46

1778 Words

Mabuti at nakababa na agad kami mula sa kwarto ni Luke. Naupo ako sa couch at nawala na doon si Pia. “Luke, Mary, kain na. Kanina ko pa kayo hinahanap. Nagpunta ba kayo sa garden?” “Opo tita. Nagtingin lang kami sa garden,” pagsisinungaling ko. Tumayo na ako at si Luke ay sumabay sa akin sa paglalakad papuntang kusina. Kinurot ko ito sa may tagiliran niya dahil naiinis ako sa ginawa niyang pilit akong pinasok sa kwarto niya. Ang maniac talaga. “Ouch naman. Hwag ka na magalit.” bulong nito sa akin. “Masarap naman di ba?” ngiting-ngiti talaga ito at masayang masaya sa kalokohan niya. Talagang di na ako papasok ulit sa kwarto niya at baka kung ano pang sabihin ng mommy niya. Sa dining area ay magarbo ang decorasyon. Nakahain na ang maraming pagkain sa mesa kahit apat lang kaming kakain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD