Maaga kaming natulog ng araw bago magpasko dahil pagod ang lahat sa paghahanda ng pagkain. Sa baba natulog si Luke doon sa sofa. Malambot naman iyon kaso lang ay di gaanong komportable kagaya ng kama. Madaling araw ng akyatin ako nito sa aking kwarto. Naramdaman kong tumabi sa akin kaya nagising ako. “Anong ginagawa mo dito? Baliw ka talaga,” napaupo ako sa kama at hinarap siya. “Ang hirap matulog sa sofa. Ang kitid kasi at ang iksi.” reklamo ng lalaking ayaw umuwi sa kanila tapoos isisiksik ang sarili sa bahay namin. “Hindi ka pwede dito. Magagalit si mama kapag nakita tayong ganito. Istrikto yun at conservative. Umuwi ka na lang kaya.” “Aalis ako dito sa kwarto mo kung sasagutin mo na ako,” pamimilit nanamna nito. “Ano ba naman Luke? Yan pa rin ang iniisip mo dis oras ng gabi. Doon