Alas otso ng umaga ng magising ako at may nagtext na agad. Si Kuya Kelly ito panigurado. Inabot ko ang aking phone at tiningnan ang mensahe. Tama ako at sya nga. Tama ang hinala ko. Excited mastado ang lalaki. Pinapaalala ang date namin at susunduin nya daw ako ng tanghali. Si Luke ay nagtext din at nagsabi na mag-usap daw kami pero hindi ko ito nireplyan. Nag-ok lang ako kay Kuya Kelly at para di na mahaba pa ang usapan. Nagready na ako bago nya sunduin pwro nagpalate ako ng kaunti. Alas onse ng sunduin ako nito. Nagtext sya sa akin at after fifteen minutes saka ako lumabas. sinigiro kong patay ang ilaw at sara ang gripo sa banyo bago ako umalis. Dala nya ang kotseng gamit nya rin noong sunduin nya ako noong may ball sa school. “Saan po ba tayo pupunta?” tanong ko habang nasa loob