CHAPTER 4

2735 Words
Pagkaalis ni Mary ay pinuntahan ni Luke ang mga kaibigan sa tambayan nila sa loob ng campus. Niyaya sya ni Cindy na maghang-out sa bahay nito kasama pa ang iba nilang kaibigan at kasama rin si Bryan. Close sila sa isa’t isa. Parang magjowa ang asta pero para kay Luke ay sumasakay lang sya ss mga kagustuhan ni Cindy. “Luke, let’s go to my place.” “Sorry Cindy pero I need to study. Galit na nga si Daddy ng malaman na kailangan ko pang magsummer class at special class.” “Kahapon ang aga mo pang umalis. Hanggang anong oras ba yan pagrereview mo? Sumunod ka na lang mamaya.” “I’ll try but I can’t promise.” “I really miss you babe,” pumulupot na ang kamay ni Cindy sa leeg ni Luke at si Luke naman ay humagod ang kamay sa tagiliran ng babae. “You should also study. Sumabay ka na sa akin sa pag-aaral ko.” saad ni Luke sa babae. “Hays, ano ka ba? I can pass kahit hindi ako mag-aral. I’m smart you know. Ako na lang kaya ang magtutor sa’yo?” “Ano namang ituturo mo sa akin? Magshopping at gumala?” natatawang saad ng binata. “Nakakatawa yung tutor mo na mukhang palaka.” sabay tawa naman ng babaeng halos kayakap na. “Your so bad. Hindi naman siya mukhang palaka.” “Anong tawag mo doon? Ang pangit at ang rough ng skin. Kadiri.” “Kaya nga. Para di ako madistract. Kung maganda yun di ako makakapag-aral ng maayos.” “Ok. Basta sunod ka mamaya. Please.” “Ok. Alis na ako,” nag-smack sila sa lips bago maghiwalay saka pumunta si Luke sa karinderia nina Mary para sunduin na ito at sabay-sabay silang pumunta sa bahay nina Mary. *** “Pasok ka, upo ka na dito sa dinning. Kain ka muna, Luke,” anyaya ng ina ni Mary pagdating nila sa bahay ng mga Gonzales. Umakyat sa second floor si Mary para magpalit ng pangbahay na jogging pants at tshirt. Naghilamos at nagpulbos ng mukha. Konting cologne at manipis na lipstick para ‘di obvious na nagpapaganda siya para kay Luke saka ipinusod ang buhok. “Hoy, tapos ka na d’yan? Dito tayo sa sala.” masungit na anyaya ni Mary sa lalaki. “Uy, si ate, naglipstick pa. Nagpapaganda sa bisita.” panunukso ng kababatang kapatid niya sa kanya. “He, manahimik kang tiyanak ka! Napansin mo pa talagang bata ka.” Napatawa naman si Luke sa sinabi ng kapatid ni Mary at tinitigan naman siya ng masama ni Mary. “Sorry, yung kapatid mo kasi. Nakakatawa kasi sya.” “Tawa ka pa dyan. Oh, basa ng malakas,” naiinis na sabi nito sa binata saka naupo na sa sofa sa salas. “Bakit malakas pa? I’ll just read with my eyes,” sagot sa kanya ni Luke. “Kasi ang lakas mong tumawa, damuho ka,” inis na sabi ni Mary at napahiya dahil sa panunukso ng kapatid. “Hindi na promise. I’m sorry pero maganda ka naman talaga kapag nag-aayos.” “Nambola ka pa ‘no. Hwag mo akong utuin. Basa na ng malakas. Bilis.” “I’ll just read quietly. Hwag na nga magalit.” panlalambing ng lalaki. ugali na ni Luke ang magpaawa para masunod ang gusto gaya ng ginagawa niya sa mama niya. “Trixie, umakyat ka na sa taas. Hwag mong guluhin ang ate mo,” utos ng kanilang ina. Tinukso naman ni Mary ang kapatid sa pagbelat nito at pag-irap habang paakyat na sa kwarto ang batang babae. “Nagpabango ka ba?” usisa ni Luke “Lahat napapansin? Fab con ng damit ko yun. Focus nga!” inis na sabi ng dalaga dahil dinadaan ni Luke sa pagbibiro ang pag-aaral nito. Lumapit ng bahagya si Luke kay Mary at bumulong “I just thought you’re flirting with me.” “Wish mo lang but you’re not my type, Mr. Salcedo. May issue ba sa itsura ko ngayon?” sabay hampas niya sa braso ng binata. Napipikon na ang dalaga sa kalokohan ni Luke. “Cause, you look nice and smells good too,” nakapangalungbaba siya sa mababang mesa at nakatitig kay Mary. “Eh kahapon, tsaka kaninang umaga?” nangalumbaba na rin si Mary na humarap kay Luke. “You look good too yesterday but I’m a little pissed kaya di ko masyadong napansin.” “Stop it nga, ikaw ang nakikipag-flirt at hindi ako. Ginagawa mo ‘yan para umiwas sa pagbabasa ‘no? Luke naman. Magfocus ka nga,” masungit na saad ni Mary. “Cause, your beauty is so distracting,” pangungulit pa ni Luke at iniinis talaga ang dalaga. “Ok. I’ll give you space and time. 15 minutes para sa pagbabasa. Sa taas lang ako para di ka madistract ng kagandahan ko.” “Wait, dito kalang,” pigil ni Luke sa pag-alis ni Mary “Basa na!” sigaw ni Mary na umakyat muna sa kanyang kwarto. “Kalma ka lang girl, hwag kang marupok. Bwisit na Luke yan, pa-fall,” saad niya habang nakahiga sa kanyang kama. Tinapik ang kanyang mukha at hinagod ang mga braso upang mawala ang kilig n’ya habang katabi kanina si Luke sa salas. Nakahiga lang siya na nakatitig sa kisame habang paulit-ulit sa utak niya ang mga salita ni Luke kanina. Maganda ka You look nice and smellĵs good You look good too yesterday Your beauty is so distracting Forget all of that brain, please. After 15 minutes ay saka ulit siya bumaba na magulo ang buhok. Napalingon naman sa kanya si Luke habang hinila niya ang kanyang tali sa buhok saka muling inayos ang pagkakapusod nito. “Wooh!” “Ano nanaman Luke Salcedo? Lahat na lang ha.” “Wala naman akong sinasabi ah.” “Alam ko may sasabihin ka nanamang kalokohan. Tumigil ka na please lang.” “Wala kaya,” napapangiting sabi nito na kung anu-ano nanaman ang naiisip na pang-aasar kay Mary. “Aalis na nga ako.” “Di pa tayo tapos. Wala pang math.” “I’ll stay kapag may kiss.” “Baliw! Oh, heto makinig ka na,” saka nag-explain ng math problems. Inilapit naman ni Luke ang mukha niya na halos nasa balikat na ni Mary. Umusog naman ng kaunti si Mary dahil sa pagkailang niya sa binata at umiiwas din sya na kiligin sya. “Hwag kang masyadong lumapit. Baka madistract ka nanaman sa kagandahan ko.” biro nito sa lalaking pqnqy ang pqngungulit. “Yeah right, ang hirap ng maganda ang tutor.” pangbobola pa nito sa dalaga. “Shut up! Umayos ka na kasi,” sabay irap ng napipikon na si Mary. “Sige na aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako.” “Ha? Wala ka naman naaaral. Nakikain ka lang. Hoy! bumalik ka.” Nagligpit na si Luke ng kanyang gamit saka nagmamadaling umalis. “Bye!” sabay kindat nito kay Mary habang nakangiti. “Baliw na lalaki. Ang sakit mo sa ulo,” bulong ni Mary sa sarili. Gumawa na si Mary ng kanyang mga assignments. Pagkatapos ay pinadalhan nya na lang ng kopya ng sagot si Luke sa e-mail nito. *** “Hi babe! Buti naman at sumunod ka,” masayang sabi ni Cindy nang makitang parating si Luke. Agad niya itong sinalubong at niyakap. “Nakakabored mag-aral. Nakakakulta ng utak. And I miss you, all of you.” “Akala ko ako lang ang na miss mo. All of us pala.” “Tampo ka pa d’yan. Nandito na nga ako.” “Kung si Mary ang magtututor sa akin, di ako mabobored. Kahit magdamag pa kaming mag-aral," sabat ni Brian. “You like that frog?” ani Cindy na umikot ang mga mata. “Cute kaya sya. I like her smile. Di ba Luke?” Sumama naman ang tingin ni Cindy kay Luke. “Hwag mo kong idamay dyan. Si Cindy lang ang cute para sa akin.” “Cute ba yan? Nakakata-cute. Nakakatakot tumingin oh,” pabiro pa ni Brian sa babaeng nakasimangot. “Wala kang taste Brian at bulag ka. Basta babae papatusin mo.” “Basta, I like her. Wala ka ng magagawa, Cindy.” “Court her at pasagutin mo in 2 weeks,” dare ni Cindy. “Ang tagal naman. Give me 1 week.” Naghiyawan naman ang mga magkakaibigan sa kayabangan ni Brian. “10k ha. ‘Yan ang pusta ko. 1 week, sa akin na yang Mary na yan.” confident na saad ng lalaki. “Shoot, 2 weeks. Masyadong mabilis ang 1 week,” sabi ni Cindy “Ikaw pare?” “Di mo mapapasagot,” seryosong sabi ni Luke. “Wala kang bilib sa akin ha. Watch ang learn,” nakangising sabi ni Brian “Anong gagawin mo?” tanong ni Luke sa kaibigan at curious sa diskarteng gagawin nito “Bigay mo sa akin ang number nya.” “Tumigil ka nga Brian. Hwag mo nang isama sa kalokohan mo si Mary.” tanggi ni Luke at ayaw nitong mapagtripan ang kanyang tutor. “Nagseselos ka ba pare?” “Ibigay mo na para naman makaranas ang babaeng ‘yon na maligawan. Si Brian lang ang magkakagusto doon for sure.” Nagtawanan naman sina Cindy at Brian at nag high five pa. “Sige na pare, ibigay mo na ang number,” pangungulit ni Brian sa kaibigan. “Do you like her na ba kaya ayaw mong ibigay ang number?” prankang tanong ni Cindy na naiinis na kay Luke. “I don’t like her. Ayoko lang na pagtripan ni Brian si Mary. Malalagot ako kay mommy.” “We’re just going to try. Ang korni mo na ngayon Luke. Sige na ibigay mo na ang number,” pangungulit pa din ni Cindy “Oo nga pare. Sige na. Katuwaan lang naman. Wala namang mawawala at makay ninyo magka girl friend na ako.” “Ang kulit nyong dalawa. Oh ayan na.” “Ayun! Ayos! Heto na.” Agad tinext ni Brian si Mary ng gabing iyon. Brian: Hi Mary. Mary: Hello. Sino ‘to? Brian: One of your many admirers Mary: Talaga? Ang creepy mo. Stop texting me. “Sabi ko sa ‘yo wala kang pag-asa,” panunukso ni Luke at natarayan agad ang kaibigan. “Nagpapakipot lang yan.” “Wala ka pala Brian,” tukso pa ni Cindy Brian: Hey babe, I’m not creepy cause I’m so damn hot. Mary: Hot pot o hot dog ka ba? Brian: Hot as in, so sexy and so damn handsome. Mary: Alright, nahihibang ka na siguro. Itulog mo na ‘yan. Nyt. Over and out. Tinawagan ni Brian Si Mary matapos ang huling mensahe ng dalaga ngunit patay na ang phone nito. “Ano na?” tanong ni Luke na tatawa-*tawa “Patay na ang phone nya. 1st day pa lang naman. I still got 6 days to make her mine.” “Lakas mo talaga Brian. Good luck sa ‘yo at paibigin mo siya ng husto,” pag-udyok pa ni Cindy. “Sabi ko sa’yo she’s hard to get. Di mo agad mabobola yun. Ang taray kaya nun,” kontra pa rin ni Luke sa kaibigan. “Parang kilalang-kilala mo na agad siya,” saad ni Cindy na may halong inis ang nararamdaman sa pagdedescribe ni Luke sa tutor nito. “Sa dalawang araw pa lang. Alam ko na kung gaano siya kasungit.” “Pangit na nga siya masungit pa. Anong klaseng babae ‘yan?” “Alam nya lang siguro na binobola siya ni Brian. Ang mga babae hindi dapat bumibigay agad sa pangbobola ng mga lalaki.” “Hay, bakit mo ba laging pinagtatanggol. Gusto mo sya kasi pahard to get sya?” “Hindi naman, ano ka ba?” nagkakainitan na ang dalawa at nagtatalo tungkol kay Mary. “Nagseselos ka ba Cindy? Hindi papatusin ni Luke yun. Akin na si Mary. Si baxk off, boy.” “Let’s not talk about her na nga. Nakakasira lang ng araw.” “Saan pala tayo sa Halloween? May party daw sa school. Attend tayo at masaya daw.” anyaya ni Brian at pag-iiba na rin ng topic nila. Napipikon na si Cindy sa pag-uusap tungkol kay Mary. “To be with our schoolmates na mukhang freak? No way! Alam mo naman na lagi akong nagpapa-halloween party di ba?” pagyayabang na sagot ni Cindy. Mahilig syang magpaprivate party na mga close friends na mayayamqn lang ang invited niya. “Yeah, with your hot female friends na naka-sexy costumes. Siyempre mas masaya ang party mo. And the foods, ang sasarap.” “Of course! Ako pa? So, saan ka aatttend ng party sa school o sa party ko?” “Siyempre sa party mo,” sagot ni Brian na walang patumpik-tumpik pa. “And I’ll be the sexiest woman in the party. Right Luke?” “Siyempre naman,” maiksing sagot ng binata at wala naman syang maisasagot kundi ang sumang ayon sa feeling girlfriend niya. *** Kinabukasan ng hapon sa school Habang naglalakad si Mary sa loob ng campus ay patakbong lumapit sa kanya si Luke. Inakbayan siya saka hinigpitan ang pag-ipit ng braso nito sa kanyang leeg. Napapiglas si Mary sa gulat sa ginawa sa kanya. “Lukas Salcedo! Sira ulo ka!” hinampas niya ng libro ang binata sa inis dito. “Kain tayo sa canteen.” “Kakain o magcu-cutting ka nanaman? Ang sipag mo talaga.” “Nakakatamad eh. Lalo na dun sa prof ko na mayabang. Sasabihin ko na lang na nagrereview tayo.” “Daming palusot. Pauwi na ako eh.” “Mamaya na kumain muna tayo,” pilit ni Luke at naglakad na sila palabas. “Oh akala ko sa canteen pero bakit palabas tayo ng campus?” takang saad ng babae. “I change my mind. Sa café na lang sa labas. Mas masarap doon.” Sumakay sila sa kotse ni Luke at pumunta sa isang café. “Bakit ‘di yung girlfriend mo ang sinama mo?” usisa ni Mary at nagtatakang sya ang kasama ng binata. “May klase pa siya. Tsaka nagsasawa na ako sa mga kwento niya.” “Hala! Ang trabaho ng mga boyfriend ay making sa mga girlfriend kahit dumugo na ang mga tenga ninyo. Saan ka pala nagpunta kagabi ha? Nakipagdate ka sa ibang babae ‘no?” “Hindi ako nakipagdate sa iba. Nagkamali yata ako na yayain ka. Isa ka pang maingay at nakakainis sa pandinig.” “Sorry ka na lang. Nakakahiya sa akin kung babawiin mo pa ang imbitasyon mo. Sabi mo kakain. Bawal ng bawiin yun.” “Oo na. Kumain ka para tumaba-taba ka naman.” “Nakakapayat kasi yung stress tapos ang pasaway ng tinuturuan ko kasi highschool na pero parang elementary pa rin kung umasta.” “Ibaba na kaya kita dito.” “Joke lang. Ang bait mo kaya at ang sipag pang mag-aral. idiretso mo na sa kakainan natin. Hwag kang paasa.” Nagpark si Luke sa isang cafe malapit sa school. Pumasok sila at naghanao ng mauupuan. “Anong gusto mo? Ikaw na ang pumila ha. Caffe mocha tsaka burger sa akin.” “Sige po boss ako na ang pipila. Libre mo naman.” “Good girl,” sabay kumindat pa ito kay Mary. Pinisil naman ni Mary ang pisngi nito dahil sa pagpapacute sa kanya. “Aray! Bad girl!” Pagbalik ni Mary ay dala na nito ang dalawang kape nila. Maya-maya ay dumating ang dalawang burger, pasta at isang chocolate cake. “Kulang ka pa ng 50 ha. Pero libre ko na yan sa’yo. Hwag mo nang alalahanin ‘yon at sagot ko na yun.” “Wow! Thank you ha.” “You’re welcome.” “Ako pa talaga ang nag-thank you at ikaw pa ang nag-welcome. Kapal.” “Ganoon talaga. Barya kang sayo ang pera mo at mahalaga naman sa akin ang pera ko” “Hindi ka rin gutom ‘no. Ang dami mong inorder.” puna ng lalaki sa mga pagkaing nakahain sa mesa nila. “Ikaw lang ang inalala ko. Baka gutom ka eh at para pumasok sa utak mo ang aaralin natin.” “Ako pa nga. Matalino ako pero medyo tamad lang. Sige na kain na. Ang daldal mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD