Sumilip si Mary last subject ni Luke pero wala ito roon. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Luke kahit anong gawin niya. Ang una niyang halik na sinabi niyang balewala lang ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Umiibig na sya sa lalaki pero hindi maaari. May girlfriend na ito at magkaiba sila ng estado sa buhay. Taga-gawa lang sya ng assignments nito at alam din niyang mahilig itong mangbola ng mga babae at heto nanga, isa na sya sa nahuhumaling sa charm ng lalaking ito.Nang biglang tumunog ang phone niya. “Nasaan ka?” “Ikaw nasaan ka? Di ka pumasok?” “Ha? Kanina pa ako dito sa canteen. Nasaan ka na ba? Ok lang kung di muna tayo mag-aaral at wala namang problema sa akin.” “Baliw. Papunta na ako. Intayin mo ‘ko dyan at hwag na hwag kang aalis, bulakbulero ka.” “Oo na. Hwag ka na