahat ng pangarap ng mga ito para sa kaniya. She was just eighteen years old and a college freshman and yet this happened.
Dalawang mainit na kamay ang pumukaw sa kaniya at nang lingunin niya iyon ay ang nag-aalalang si Shawn ang nabungaran niya. Tumango ito sa kaniya at tinulungan siyang tumayo pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap.
"Get your things. Kunin mo na lamang ang mga importanteng bagay," masuyong wika nito sa kaniya.
Tanging tango lamang ang naisagot niya pagkatapso ay pumasok sa kwaro nila ng kapatid at kinuha ang mga importanteng gamit niya, papeles na kakailangin niya at kaunting damit. Pinagkasiya na lamang niya iyon sa isang katamtamang laking bag. Paglabas niyangkwarto ay tanging si Shawn lamang ang nadatnan niya roon. She was hoping that her father or her mother would be there but they weren't there so with her sister.
Pinahid niya ang mga luhang nagsimula na namang dumaloy sa kaniyang mga mata dahil doon. Talagang hindi na siya pipigilan ng mga magulang. Talagang ayaw na ng mga ito sa kaniya. Itinakwil na talaga siya ng mga ito. Lumakas ang hikbi niya habang nakatingin sa kabuuan ng kanilang bahay.
Shawn came to her side and took her bag. Iginiya siya nito palabas ng bahay patungo sa sasakyan nitong nakaparada lamang sa labas ng kanilang bahay. May mga kapitbahay ring nasa labas at nakikiusyuso at nagbubulang.
"Sayang matalino pa naman iyan ngunit mag-aasawa rin pala ng maaga," narinig niyang wika ng isang kapitbahay.
Pinagbuksan siya ni Shawn ng pinto ng sasakyan ngunit bago pumasok doon ay muli niyang sinulyapan ang kanilang munting tahanan. Pinahid niya ang mga luha habang nakatingin doon.
"Let's go," wika sa kaniya ni Shawn kaya naman ay napilitan na siyang pumasok ng sasakyan bago sumunod ang kasintahan at pinaandar nito ang sasakyan palayo sa kanilang bahay.
Habang nasa daan ay hindi matigil ang kaniyang pag-iyak dahil sa nangyari, ang pagtatakwil sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Saan na ngayon siya pupunta? Papaano ang kaniyang pag-aaral? Paano na siya? Paano na ang kaniyang kinabukasan? Iyon ang mga katanungang hindi niya alam kung ano ang kasagutan. Kung bakit kasi hindi niya naisip ang konsekuwensiya ng bagay na ito?
Ito na ang sinasabi sa kaniya ng mga magulang na dapat ay priority niya ang kaniyang pag-aaral dahil iyon na lamang ang magsasablba sa kanila sa kahirapan lalo na at wala pa silang trabaho at hindi pa nila kayang buhayin ang sarili. Ito na talaga iyon. Ano na ang kahihitnan ng kaniyang buhay ngayon?
Suddenly the car stopped. She looked at Shawn who was now looking at her lovingly. Mukhang nababasa nito ang kaniyang isipan dahil umangat ang mga kamay nito upng punasan ang mga luha niya pagkatapos ay niyakap siya nito.
"What am I gonna do now?" mahinang tanong niya sa kasintahan.
Kumalas sa pagyakap niya si Shawn at hinawakan ang kaniyang mukha upang makita ang kaniyang mga mata. Muli nitong pinahid ang kaniyang mga luha bago ito masuyong nagsalita sa kaniya.
"I'm here. I'm here and let's start to build our lives together. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito tayo, nandito ka sa sitwasyong ito kaya naman kailangan kitang panindigan at maging responsable para sa ating dalawa. And besides, dito rin naman ito hahantong. Napaaga nga lang. So you don't need to worry about it. Ako na ang bahala sa iyo magmula ngayon because you are my life now. Bubuo tayo ng masayang pamilya at tandaan mong mahal na mahal kita."
"Pero paano ang pamilya mo? Ano na lamang ang sasabihin nila?" nag-aalalang tanong niya sa binata.
"My family can't do anything about it, about this. May sarili na akong isip. Hindi mo rin kailangang mag-alala tungkol sa pag-aaral mo dahil may trabaho naman ako. Kaya na kitang buhayin, pag-aralin. Let's live together in my apartment. Siyempre gusto kitang masolo," nakangiting biro pa nito sa kaniya dahilan para umangat ang kaniyang mga kamay at mahinang hinampas ito sa dibdib. Natatawa naman nitong hinuli ang kaniyang mga kamay at dinala ito sa bibig nito.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin, Shawn," mahinang wika niya rito.
"I got you, love. Live everything to me. Magiging masaya tayong dalawa," saad ng kasintahan bago siya nito hinagkan sa labi.
Matapos niyon ay muli nitong pinaandar ang sasakyan hanggang sa marating nila ang apartment na sinasabi nito sa kaniya.
"Welcome to your new home," wika ni Shawn sa kaniya. "Come let's settle down and check if may stock pa ako rito then we'll do some groceries and your things."
Inihatid siya ni Shawn sa magiging silid nilang dalawa. Yes, nilang dalawa dahil doon din naman iyon pupunta. Ibinabahay na siya ni Shawn ngayon. Gusto man niyang umuwi sa kanilang bahay ngunit ano pa ang magagawa niya kung itinakwil na siya ng mga ito. Maybe, just maybe this is for the best now. Siguro nga itinadhana na ng Diyos na ganito ang magiging kapalaran niya, ang maagang mag-asawa. Sana lang ay hindi niya ito pagsisihan. Sana lang!