Chapter 7

1386 Words
Matamang tiningnan lamang ni Mercy si Shawn sa naging tanong nito sa kaniya pagkatapos ay tipid na ngumiti rito. Sa totoo lang kasi ay oo nagsisisi siya ngunit hindi niya ito maibigkas sa binata ngunit may isang bahagi rin sa kaniya ang nagsasabing hindi dahil lahat naman ay ginagawa nito sa para sa kaniya. Wala siyang masabi sa pagtrato at pag-aalaga nito sa kaniya. Pero iyon nga, nagkahiwalay at nagalit sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Itinakwil siya. Pero masaya naman siya sa piling ng binata. Maraming bagay ang itinuro nito sa kaniya, magagandang bagay. Pero. Maraming pero ang tumatakbo sa isipan niya ngunit wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin ang nangyari. "Hindi ka naman nagsisisi 'di ba?" muli nitong tanong sa kaniya. Kailangan ba niyang sagutin ito nang totoo? Baka kasi kapag ganoon ay magtampo ito sa kaniya at ayaw naman niyang mangyari iyon. Sa dami ng ginawa nito sa kaniya ay ganoon pa ba dapat ang sabihin niya? "No," sagot niya. "At salamat dahil hindi mo ako pinabayaan." It was safer. Mas magiging maayos ang kanilang pagsasama. Shawn just smiled at her and gave her a tight hug. Matapos niyon ay niyaya na siya nitong dumulog sa hapagkainan. As usual, she did the dishes kahit ayaw ni Shawn. Pero alangan namang ito na lagi ang gumawa ng mga bagay na iyon para sa kanilang dalawa. At night, they did the usual. Usual? She was Shawn's dessert. Pero hindi naparami dahil marami pa siyang dapat gawin at sinamahan naman siya nito hanggang sa matapos siya. Kinaumagahan ay maaga siya nitong hinatid sa kanilang eskwelahan dahil na rin sa school works niya. Malapit na kasi ang exam kaya naman ay puspusan ang paghahabol niya. Isa pa ay nalalapit na ang foundation day ng eskwelahan at marami silang activities. "Mercy, usap tayo mamaya," bungad ni Marco nang makita siyang bumaba sa sasakyan ni Shawn. Nagtatakang tiningnan lamang niya ito habang papalayo ito sa kaniya. Pagkatapos ay kinuha ang gamit niya na ngayon ay hawak na ni Shawn. Seryoso ang mukha nito at hindi man lamang ngumiti na dating ginagawa nito tuwing hinahatid siya. Hindi naman siguro ito nagagalit sa kaniya dahil kay Marco. "Si Marco iyong president ng student council." Tumango lamang ito sa kaniya pagkatapos ay binuhay ang sasakyan. "Just call me then if you're not busy," saad nito sa kaniya. Nahihiwagaang tinanaw lamang niya ang kasintahan hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang reaksiyon nito hanggang sa mawala na ito sa isip niya dahil sa dami ng mga gawain. Nang uwian na habang hinihintay niya si Shawn ay tumabi sa kaniya si Marco. "Hi!" bati nito sa kaniya. Ngumiti naman siya rito. Friendly si Marco dahil na rin siguro sa student council leader kaya ganoon. Well, hindi lang naman sa kaniya malapit si Marco kundi maging sa lahat ng estudyante sa campus kahit na hindi nito kilala, he will aid them kagaya noong siya ay bagong salta siya sa campus at kailangan niyang hanapin ang building nila. Doon din niya nalaman na engineering student ito at graduating na ngayong taon. But despite having different course ay madalas pa rin silang magkita at magkasama sa mga affair dahil pareho silang member ng student council. "Hi, Marco! Nagkausap na ba kayo ni Prof. Diaz?" tanong niya sa binata. "Ay, oo. Tungkol doon sa isang booth na gusto niyang mangyari. Ikaw ano ang sagot mo?" balik-tanong nito sa kaniya. Natawa siya sa sinabi nito sa kaniya. Paano ba naman ay marriage booth ang nakatuka sa kaniya at kasama niya roon si Marco dahil ito ang incharge sa jail booth. Problema niya kung anong concept ang gagawin, maging kung sino ang bibiktimahin nila. "Nagulat nga ako dahil sa dami ng pwedeng ibigay ay iyon pa. Mabuti na lang ikaw ang may hawak ng jail booth. Ibigay mo sa akin ang listahan ha?" "Chicken lang iyon at isa pa iyon ang pinakamagandang booths sa foundation day. Marami kang ma-ge-generate na fund doon," sagot naman sa kaniya ni Marco. Marami pa silang napag-usapan ni Marco patungkol sa gaganaping foundation day Hindi rin niya mapigilan ang mapatawa dahil sa dami ng jokes nito sa kaniya. Masayahing tao, matalino, gwapo rin ito at mukhang Koreano. Papasa nga itong K-Pop idol lalo na at maykaya rin ang pamilya nito. Nagtataka tuloy siya kung may girlfriend ito pero since nakilala niya ito ay wala siyang nakikitang constant na kasama nito. Nasa ganoong eksena sila ni Marco, nagtatawanan, nang dumating ang sasakyan ni Shawn at huminto sa harapan niya. Nagpaalam siya sa binata bago sumakay si Shawn at nang harapin niya ito para batin ay madilim ang mukha nito. "May problema ba?" tanong niya sa kasintahan. Sapantaha niya ay may problema na naman ito sa mommy nito dahil madalas iyon naman ang dahilan kung bakit hindi maganda ang araw nito. "Can we go home? Or you have something to do? You know school stuff?" malamig na wika nito "Wala na. Why?" nagtatakang tanong niya sa kasintahan. "Nothing," wika nito bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan patungo sa apartment nila. Pagdating nila roon ay basta na lamang siya iniwan ni Shawn sa loob ng sasakyan. Ni hindi siya nito pinagbuksan gaya ng dati nitong ginagawa. Hindi rin siya nito kinausap o nagbilin man lang ng kung ano sa kaniya. Basta na lamang ito umalis at iniwan siya. Nang makarating siya sa apartment nila ay nadatnan niyang nakahiga na si Shawn sa kanilang kama. Bagong ligo na ito at nakapikit ang mga mata. Hindi rin siya nito pinansin at nagkunwaring natutulog. Nasa ganoong ayos din ito nang makalabas siya sa banyo. Mukhang hindi talaga maganda ang timpla nitong araw na ito kaya naman hindi na lang din niya pinansin pa. She went to the kitchen and cooked for their dinner. Adobong manok ang niluto niya dahil namis niya ang luto ng kaniyang tatay. Mayroon ding lettuce, apple at pipino sa ref kaya naman ay gumawa na rin siya ng simpleng salad. Nang makapagluto ay bumalik siya sa kanilang kwarto at tinawag ang kasintahan ngunit hindi man lang ito gumalaw. Lumapit siya rito at bahagyang niyugyog ang balikat nito. "Shawn, kain na tayo," wika niya habang marahang niyuyog ang balikat nito. "I'm not yet hungry. Mauna ka na," inis na sagot nito sa kaniya. "Wala akong kasama," saad niya. "Can't you see I am sleeping? Pagod ako sa trabaho. Just eat!" may kataasan ang boses nitong wika sa kaniya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa pagtaas ng boses nito. Bahagya pa siyang napausog mula sa pagkakaupo niya sa kama dahil doon. This is the first time he did it to her, ang pagtaas ng boses sa kaniya. Kahit naman galit kasi ito noon o kung may ikinagagalit ito sa kaniya ay nakakaya pa rin nitong kontrolin ang emosyon at boses nito. Masyado bang malaki ang problema nito kaya ganoon ang reaksiyon nito? Pero dahil naiintindihan niya ito, she moved away from the bed, away from him at tahimik na lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina at kumaing mag-isa for the first time ever simula nang magsama sila ni Shawn. Habang nasa hapag-kainan ay hindi niya magawang galawin ang kaniyang pagkain ngunit pinilit niya ang sarili. Pinilit niya ang mga kamay at bunganga na igalaw kahit nag-uunahan na ang mga luha niya sa mata. Nagsimula na rin siya sa pagsinghot habang pinupunas ang mga luha. Ni hindi na rin niya malasahan ang kaniyang kinakain. Parang anpait ng lasa nito lalo na at nag-iisa siya. Masaya pa naman siya na nagluto para sa kanilang dalawa. Gusto pa naman niyang ipagmalaki rito ang nilutong adobo na specialty niya. Unang beses na siya ang naghanda para sa kanilang dalawa but she was so unfortunate dahil hindi niya ito kasalo sa hapag-kainan. At sa wakas ay natapos na rin siya. She put the leftover in the refrigerator then wash the dishes. Pagkatapos niyon ay tinungo niya ang kanilang kwarto upang kunin ang mga gamit at bag para maituloy sana niya ang kaniyang mga project at homework ngunit hindi pa niya naitutulak ang pinto ng kanilang kwarto ay narinig niya boses ng kasintahan na may kausap marahil sa cellphone nito. "Yes, baby. Ngayon na ba? Okay, sure. I love you too." With that, she slowly closed the door with trembling hands.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD