Nakaupo ako at nagbabasa sa school nang lapitan ako ni Kuya Kelly. “Hi miss, bakit mag-isa ka?” tumabi ito sa akin at nakiupo na rin. “Wala lang. Wala pang klase.” “Nag-aaral ka ba? Ang sipag naman.” “Nagbabasa lang ng novel pero masipag talaga ako. Ikaw, wala kang klase?” “Wala pa tsaka hinahanap talaga kita.” Bakit nanaman kaya. Ano nanaman ang pakay ng isang ito? Naku, naku. “Bakit? May atraso ba ako sayo? Sa pagkakaalam ko nakabayad na ako,” biro ko sa lalaki. “Meron. Ninakawan mo ako.” “Ang luma ng pick-up line mo. Ewww,” barado agad siya sa akin akala niya maiisahan niya ako. Di sya uubra sa pagpapacute niya. “Nakakainis ka naman pero totoong ninakaw mo ang puso ko.” tinuloy nya pa rin talaga ang baduy na sasabihin niya. “Ang korni mo kuya,” napasimangot ako dahil ang awk