Inayos ni Mary ang paglipat niya ng ibang school. Second semester siya lumipat sa isang university sa Manila kung saan nag-aaral din si Luke. Tinanggap niya ang offer ni Mrs. Salcedo na magtutor muli kay Luke. Di lang ang makalibre ng tuition ang gusto niya kundi ang magkaayos sila ng binata. Di man maging katulad ng dati ay maliwanagan man lang si Luke sa pagkakakilala sa kanya. Kausap nya ang registrar staff para i-assess ang mga subjects niya. Nagpatulong siya at nakiusap para sa pag-aayos ng mga subjects niya. “Ms. Gonzales,” tawag ng binata na nasa registrar na nakangiti. Matangkad at gwapo ito. “Sir,” nahihiyang sagot ni Mary “Transferee ka?” tanong nito sa kanya “Yes sir. Ok na po ba ang mga subjects ko?” “Oo. Heto yung mga pwede mong i-take ngayong second sem,” tumabi si Mary