Habang naglalakad si Luke papunta sa building D ay may natanaw siyang nag-iisa na lang na tao doon. Isang babae na nasa swing. Naka black na skinny jeans at gray na fit na shirt. Napansin nya ang magandang hubog ng katawan nito dahil sa fit na suot. Buhok na nakalugay na halos kalahati ng likod at may pagka wavy ng bahagya. Alam niyang si Mary iyon na dalagang-dalaga na ang itsura. May konting make up at lipstick na nagpaganda ng itsura nito. Umpisa pa lang nang sabihin ng kanyang ina na magtututor ulit ito sa kanya ay paghihiganti na ang nasa isip niya. Ang pahirapan ang dalaga hanggang sa sumuko ito sa pagtututor sa kanya para makabawi sa kasalanan nitong pagsusumbong kay Cindy na may kasama syang ibang babae. Naisip nyang pagtripan ito na ilock sa room na wala nang dumadaang mga estud