Lumayo ako at iniwan sya. Nagtingin ako ng mabibili sa aking sampung libo. Pero syempre baka fake news lang iyon kaya yung importante lang ang dapat kong bilhin. Mahirap na at baka scammer ang lalaking ito. “Anong handa natin sa pasko?” tanong nito na may excitement sa bosses nang lumapit muli sa akin. “Sa bahay ako magpapasko at ikaw umuwi ka sa inyo,” inis na sagot ko sa lalaki. Gusto nya bang miserable kami sa pasko sa piling ng isat isa. “Ayaw mo bang magpasko kasama ako?” nakatingin sa akin ito at nakangiti ng bahagya. Nang-aakit ang mga mata niya. Kaming dalawa lang? May takot akong nararamdaman pero may kaunting kilig din. “Ayoko. Baka ialay mo pa ako sa kampon mo sa araw ng pasko. Ano bang plano mo ha?” pagsusungit ko at pilit iniwas ang mata ko sa ngiti niya. “Wala. Sa taas l