Sinara na ni Mary ang pintuan at ni-lock na ito nang makaalis na ang dalawang lalaki. Umakyat na rin siya sa kwarto at doon na lang nanood sa kanyang phone. Alas nueve na ay wala pa rin ang kanyang ina at kapatid. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone.
“Luke, bakit?”
“Nandito ako sa baba.” saad ng binata.
Dumungaw sa bintana si Mary at nakita ang kotse ni Luke. Ang binata ay nakatayo sa may gate nila. Bumaba siya para puntahan ito at tanungin kung bakit naroon pa rin ang lalaking kanina nya pa pinaalis.
“Bakit? May naiwan ka ba?” pagtatakang tanong nito sa binata.
“Oo meron. Yung puso ko.”
“Gag*. Wala, tinapon ko na sa basurahan. Bakit nga? Nakahiga na ako eh.”
“Di mo ba ako papapasukin?”
“Hindi na kasi gabi na. Bakit ba?” muling tanong ni Mary na nagtataka at medyo nakukulitan na sa lalaki.
“Parang wala ka pang kasama diyan e. Sasamahan na kita. Delikado ang panahon ngayon.”
“Parang mas delikado kung nandito ka.” natatawang saad ni Mary pero makaramdam sya ng kilig.
“Babantayan na lang kita dito sa labas kung ayaw mo akong papasukin.” pag-iinarte pa ng llaking concern sa babaeng mag-isa lang sa bahay.
“Baliw. Pumasok ka na nga. Bakit ba ayaw mo pang umuwi?” naiinis na sabi na ni Mary sa lalaki.
“Nakakabored nga kasi sa bahay tsaka wala kang kasama. Nag-aalala ako.” dahilan nito para lang papasukin na sya.
“Gusto ko na kasing mahiga at magpahinga. Hindi na kita masasamahang manood.”
“Eh di, mahiga na tayo.” pilyong saad ng binata at napangisi naman ang dalaga.
“Sasapakin na kita. Ang kulit mo. Dito ka lang sa sala. Manood ka at hwag mo akong guluhin sa taas,” pagsusungit niya para di isipin ng lalaki na crush nya ito.
“Oo na sige na. Bayolente ka,” nangingising sabi ni Luke.
“Buset ka talaga Lucas! Pinagti-tripan nyo ko ni Brian. Mga damuho. Pa-fall tapos paasa naman,” sambit niya sa sarili.
Napilitan na ring papasukin ni Mary si Luke na mukhang kawawa at walang mapuntahan. Umakyat si Mary para ikuha ng unan at kumot si Luke na ayaw umuwi sa maganda at malaki nilang bahay. Pagbaba ay dala na ang kumot at unan na inabot sa lalaki
“Dito ba ako mtutulog? Hindi sa kwarto mo?”
“Tigilan mo na yang pagfi-flirt mo sa akin, ok. ‘Di uubra. Pakilala mo na lang ako sa mga sexing friends nyo ni Brian. Mas trip ko yun kesa sayo,” biro ni Mary dahil inaakusahan silang tomboy ng dalawang lalaki.
“Baliw! Hahalikan kita ‘pag nalaman kong may-jowa kang babae.” banta ni Luke
“Anong trip n’yo ni Brian? Malapit ko na kayong pag-untugin. Ang kukulit ninyo”
“Si Brian lang yung nangti-trip. Paasa ‘yon kaya hwag kang maniniwala sa pangbobola nun. Hwag na hwag kang magpapaligaw doon ha.”
“Parang ikaw. Pa-fall tapos paasa. Tigilan nyo na ako please.”
“Bakit? Nafa-fall ka na ba?” malambing na saad ni Luke na tumatama naman sa puso ni Mary. Nagpipigil syang kiligin sa kanina pang mga pahaging ng lalaki. Hindi sya pwedeng mahulog sa playboy na ito.
“Hays, aakyat na ako. Dito ka lang sa salas. Ang laki ng kama mo pero mas gusto mo pa dito,” naiinis na sabi ni Mary sa mga pangbobola nito. Iniwan nya ang lalaki at ayaw nya nang magpaloko pa sa mga mabubulaklak na salita nito.
Napangiti naman si Luke nang mahuli niya na nafa-fall na nga sa kanya si Mary pero hindi nya rin alam ang tunay na nararamdaman para sa dalaga. May mutual understanding sila ni Cindy. Gusto sya nito at wala na syang magawa. Palagi silang nagkikita at nilalambing siya nito kahit wala namang ligawan na nangyari. Alam nyang magwawala ito kapag di sya nanlambing at sumunod sa gusto ng babae.
Nahiga na lamang siya sa sofa habang nanonood ng tv. Bumaba muli si Mary at tiningnan ang ginagawa ni Luke sa salas.
“Bakit mo ako sinisilip?”
“Wala lang. Dito ka ba talaga matutulog?”
“Aalis din ako kapag dumating na sila. Anong oras ba raw sila uuwi?”
“Bukas pa daw. Doon na raw sila matutulog sa resthouse ng kumare ni mama.”
“Uuwi ako bago mag-umaga.”
“I-lock mo ang pinto pag-alis mo ha. Matutulog na ako at matulog ka na rin. Patayin mo ang tv at ilaw. Sayang ang kuryente.” bilin ng babae sa bisita niya.
“Opo ma’am. Good night po.”
“Hmp,” saad ni Mary dahil sa kakulitan ni Luke at labis labis na ang kilig nya habang lalo silang nagkakalapit ng binata.
Pumanhik na muli si Mary sa kanyang kwarto para matulog. Nang madaling araw ay nagigising si Mary para mag-cr at uminom ng tubig. Sinilip niya rin kung natutulog na si Luke. Tulog na nga ito kaya pinatay niya ang tv na naiwang nakabukas pa. Paglabas niya ng banyo ay napatili siya ng naroon na sa may pinto si Luke.
“Ahhhh, ano ka ba Lucas? Nakakagulat ka at bigla-bigla kang sumusulpot.” nasapo nya ang dibdib dahil sa sobrang pagkagulat sa lalaki
Kumuha ng tubig sa ref si Mary at uminom. Umatras sya para isara ang pinto ng ref at nagkabungguan sila ni Luke. Napaharap siya dito ngunit napaatras ng papalapit sa kanya si Luke. Hinawakan ang kanyang baywang ng dalawang kamay nito habang bitbit nya pa ang kanyang baso. Dahan-dahang lumalapit ang mukha ni Luke sa kanyang mukha. Naninigas ang kanyang katawan at di makakilos. Papayag ba siya o iilag? Palapit ito ng palapit. Idinikit niya ang malamig na baso sa pisngi ng binata.
“Ahhh, ang lamig,” napabitaw sa bewang ni Mary si Luke at napahawak sa pisnging nakaramdam ng lamig ng baso..
“Eh di nagising ka. Nananaginip ka ba?”
“Of course not. Gusto lang kitang pakiligin.”
“Ahh ganon, thanks but no thanks. Di ba sabi ko hwag kang pa-fall. Bakit di mo harutin yung girlfriend mong patay na patay sa ‘yo?” inis na saad ng dalaga. Di nya rin nagugustuhan na nahuhulog syang dahan-dahan sa lalaki dahil sa mga sweet gestures nito at mga pananalita.
“Nakakasakal na kasi s’ya. S’ya ang laging nasusunod kaya palagi kaming nag-aaway.”
“So, nagfi-flirt ka sa iba para makaganti ka?”
“Hindi ha. I like you. Totoo lahat ng mga sinasabi ko at hindi pangbobola yun.”
“Tss, ninja moves. Itulog mo na yan, boy,” paalis na sana si Mary sa kusina.
“Ano, isang kiss lang,” hiling ng binata sa dalaga.
Natigilan si Mary, napaisip, ang gwapo at mayamang si Luke ay humihiling sa kanya ng isang halik. Napakagat siya ng labi at napapikit. Humarap siya sa lalaki at sumandal sa counter.
“Anong isa? Like smack lang?” iniisip nyang pagbigyan ito.
“Oo. Smack lang. Pwede ba?”
“Tapos?”
“Ikaw?”
“Hindi mo naman siguro iiwan si Cindy para sa akin. Kiss lang na parang wala lang? After noon, kakalimutan na lang natin?” she wanted to have her first kiss at narito na. May nag-ooffer sa kanya at swerte niyang crush nya pa.
Lumapit si Luke sa kinatatayuan ni Mary
“Yeah, parang gano’n nga. Ok lang ba sa’yo? Kiss lang at wala nang iba,” inalis nito ang bason na kanina pa hawak ni Mary at inilapag sa mesa. Muling siyang humawak sa bewang ng babae. Si Mary naman ay ipinatong ang mga kamay sa braso ni Luke. Kahit na lagi syang nagsusungit ay totoong gusto nya ang lalaki. Dahan-dahang inilapit ni Luke ang kanyang labi sa labi ni Mary. Ilang segundong magkadikit saka gumalaw ang mga labi ni Luke para sakupin ang mga labi ni Mary. Napapikit naman ang dalaga at di gumagalaw. Hinahayaan lang ang labi ni Luke na sakupin ang mga labi niya.
“Pwede mo bang ibuka ng konti?” pakiusap nito sa babaeng kaharap na wala pang karanasan sa paghalik.
“Ha?” di nya alam ang tinutukoy ni Luke pero nagawa na niya.
At idinikit nya muli ang mga labi ng bumuka ang labi ni Mary. Humigpit ang yakap nila sa isa’t-isa. Tumatagal ang halik.
Gustong pigilan ni Mary ang sarili ngunit nadadala siya sa matamis na halik ni Luke na parang ayaw na niyang bumitiw pa. Nararamdaman na niya ang panunuyo ng bibig kaya’t bumitaw na rin siya. Sabay ng pagbitiw ng mga kamay sa kanilang katawan.
Pumasok ng banyo si Mary at naupo sa bowl na nakapangalumbaba. Kinikilig ngunit nag-aalala. Bumuntong hininga lamang siya, wala lang ito, sambit sa sarili saka lumabas ng banyo. Wala na sa kusina si Luke. Sa may hagdan niya nakita si Luke na nakasandal.
“Ok ka lang?”
“Oo naman. Wala lang yun di ba?” patay malisyang saad ni Mary at nakangiting pilit.
“Uhm, ok,” tanging sagot ng binata.
“Akyat na ako. Matulog ka na.”
Sa sobrang kilig ni Mary ay kinagat-kagat nya pa ang labi at dinama ang halik ng binata. Halos ‘di s’ya nakatulog ng gabing iyon dahil sa nangyari. Mag-uumaga na nang siya ay nakatulog kaya’t alas diyes na ng umaga siya nagising at naalalang doon natulog si Luke. Agad siyang bumaba para silipin ang binata ngunit wala na ito sa sofa. Nakatiklop na ang kumot na ginamit nito na nakapatong sa unan.
Papasok naman sa kanilang gate ang ina at ang kapatid niya. Inakyat niya agad ang unan at kumot na ginamit ni Luke kagabi para di malaman ng dalawa na may pinatulog syang lalaki sa bahay nila. Saka niya sinalubong ang mga ito at tiningnan ang mga dala-dala.
“Anong uwi nyo?” usisa niya.
“May mga pagkain diyan. Kumain ka.” saad ng ina.
“Kayo po?”
“Kumain na kami ni Trixie. Ikaw na lang.”
Habang kumakain sa kusina ay naalala niya si Luke. Ang nangyari kaninang madaling araw at naaamoy niya pa nga ang pabango nito na dumikit sa kanyang damit.
Iniisip n’ya kayang easy to get ako? Napabuntong hininga na lamang siya.
Pagkakain ay umakyat na siya muli sa kanyang kwarto. Sinilip ang kanyang phone ngunit wala namang nagtetext sa kaniya.
Ano nga bang sasabihin pa nya? Malinaw naman ang lahat na wala lang ‘yon at kakalimutan namin ang nangyari.
Binaling niya ang atensyon sa ibang bagay at nanood na lang siya sa kanyang smart phone hanggang sa natapos ang araw na nasa loob lang siya ng kwarto. Pilit nyang inaalis sa kanyang isip ang kanyang unang halik kay Luke. Sobra ang kilig niya at para syang mababaliw kung di nya aalisin ito sa kanyang isip.
Inaantay nyang itext man lang sana sya ng lalaki at kamustahin sya pero naisip nyang baka wala lang yun sa lalaki at trip lang nitong makahalik sa kanya.