Di ko napansin na naka double lock ang pinto at bago ko mapihit ang isa pang lock ay napabalikwas na ito ng bangon at agad akong nilapitan. Hinawakan ang aking braso at nilayo ako sa pintuan. “Kailangan mo pang magpahinga. Hindi naman kailangang pumasok ka na agad sa school. Humingi na ako ng medical certificate mo at ipapakita ko na lang sa mga teachers mo.” “Sa dorm na ako magpapahinga. Hwag kang mag-alala at di pa ako mamamatay. At kung iniisip mo pa ang mga nangyari noon sa atin, mababayaran ko pa rin naman ang mga atraso ko sayo. Kalimutan na lang muna natin ang mga nangyari. Sabi ko naman sayo na tapusin lang natin itong sem na ito tapos, tapos na. Sayang naman kasi yung pinasok ko.” paliwanang ko sa lalaking ayaw akong pauwiin. “Ang sabi ko sayo, dito ka lang at sumunod sa mga