Mukha ngang masarap ang chocolate cake na dala nito kaya kumuha na ako ng platito, tinidor at kutsilyo. “Natutuwa ka bang makita ako o yung cake?” selos na saad ni Luke at napangiti naman ako. “Syempre yung cake. Uwi ka na. Magkukwentuhan pa kami nung cake,” nakangising saad ko at biro sa lalaki. Pati cake pinagseselosan niya. Tinawanan ko lang sya dahil sa ugali niya. “Ang sama mo talaga. Mas maarap kaya ako sa cake na yan,” nakasimangot ito dahil sa sinabi ko. “Biro lang naman. Oo na masaya akong nandito ka at masarap naman ang mga halik mo. Pwede na,” lumapit ito sa akin at yumakap mula sa aking likuran. “Mahal mo ba ako?” bulong nito sa akin sabay halik sa aking pisngi pero tinulak ko ito ng marahan at baka makita kami ni mama. Bumitaw naman ito at lumayo ng kaunti. “Hoy, hwag ka