Umupo silang dalawa sa backseat at humarap si Luke kay Mary. May kaba sa dibdib ng babae ngunit parang si Luke naman ay sanay ng gawin ang bagay na iyon. Dahan-dahan namang humarap din si Mary kay Luke. Iniangat at ipinatong ni Luke ang dalawang binti ni Mary sa kanyang mga binti upang lalo silang magkalapit. Nakapatong sa sandalan ang isang braso ni Luke at ang kay Mary naman ay nakatuon sa kanilang inuupuan. Hinawakan ni Luke ang pisngi ng dalaga saka inilapit ang kanyang labi sa labi nito. Napahawak ang isang kamay ni Mary sa braso ni Luke na nakahawak sa kanyang pisngi. Marahang halik ang ibinigay ng lalaki na naulit pa ng ilang beses. Wala namang galaw ang labi ni Mary at hinayaan lang ang lalaki sa ginagawa nito. Dahil ayaw nang bumitaw si Luke sa paghalik sa babae kaya si Mary na an