“Pareho kayong management, di ba? Start na tayo at sumabay ka na rin,” sabi ni Mary kay Brian. “Hindi na. Iwan ko na kayong dalawa. May gagawin pa ako,” paalam ni Brian sa dalawa at tumakbong paalis. “Kopyahin mo na lang itong mga assignments ko. Kahit naman ituro sayo di naman papasok sa utak mo. Ayokong magsayang ng laway kakaturo tapos di mo naman pala iniintindi.” “Ang yabang mo ha. Marunong akong umintindi. Tinamad lang akong pumasok,” masama ang tingin nito sa babae pero umupo na si Luke para kokopyahin ang mga gawa ni Mary. Kinalma lang ni Mary ang sarili at baka sa inis niya ay kung ano pa ang magawa niya sa lalaki. Di na sya sumagot pa at inintay lang ang lalaki na makakopya. Pinakopya nya lahat ng notes niya para pahirapan si Luke sa pagsusulat. Yun ang parusa niya. “Lahat b