Mula noon ay madalas silang nagtetext sa isa’t- isa. Kamustahan at ligawan na may mga pambobola ni Luke at lihim na kinikilig naman si Mary. Panay pang-iinis ang mensahe ng dalaga dahil ayaw niyang seryosohin ang binata. Mga bata pa naman sila at pag-aaral dapat ang inaasikaso. “Kain ka na, ayokong nagugutom ka,” isa sa mga text ni Luke. May pa I miss you din, at may pagbati ng “magandang umaga, magandang binibini.” Luke: Labas tayo, malapit nang uuwi si Cindy. Kain lang, kwentuhan. Anyaya ng lalaki Mary: Sige, wala ring magawa dito sa bahay pero sana magbehave ka. Walang tsansing at nakaw na halik pwede? Friendly date lang ok? Luke: Yes. Promise I’ll behave. Sunduin kita ng 2pm? Mary: Hwag na. magkita na lang tayo sa mall. Nakakahiya namang may pagsundo pa. Luke: Kesa mag-van ka pa.