LUKE “Hindi nga ako pwedeng mag-out of town kasi may review pa kami ni Mary. Kailangan kong mag-aral ng mabuti,” sabi ko kay Cindy nang tumawag ito sa akin. Kadadatring pa lang namin ni Mary sa condo at mag-uumpisa pa lang ang klase sa isang araw. Ngayon pa lang ako babawi sa aking nobya sa pag-alis namin ni Cindy ay kinukulit nanaman ako ng babae. Nagyayaya nanaman itong lumabas at ilang araw daw kaming mag stay doon sa bakasyong sinasabi ni Cindy sa akin. Nagdahilan akong di makakasama dahil exam namin kahit tapos na noong Disyembre pa. Ngayon ko pa lang lubusang masosolo si Mary at ang kulit nanaman ni Cindy. “Luke, you don’t have to study every single day. Wala ka namang hinahabol na grades.” saad pa nito at pangungumbinsi sa akin. Muntik na nga kaming mag-away ni Mary nang mag Ba