Maganda ang bahay. Maliit lang pero ayos lang dahil resthouse lang naman sya. Pwede na sa pang apat na tao gaya lang ng pamilya ni Luke. Habang nagmamasid ako sa buong bahay ay may inabot sa akin ang lalaki. “Hetong suotin mo sa pagsu-swimming,” inabot ito ni Luke sa akin at tiningnan ko kung ano iyon. Iniladlad ko ang ito. “Ano ‘to, Luke? Bra at panty na sobrang liit. Ano ba yan? Eewww. Ikaw ang magsuot kung gusto mo,” hinagis ko sa kanya ang two-piece bikini na binigay niya sa akin. Baliw na lalaki talaga. “May pangpatong naman oh,” sabay pakita niya sa akin ng sinasabi niyang cover up. “Pangpatong na sobrang nipis din naman. Wala ka na bang ibang dalang damit? Shirt at short dapat. Ayoko nyan. Di ako naggaganyan.” masungit na saad ko sa lalaki. Matutuwa na sana ako sa effort niya pe