6

4011 Words
Habang nagbabasa si Luke ng kanyang libro ay nakipagkwentuhan si Mary kay Brian. “Papasa ka ba? Sa palagay mo ga-graduate ka?” usisa ni Mary sa binata. “Oo naman. Ikaw ba hindi?” “Wala kang bagsak? Sure ka ba?” hindi nya sinagot ang tanong ng lalaki bagkus ay nagtanong pa syang muli. “Oo naman. Masipag kaya akong pumasok kaya papasa ako.,” pagmamalaki pa ni Brian sa kausap. “Eh bakit si Luke ang daming bagsak? Di mo man lang sinabihan ang lalaking ito.” “Ewan ko ba dyan sa pare ko na ‘yan kung bakit nagkabagsak-bagsak ang mga grades.” “Ang ingay nyong dalawa. May nag-aaral dito. Iniistorbo nyo. Doon kaya kayo sa malayo magkwentuhan.” masungit na saad nito na nakasimangot pa. “Sorry naman. Sige na mag-aral ka nang mabuti.” “Asan na pala ang bantay mo, Luke? Baka biglang sumulpot yun dito,” masungit na tanong ni Mary “May bibilin lang daw sa mall. Mamaya nandito na yun. Na-miss mo ba?” napangisi ang lalaki habang nagsasalita. “Oo. Sarap kausap nung babaeng ‘yon. Akalain mong pakuluin ang dugo ko.” “Kinakabahan nga ako baka magsabunutan ka ‘yo,” saad ni Brian na natatawa rin dahil sa pag-aaway ng dalawang babae. “Mukha namang madaldal lang. War freak ba ‘yon Luke?” tanong ni mary sa lalaki. “Hindi kayang makipagsabunutan ni Cindy. Mataray lang ‘yon pero hindi mapisikal. Eh, ikaw? War freak ka. Bakit ba nagtanong pa ako?” “Masalita lang din ako pero ayaw ko ng pisikalan. Pero kung gusto nya, pwede naman. Subukan nya ng malaman niya. Sige na, kain na muna kayo. Malamang gutom na ang mga alaga nyo sa tyan.” “Parang lagi na tayong magpi-picnic dito ha. Ang saya,” nakangiting sabi ni Brian. “Hoy, sabi ko ngayon lang di ba? Anong alagi?” “Hwag ka nang pupunta ulit dito ha. Nakakaistorbo ka na sa nag-aaral. Lagot ka sa akin kapag bumagsak pa ako,” sabi naman ni Luke sa kaibigang makulit. “Ang sama n’yong dalawa. Kayo na nga ang sinasamahan. ayaw nyo pa. Wala pala ako bukas. Halloween. Sana masaya kayo,” tanpu-tampuhang saad nito. “Oo nga pala. Punta kayo sa party? Na-attend ba kayo ng school Halloween party?” tanong ni Mary sa dalawang lalaking kasama. “Hindi,” sabay na sagot ng dalawang binata. “Mayayaman talaga at may sariling party. Saan ang party nyo?” usisa ng babae at curious sa ganap ng mga mayayamang tulad ng dalawang kasama. “Aattend ka ba?” tanong ni Brian habang puno ang bibig ng pagkain. “Oo. Palagi kami na-attend ng mga friends ko. Masaya kaya. Nakakatuwa yung mga costumes namin. Akala ko ba partner tayo, Luke? Tapos di ka naman pala aattend.” “Aattend ka dito? Paano ang party ni Cindy? Tapos partner pa kayo ni Mary ha. Lagot ka,” pananakaot ni Brian sa kaibigan na may possessive na feeling girlfriend. “Nyee.. paasa pala ‘to eh,” sabi ni Mary na may pagkadismaya sa lalaki. “Aattend nga. Susunduin kita bukas.” sagot ni Luke pero parang wala sa loob. Takot sya kay Cindy dahil may attitude itong nakakahiya kapag di nakukuha ang gusto. Nagwawalang parang bata. “Let’s see kung papayagan ka ni warden,” natatawang sabi ni Mary at napatawa rin si Brian. “Sige aral na. Oh ikaw lalaki ka? Ano pang papel mo dito? Alis na. Overstaying ka na dito.” masungit na sabi ng dalaga. “Dito lang ako. Hwag nyo na lang akong pansinin. Wala na nga ako bukas, paaalisin nyo pa ako ngayon.” Nagpatuloy na sa pag-aaral sina Luke at mary at natahimik naman na si Brian na gumagawa na rin ng assignment niya. Habang naroon sila, pati kay Bryan ay marami ring bumabating mga babae. Gwapo rin naman ito at may appeal din kaso lang ay mas isip bata pa kay Luke. Sobrang kulit pa. “Gwapo nito. Artistahin,” di mapigilang di mang asar ni Mary kay Brian dahil sa mga pagtawag ng mga babae sa mga lalaking kasama niya. “Ikaw lang yata di nagu-gwapuhan sa akin. Pakipot ka pa dyan.” “Hindi talaga. Totoy ka pa tsaka di nakakagwapo kapag sobrang kulit,” napahalakhak ng malakas si Luke sa sinabi ng dalaga. Pagkatapos ng isang oras mahigit na pag-aaral ay natapos na rin sila sa mga reviews, reading at solving math problems. “Oh, hwag nyo na akong ihatid ha. Kaya ko naman at nakakahiya sa inyong dalawa,” maangas na sabi ni Mary na pabiro lamang. “Ang cute mo talaga. Di ka rin naman makapal ‘no,” natatawang sabi ni Luke na may kurot pa sa pisngi ng babae. “Aray, damuho ka! Ang sakit ha.” “Sinasaktan mo naman ang honeybunch ko e,” hinimas ni Brian ang pisngi ni Mary na parang awang-awa sa babae. “Hoy, hwag ka ngang ano dyan,” may kilig na sabi ni Mary saka inalis ang kamay ni Brian sa mukha niya. Hinawakan pa lalo ni Brian ang kamay ng dalaga at nagsabing, “Tara na hatid na kita,” hawak pa rin ang kamay na inipit sa kanyang braso saka hinila si Mary papunta sa parking lot. “Teka nga. Bakit nagmamadali?” halos patakbo na ang hakbang ni Mary na hila hila ni Brian. Naiwang mag-isa si Luke at saka patakbo na ring pumunta sa parking lot. Inabutan n’ya pang nagtatalo ang dalawa. Ngunit naroon na rin si Cindy kayat di nya maawat sa pamimilit si Brian na ihatid ang dalaga. “Hwag na nga kasi. Ok lang naman ako.” “Sige na. Sayang naman itong auto ko kung walang chicks na aangkas,” na nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga “Auto? chicks? Kelan ka pinanganak? 70’s kid ka ba?” natatawang sabi ni Mary sa lalaki. “Kilig na kilig ka ha,” pabulong na sabi ni Luke nang dumaan siya sa likod ni Mary bago puntahan ang nag-iintay na si Cindy na nasa kabilang side ng parking lot. “Ano nanaman ang sabi ng kontra bidang ‘yon?” naiinis na sabi ni Brian. “Naninira yan eh.” “Wala. Cute daw ako.” “Sasakay ka ba o sasakay?” pamimilit pa rin ni Brian sa dalaga. “Teka, 16 pa lang kayo diba? Di pa kayo pwedeng magdrive di ba pro bakit mag sari-sarili na kayong mga sasakyan?” “Sinong nagsabing hindi pwede?” “Ang angas nyo talaga. Ayoko nang sumakay sa inyo. Mga wala pala kayong lisensya.” “Hay, basta sumakay ka na lang,” pamimilit pang muli ni Brian “Nakakahiya nga. Hwag na.” “Bubuhatin na talaga kita. Ano? Tatanggi ka pa?” “Hay, bakit ba ang kulit?” Sumakay na rin si Mary sa takot na baka buhatin nga siya ni Brian papasok sa sasakyan nito. Inihatid na siya sa kanyang bahay ngunit napatigil pa si Brian ng may nakitang nagtitinda ng finger foods sa daan. “Tara kain tayo.” “Kumakain ka niyan? Baka sumakit ang tiyan mo,” biro ni Mary “Oo naman. Di naman ako maarte sa pagkain. Di ka ba kumakain ng ganito? Rich girl?” “Kumakain din. Anong iaarte ko, di naman kami mayaman. Kakakain lang natin ha. Gutom ka nanaman?” “Kumain tayo ulit. Gusto ko yan eh. Bawal kasi yan sa mag school natin kaya namimiss ko na.” “Nakailang girlfriend ka na?” pag-iiba ng usapan ni Mary. Habang nagtutuhog na sila ng fishball sa kawali. “Isa pa lang.” “Tapos madaming fling? Ayaw pang umamin, ako lang naman ‘to.” “Sobra ka naman sa madaming fling. Ilan lang din. Ikaw, nagkaboyfriend ka na?” balik na tanong ng lalaki sa kanya. “Isa lang. Sa panaginip ko.” nahihiyang saad nito. “Tapos?” “Tapos? Eh di kami parin.” Natatawang sabi ni Mary. “Loyal kaya ako.” “Baliw ka pala.” natawa rin si Bian sa mga sinasabi ng kausap. “Oo, baliw na nga. Wala namang nanliligaw. Akala yata nila tomboy ako.” “Mukha nga. Kaya na chachallenge ako.” “Na ano?” “Na ligawan ka.” “Ligaw ka dyan. Ikaw yata ang nababaliw. Hwag na, maging friends na lang tayo.” “Grabe naman basted agad ako.” malungkot na saad ni brian. “Mas ok nga yung friends di ba. Walang commitment tapos di nag-aaway. Kwentuhan, biruan. Ganon lang. Tsaka bata pa ako para dyan.” “Masarap pa rin yung may konting tampuhan, selosan, nagde-date, nagsisine, naghoholding hands at nagki-kiss.” “Yuck! Kiss? Pwede ba magjowa na walang kiss? Parang di ko maatim na magdidikit ang mga labi at magshe-sahre kayo ng laway. Ewwness.” “Ang sarap kayang humalik. Di ka pa na kiss ng jowa mo sa panaginip mo? O baka nga tomboy ka kung ayaw mo ng kiss sa lalaki.” “Hindi ako tomboy. Kinikilig naman ako kapag napapanood ako sa tv na may nagki-kiss at naaatract naman ako sa lalaki kaya alam kong di ako tomboy. Kaso parang iba sa tv at iba kapag in person na yung kissing scene. Parang weird na parang awkward.” Nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan tungkol sa love at relationship. Ang mga lalaki maagang makaexperience kesa sa ibang babae na mas takot pagdating sa pakikipagrelasyon. Mas gusto ng ibang babae na matuon ang isip sa pag-aaral muna at di pagboboyfriend agad. “Try natin baka magbago ang pananaw mo sa kiss at sa pagboboyfriend.” “Sira ulo. Ayoko dyan sa lips mo, wornout na ‘yan. Dami nang humalik.” tanggi ng dalaga na pabiro sa lalaki. “Mas masarap nga ‘yon kapag bihasa na sa kiss,” saka ngumuso si Brian sa harapan ni Mary. “Baliw ka. Yuck!” tinulak niya ng bahagya si Brian papalayo sa kanya. “Basta kung gusto mo lang itry o mag-practice. Nandito lang ako at sabihin mo lang agad.” “Ewan. Sige na at papasok na ako. Salamat sa paghatid at sa libreng tusok-tusok.” “Kita tayo bukas.” paalam ng lalaki. “Halloween na. May party kayo kina Cindy di ba?” paalala ni Mary at sya rin naman ang sabi na di sya aattend sa school party bukas. “Oo nga pala. Nakalimutan ko.” “Sige na. Bye. Thanks ulit!” paalam na ni Mary sa binata. Kinabukasan ay halloween party sa school. Nag-costume si Mary dahil sasali siya sa contest na may cash prize para makatulong sa kanyang pag-aaral ang mapapanalunan. Kausap ni Mary ang kaibigan na si Claire sa phone. “Girl ready ka na? magba-bride ka ba talaga?” tanong ni Claire sa kaibigan. “Oo sana. Pero di ko sure kung may susundo sa akin. Ayoko naman mag-biyahe na ganito ang suot ko. Sunduin nyo kaya ako ni baks bago kayo pumunta sa school? Baka pagtawanan ako eh.” “Nandito na kaya kami sa school kanina pa. Kasama kami sa mag-aayos ng stage di ba?” “Hay, paano na ko? Paano ako pupunta dyan?” “Di ka pa naman yata naka-make up eh. Mag special na tricycle ka na papunta dito para hindi ka mukhang tanga sa jeep,” natatawang sabi ng kaibigan “Sige-sige ano pa nga ba? Nakakainis ka. Hindi mo ako isinabay. Kita na lang tayo maya.” Bumaba na ito sa salas at nag-iisip pa rin paano makapunta ng school sa itsurang zombie bride. “Hoy, Mary, ano ba yang itsura mo?” gulat na saad ng kanyang ina. “Pretty bride tapos mamaya zombie na.” “Para kang tanga sa suot mo.” puna ng ina sa kanya. “Mama naman. May cash prize kaya kaya ok maging mukhang tanga.” “Maganda ka sana ate, kaso parang may tililing.” natatawang saad ng nakababatang kapatid na si Trixie. “He! Inggit ka, wala kayong party.” “Isama mo kaya ako. Marami pa sigurong may tililing doon sa school ninyo.” pang-iinis pa lalo ng kapatid. “Sige basta tyanak ang costume mo. Ano game?” “Hala! Hwag na nga.” halata sa mukha nito ang inggit sa party na pupuntahan ng dalaga. “Ma, pengeng 50. Magtatricycle na ako papuntang school.” “Ano? Ang mahal. Mag jeep ka na lang. Hetong sikwenta at pagkasyahin mo hanggang sa pag-uwi.” “Mama naman eh. Sige na. Mukha nga akong tanga sa suot ko. Pagtitinginan ako panigurado sa jeep. Di ka ba naaawa?” “Ay, tumigil ka sa kalokohan mo, Mary.” May bumusina naman sa labas ng bahay nina Mary habang nagtatalo sila ng ina. “Ate, baka nandyan na ang groom mo?” “Ha, sino kaya ‘yon?” Lumabas si Mary para tanawin kung sino ang sakay ng kotseng itim. Katabi nito ang kapatid at ina na nakatanaw rin sa labas. Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas sa driver side si Brian. Nilapitan ni mary ang lalaki na nakangiting nag-iintay sa kanya. “My loves,” malakas na tawag nito kay Mary. “Hwag ka ngang maingay dyan. Marinig ka ni Mama. Akalain pa na boyfriend kita.” “Sino ‘yon anak?” nakatanaw pa rin ang mama nito sa may pintuan. “Mama, my loves tawag kay ate. Boyfriend niya siguro.” sulsol ng batang babae sa ina. “Hindi Ma. Schoolmate ko lang. Feelingero lang.” “Mary ha. Hwag ka munang magbo-boyfriend.” “Hindi po. Ito kasi,” sabay amba ng suntok sa kanyang kapatid. “Hello po. Goodevening tita. Susunduin ko lang po si Mary.” lumapit si Luke sa ina ng dalaga. “Ma, alis na kami. Baka ma-late kami.” “Sige, magingat kayo ha. Iho, ingat sa pagmamaneho.” “Opo, tita.” “Uy, si Ate, dalawa ang manliligaw.” panunukso pa ni Trixie sa ate niya “Matabil ka talagang daldalita ka! lagot ka sa akin mamaya. Mumultuhin kita pagtulog ka na.” “Mama oh.” “Sige na alis na. Umuwi agad ha Mary.” bilin pang muli ng ina nito. “Yes, mama. Bye.” “Bye po tita.” Lumabas na ng maliit na gate ang dalawa para sumakay na sa kotse ni Brian. “Tara na, dali. Late na tayo pero bakit nakat-shirt ka lang?” puna ni Mary sa lalaki. “Ano ba dapat?” “Sana nagbarong ka,” saad ni Mary habang nagme-make up sa loob ng umaandar na kotse ni Brian. “Pwede na ‘to. Zombie lang naman eh.” “Sige, zombie bride ako at zombie driver ka,” natatawang sabi ni Mary. Malapit na sila sa school ay di pa rin ayos ang make up ng dalaga. Kulang pa ang epek para manalo sya. “Hello baks, punta ka muna dito sa parking ayusin mong make-up ko at ni Brian.” kausap ni Mary ang kaibigang bakla at nagpapatulong. “Sinong Brian? Brian dela Rosa?” gulat na saad nito sa babaeng kausap. “Oo. Yung crush mo kaya bilisan mo na.” Maya-maya lang ay nandoon na ang baklang kaibigan na si Carlo o paminsan ay Carla ang pangalan. “Ok na pala ang make up mo girl. Magpagulong gulang ka na lang dun sa lupa. Si Brian na me-makeupan ko.” agad itong humarap sa lalaki at naglagay ng pulbo sa mukha nito. “Kunyari ka pa baks, haharot ka lang eh.” “Patulong ka kay Claire para hagisan ka ng buhangin at lupa sa damit mo. Ako nang bahala dito kay Brian at kaya nyo na yan.” “Ano pa nga? Eh di ka na mapigil dyan sa pagdutdot mo kay Brian.” “Hoy grabe naman sa dutdot yan. Ok na ang make up mo Brian. Gora na tayo sa hall. Bilisan nyo at magre-register pa kayo.” “Thanks ha,” nakangiting sabi ng lalaki kay Carlo. “Kinilig naman si Baks. Nakahawak sa face ng crush niya,” tukso ni Claire sa kaibigan. Ngingiti-ngiti naman si carlo na halatang kilig na kilig pa rin. Pagdating sa hall ay nagsasayawan na ang mga estudyante ng campus na mga naka-costume rin. Pagkaregister nila ay naki-sayaw na rin sila. “Ok dito ha,” saad ni Brian. “May party kina Cindy di ba. Bakit hindi ka doon pumunta?” usisa ni Mary at nagtatakang doon pumuntra si Brian sa school party “Nakakasawa na doon. Pool party lang at walang contume” “Maraming sexing babae pala doon. Mag-gate crash tayo at takutin natin sila.” suhestiyon ni mary. “Sige, pwede. Ok yun. Madaming food doon.” agad naman napa oo si brian sa balak ng babae. Nagkakagulo ang mga babae dahil kay Bryan. Halos lahat ay nagpapapicture sa kanya na para siyang artista. Habang nagsasayaw ay ia-announce na ang winner sa kanilang costume contest. Siyempre, walang iba kundi ang zombie bride and groom na sina Brian dela Rosa at Mary Gonzales. “Ahhhhhh,” sabay na napasigaw ang dalawa at nagtatatalon sa tuwa. Umakyat sila sa stage para kunin ang price cash na 5000 pesos. Masaya din ang dalawang kaibigan ni Mary na pinicturan silang dalawa ni Brian sa stage. Nanalo sila dahil sila lang ang nag-effort para sa costume. Si Mary na naka bridal gown na kinuskos ni Claire ng lupa. May duguang katawan at sa damit din. Long hair na wig galing kay Carlo at black rose na ginawa lang ni Mary. Si Brian naman ay nadala lang sa make up ni Carlo. Nagkulay gray ang mukha nito na may mga sugat-sugat pa. “Guys, punta tayong park mamaya. Manakot tayo ng mga bata,” suggestion ni Carlo sa mga kasama. “Sige ok yan,” sang-ayon naman ni Brian. “Di na ako magcocostume, matatakot agad sa kin ang mga bata kapag nakita ako,” pabirong saad ni Carlo. Kumain sila ng spaghetti at juice sa party nang maisip nilang umupo muna at magpahinga sa kakasayaw. Hindi engrande ang party na iyon at maliit lang ang budget. Para lang sa kasiyahan ng mga estudyante at para masabing nagparty sila. Mas gusto naman ng mga kabataan ang pagsasayawan na mas na enjoy nila kahit kakaunti ang pagkaing nakahain. “Umaatend ba doon si Luke?” “Siguro. Magagalit si Cindy kapag wala siya. Iba magalit ang babaeng iyon.” “Nagpromise pa siya na susunduin ako at dito siya aattend. ‘Di nya naman pala kaya yung bruha na yun. Andres pala. Malamang manalo yun dito sa costume party.” “Si Cindy, mananalo? Bakit?” “Walang effort ang pagkabruha nya. Syang-sya at totoong totoo.” sagot ni Mary sa lalaki. Nagtawanan naman ang mga magkakaibigan sa sinabing iyon ng dalaga. Sikat si Cindy sa school nila at alam nilang lahat na brat ang babae. Pagsapit ng 10pm ay tapos na daw ang party kahit nag-eenjoy pa ang maraming estudyante. Maypagka conservative kasi ang bagong principal ng school at ayaw nang magpagabi pa ang mga bata kaya nais na itong pauwiin. Sa stage ay nagpicture ang dalawang winner. Binuhat ni Brian si Mary na pang bagong kasal. Meron namang nakapasan si Mary sa likod ni Brian at ang simpleng nakatayong magkatabi. Dumiretso sila sa park nang matapos ang party sa school saka naglakad-lakad habang pinagtitinginan ng mga nakatambay roon. Meron ding mga naka-monster costume na pagala-gala sa park. Halos lahat ng madaanan nila ay nagpapapicture ka kanila at natutuwa sa itsura nilang dalawa ni Brian. Nang mapagod ay kumain sila sa lugawan at iba pang street foods sa lugar ding iyon. Natatawa ang mga katabi nila sa kainan. May mga bata ring umiiyak at ang iba naman ay nakikipagkulitan sa kanila. “Brian,” inabot ni Mary ang 2500 dito “Ano yan?” takang tanong ng lalaki. “Yung prize. Hati tayo.” “Hwag na sa ‘yo na ‘yan.” tanggi ng binata sa dalaga. Mayaman si Luke kaya barya lang sa kanya ang inaabot ng dalaga. “For the effort. Sige na, tanggapin mo na,” pilit ni mary sa lalaki. “Ano ka ba? Sa ‘yo na ‘yan at mas marami kang effort tsaka masaya na ako na nakasama kita ngayong gabi. Kayong tatlo. Salamat at sinama ninyo ako.” “Ang cheesy naman. Nakakainlove,” saad ni Carlo na kinikiligkilig pa. “Gaga. Nakasama daw si Mary at hindi ikaw. Ambisyosa,” panunuya ni Claire sa kaibigang beki. “Panira ka talaga girl. Di pwedeng mag-ambisyon na magandang zombie rin ako gaya nitong kaibigan natin dito na ang haba ng hair.” “Zombie pwede. Maganda hindi,” pang-iinis pa rin ni Claire “Sagot ko na tong kinain natin,” alok ni Bryan sa mga kasama. “Uy, sobra naman. Ako na,” wika ni Mary na nahihiya na sa lalaki. “Para 300 lang. Ako na ‘to at itabi mo na lang yan.” pilit ni Brian dahil alam niyang hirap din ang babae sa pinansyal. “Carlo, Claire, heto oh,” sabay abot ng pera sa mga kaibigan na tig 1000 sila. “Hindi na sa’yo na ‘yan.” tanggi rin ng mga kaibigan ni Mary. “Itago mo na yan. Ano ka ba? Ikaw ang nanalo tapos bibigyan mo kami.” “Nakakainis kayo. Pera na ayaw n’yo pa ha. Kain na lang ulit tayo bukas. Sagot ko.” “O sya, matigil ka na lang din.” Di naman ganoon kayaman ang dalawang kaibigan ni Mary. Ang Papa ni Carlo ay ofw rin at si Claire naman ay pinag-aaral ng tiyahin habang nagpa-part time siya sa opisina nito pero mas nakakaluwag sila ngayon kumpara sa kanya at mag-isa lang ang kanyang ina na nagtataguyod sa kanila. “Happy ka ba?” “Oo naman. Kumain ng libre tapos nanalo pa ng 5k. Ikaw?” “Oo naman. Nakasama kita tapos lahat masaya. Kakaibang experience.” “Korni kasi yung mga kaibigan mong mayayaman. Inom, bar, pool party. Mas masaya pang kumain ng tusok-tusok.” “Oo nga e. Ang bait mo pala kahit masungit ka palagi.” nakangiting sagot ni Brian at napatawa ang dalaga sa sinabi nito. “Mabait? Di ko sure pero alam kong masungit ako.” pagsang-ayon nito sa sinabi ng lalaki. “Kasi isha-share mo pa yang napanalunan mo kahit maliit lang. Sayo na yun eh, bakit namimigay ka pa?” “Effort naman din kayong tatlo tsaka para sa akin malaki na kaya ‘to. Marami nang mabibiling pagkain at gamit namin ni Trixie o kaya ilang araw na naming pamasahe ito.” “Lalo tuloy akong naiinlove.” “Sira ka talaga.” “Teka, gusto nyo pa bang mag after the after party?” tanong ni Brian sa tatlo na nais yayain sila sa party ni Cindy. “Yeahhhh!” sabay-sabay na sabi ng tatlo kaya nagtinginan nanaman ang mga tao sa kanila. “Tara na,” anyaya ni Brian dahil pahating gabi na. Sabay-sabay silang tumayo. Nagpaalam pa sa kanila ang mga kasama sa kainan na giliw na giliw sa costume nila. “Bye po. Una na kami. Magpaparty pa ang mga zombies.” saad ni carlo sa mga kasabay na kumakain sa lugawan. May isang batang lalaki na lumapit kay Mary. Umupo naman siya saka niyakap ang batang natutuwa sa kanya. “Ganda si ate?” tanong ng dalaga sa bata. “Hindi, pangit!” Nagtawanan naman ang mga nakarinig at saka umacting na umiiyak si Mary. Tumawa naman ang bata saka bumalik sa kanyang mga magulang. Nakangiting kumakaway pa si Mary habang papalayo sa kainan at kinawayan rin siya ng mga matatanda at bata na naroon. “Feeling artista ha.” “Ganda ba ng make-up ko?” “Dang ganda girl!” Sumakay sila sa kotse ni Brian at dinala sila sa party ni Cindy na nasa likod bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD