“Kuya ang ganda ni ate oh,” kinikilig na sabi ni Trixie habang sakay na silang lahat sa kotse Nagkatinginan sina Luke at Mary. Ngumisi si Luke at umismid naman si Mary. Ikaw talagang bata ka,” saway ng kanilang ina sa batang makulit. Maya-maya ay nakarating na rin sila sa bahay nina Luke. “Wow! Eto bang bahay nyo kuya? Ang laki. Mansion ba ito? Dito na ba tayo titira ate?” “He, ambisyosa. Patitirahin ka dito bilang katulong. Maglinis ka na mamaya inday.” pang iinis ni Mary sa kapatid habang papasok ng garahe ang kotse ng binata. “Ikaw nga ang mukhang inday,” pagtatalo pa ng magkapatid. “Sasagot ka pa ha. Sa labas ka lang ha. Bawal ka sa loob.” “Ikaw sa labas. Bagay ka maging guard.” “Tumigil na nga kayong dalawa. Ang ingay ny’o.” saway ng ina sa dalawang magkapatid ng nagbabangaya