May maingay ng mga tao sa labasan kaya’t nagising si Mary. Wala pa rin kasing pasok kinabukasan at araw ng Sabado. Nang masilip niya mula sa kanyang bintana ay magkakasama sina Calo, Claire at Brian sa tapat ng bahay niya. Maya-maya ay tinawagan siya ng mga ito sa phone.
“Bangon na girl! Nandito kami sa labas n’yo.”
“Narinig ko nga. Ang ingay n’yo eh. Bakit ba?”
“Tara alis tayo!”
“Saan naman?”
“Kahit saan. Basta. Bilisan mo nang maligo at magbihis. Ang init dito.”
“Ok. ligo lang ako saglit. Pasok muna kayo.”
Nagmadali syang maligo at magbihis. Wala naman syang gagawin ng araw na yun kaya sasama na lang sya sa mga kaibigan.
“Ma, alis lang kami,” paalam ng dalaga pagkaligo at pagkabihis nito.
“Saan kayo pupunta? Magpapaalam ka nakabihis ka na. Magaling kang bata ka.” sita ng ina ni mary sa kanya.
“Dito-dito lang. Di pa daw po alam eh. Nakakahiya kasi pag-intayin sila kaya nagbihis na agad ako. Sige na, Ma. Wala namang pasok.”
“Sige. Hwag kayong masyadong lalayo ha,” agad namang pumayag ang ina dahil may tiwala ito sa kanyang anak.
“Made-date lang yan, Ma. Bakit mo pinayagan? Magboboyfriend na yan si ate,” kontra ng kapatid ni Mary na lagi syang inaasar.
“Sira ka talaga. Ingit ka lang, wala ka kasing friends kaya dito ka lang sa bahay.”
“Behh!” Sabi ng kapatid na mabilis na umakyat sa kanyang silid.
“Umuwi ng maaga, Mary.”
“Opo, Ma.”
Nagpaalam na sila sa ina ni mary at naglabasan na sila mula sa bahay.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Mary na umupo sa likod ng kotse kasama ng dalawang kaibigan.
“Ayos kayo ha, driver lang ba ako dito?” saad ni Brian na walang katabi sa unahan.
“Ikaw na doon Mary,” tinulak sya palabas ng kotse para lumipat sa unahan. Napalakas naman ang sara niya ng pinto.
“Galit yata. Okay lang naman akong mag-isa dito,”
“Ang drama. Lumipat na nga sa tabi mo.”
Napangiti si Brian at kumurot pa sa pisngi ni Mary.
“Aray naman.”
Inabot ni Brian ang seatbelt ni Mary at hinila para ikabit sa lock. Nagulat naman ang babae na naglapit ang kanilang mga mukha. Nagdrive na si Brian kahit hindi pa alam kung saan sila pupunta.
“Uuuyyyy, mga moves mo Bri ha,” tukso ni Carlo nang nakita ang ginawa nito.
“Tumigil ka nga dyan Carlota. Gentleman lang talaga ako. Nilagyan ko nga ng seatbelt eh.”
“Eh di seatbelt-an mo din kaya ako,” pabebeng sabi ni Carlo sa binata.
“Seatbeltan kita sa leeg, gusto mo?” biro naman nito.
“Ayan feeling kasi. Sa 1st lady lng pwede. Hindi sa ladyboy,” kutya ni Claire sa kaibigan na laging iniinis.
“Kesa naman sa girl na mukhang boy,” tukso naman ni Carlo kay Claire na ayaw magpatalo.
“Hoy, ang sama nyong dalawa. Hwag na nga kayong mag-away dahil kay Brian. Baka kayo pa ang magkatuluyan dyan, Claire, Carlo. Uyyy,” tukso ni Mary sa mga kaibigan na laging parang aso’t pusa.
“Ewww ka naman girl,” inis na saad ni Carlo. Hindi ko talaga ‘to papatulan kahit na maging lalaki pa ako.
“Ano ka ba, Mary? Yuck kaya!” isa pang inis na sabi ni Claire sa katabi.
“Joke lang mga sis. Alam kong friends lang kayo pero malay nyo naman. So, saan na nga tayo?”
“Tanong mo dyan kay Brian sya naman ang nagyaya.”
“Sa Baguio na lang para malamig.” suhestiyon ni Mary na pabiro dahil malayo iyon.
“Sige, paiinitin kita doon. Kasi may dala akong jacket,” sagot ni Brian na may double meaning pero agad binawi.
“Paano naman kami?” sabat ng dalawa at sabay pang nagsalita.
“Giginawin din kami eh. Painitin mo din kami.”
“Ihahatid ko kayong dalawa sa Ilocos kasi maiinit dun. Bakit ba naisama ko pa kayong dalawa dapat kami na lang ni Mary ang umalis.”
“Sorry ka na lang kasi nandito na kami. Tsaka masaya kaya kaming kasama. Di ba Mary?”
Biglang nagring ang phone ni Brian habang nasa daan at nag-iisip kung saan sila pupunta na agad namang sinagot nito.
“Oh pare,” sagot nito sa kausap.
“Saan ka?” nakaloud speaker ang phone nito kaya narinig ang kausap nito sa phone.
“Uhmmm, wala dito-dito lang. Bakit?”
“Nandito kami sa rest house nina Cindy. Sunod ka daw.”
Ang tatlong nasa kotse ni Brian ay nakikinig lang sa usapan ng nasa telepono.
“Di ko sure. May iba kasi akong pupuntahan.”
“Sige na. Nakakabored dito. Sumunod ka na,” pamimilit ng kausap nito.
“Kasama ko si Mary baka magalit si Cindy,” si Luke ang kausap nito sa kabilang linya na niyayaya ang kaibigan.
“Akong bahala. Dito na kayo pumunta. Isama mo na yan.”
“Sabihan mo muna si Cindy. Mahirap na at baka magsabunutan pa ang dalawa kapag nagkita.”
“Ok. Tawag ako ulit mamaya.”
Binaba na rin nito agad ang kanya phone saka kinausap ang mga kasama.
“Nagyaya si Luke sa rest house ni Cindy. Punta tayo? Ok lang sa inyo?”
“Pumayag si Cindy na kasama kami?
“Ipapaalam pa daw ni Luke kung pwede.”
“Hwag na tayo kina Cindy. Magmumukhang hallowen lang ang gala natin na ito. Impakta kasi ‘yon eh,” sabat ni Carlo na inis sa babaeng pinag-uusapan nila.
“Muntanga nanaman si Luke dun, panigurado,” natatawang saad ni Mary. “Kawawa naman. Bakit kasi sama sya ng sama tapos sasabihin bored na bored. Hays, kasalanan n’ya ‘yon.”
“Tutal wala din naman tayong mapupuntahan, doon na lang din tayo. Maganda d’on sa resthouse nila Cindy,” naisip ni Brian na doon na lang sa farm.
Wala na rin nagawa ang tatlo sa sinabi ni Brian. Sya naman ang nagyaya, sya rin ang may sasakyan kaya’t sya na rin ang nasunod kung saan pupunta. Pagdating sa rethouse nina Cindy ay nag-alangan silang bumaba. Baka awayin sila ng babaeng impakta.
“Hi!” masayang bati ni Carlo kay Luke na nagaabang sa pagdating nila.
Kumaway naman at ngumiti si Luke sa kanila. Nagkatinginan naman nina Mary at Luke na masama ang tingin ng dalaga sa binata.
“Hi miss!” bati nito sa dalaga.
“Tse!” mataray na sagot naman ni Mary. Inis sya sa walang paramdam nito matapos ang ginawa nila ng nagdaang madaling araw.
“Sungit!”
Napangiti si Mary ng marinig ito pero hindi nya pinahalata. Hinabol nama siya ni Luke dahil naglalakad na sila papasok sa bahay. Kiniliti pa nito sa tagiliran si Mary na hinampas naman ng babae si Luke bilang ganti. Patakbo namang lumapit si Brian na naiwan sa sasakyan at umakbay kay Luke.
“Anong meron dito? Welcome ba kami? Anong sabi ng syota mong may tililing?”
“Sabi ko kay Cindy, uuwi na ako kapag di nya kayo pinapasok. Kaya ayun, pumayag.”
“Galing mo talaga pre. Tara pasok tayo. Maganda ang loob ng bahay.” anyaya nito sa ma kasama. Feeling at home ang lalaki dahil ilang beses na rin syang nakapunta roon.
Malaki ang bahay na gawa sa kahoy. Luma ngunit elegante na pang mayaman. Malalaki ang bintana, kahoy na upuan at mesa at maraming kwarto sa loob nito. May piano din na medyo may kalumaan na.
“Wow! May piano. Nagana pa ba ‘to?” usisa ni Mary. “Pwedeng pindutin?” excited na saad nito
“Di ko lang sure kung nagana pa yan. Walang nagamit niyan dito.” sabi ni Luke
Naghanap si Mary ng kantang tutugtugin sa internet. You are my sunshine ang napili nya. Pagkatapos nitong tumugtog ay may isang batang mga walong taon ang lumabas sa salas na galing kung saan.
“Sinong tumugtog ng sunshine?” tanong ng bata.
“Hello, ako po,” saad ni Mary na tumayo na sa pagkakaupo sa piano chair at umupo naman ang bata.
“Ikaw ba yon Ema?”
“Hindi po. Sya yon lolo,” sabay turo ng bata kay Mary.
“Eh ikaw kaya mo na ba 'yon?” saad ng lolo nito nang marinig din ang pagtugtog ni Mary.
“Konti pa lang po,” malungkot na sabi nito.
Nagtry naman ang bata na may panaka-nakang pagkakamali sa pagtipa ng piano. Yun din ang tinugtog niyang kanta kagaya ng tinugtog ni Mary.
“Mga kaibigan ko po pala, lolo, si Mary, si Carlo at si Claire.”
“Marunong ka palang mag piano, iha. Sa kapatid ko yang piano na sa US. Madalang yang gamitin dahil itong apo ko ay napakatamad namang magpractise kaya di pa maayos tumugtog hangang ngayon.”
“Aarg, lolo. Ssshhhh,” sumenyas na hwag mag-ingay ang lolo niya at nagtawanan naman sila.
“Pakainin mo na sila Luke at samahan mo sa dinning.”
“Salamat po,” sabay sabay na sabi ng magkakaibigan sa matandang lalaki na sumalubong sa kanila
“Nakakainlove naman yung tutor ko na nagpipiano pa,” pasimpleng banat nanaman ni Luke na bumulong kay Mary. Di nya alam na malaki ang epekto sa dalaga ng mga sweet words niya. Yung dating crush lang na nararamdaman ng dalaga, nagiging crush na crush na nito ang lalaking pa-fall.
“Eh di mainlove ka sa piano,” mataray na sabi ng dalaga sa pangbobola ng binata. Pilit niyang kinokontra ang nararamdaman sa lalaki dahil malaki ang agwat nila sa maraming bagay.
“Ginugulo ka nanaman ba nito?” sabat ni Brian.
“Oo pagsabihan mo yan. Maraming ninja moves. Nakakainis na.”
“Pre, tawag ka na dun. Hwag mo kasi kaming guluhin ni Mary. Kami ang magkasama t ikaw, may iba kang kasama.”
“Tumigil ka. Kayo na ba?” inis na saad nito sa kaibigan.
“Tawag ka na nga. Bahala ka dyan. Mapapagalitan ka nanaman.”
“Luke!” malakas na tawag ni Cindy.
Nagtawanan naman ng mahina ang apat dahil tama si Brian na hinahanap na siya ng nobya niya.
“Lagot nanaman ang pare ko,” natatawa pa ring sabi ni Brian sa kaibigan na patuloy nilang tinawanan.
“Bakit? Kakain kami,” sagot ni Luke kay Cindy na may halong inis.
Papalapit si Cindy sa kanila na may nakaismid at masungit na mukha.
“Kain lang kayo,” walang emosyon na sabi ni Cindy. Nagpapakabait dahil naroon ang mga kamag-anak niya at ayaw nyang makita nilang nagtataray sya.
“Hi, Cindy,” bati ni Brian.
“Sasamahan ko muna sila. Dun ka na muna sa mga pinsan mo at magbonding kayo,” pagtataboy ni Luke sa nobya na halatang ayaw nya ring makasama.
“I’m bored. Maglakad-lakad tayo sa labas pagkakain mo,” sabay alis na rin ni Cindy at bumalik sa kanyang mga pinsan.
“Bri, maglakad-lakad din tayo mamaya ha,” anyaya ni Carlo na may malambing na boses at nagpapacute pa sa lalaki.
“Basta pasanin mo ako ha. Masakit ang binti ko.”
“Kaloka. Ano ako kabayo?” sabay irap ni Carlo sa kanyang crush at di umubra ang pagpapacute niya.
Pagkatapos kumain ay nagkayakagan na silang maglakad-lakad sa labas ng bahay. Malamig sa lugar na iyon dahil mapuno at makulimlim din ang panahon. Naka-akbay si Luke kay Cindy at nakahawak naman ito sa baywang ng binata. May pagkakataon pang yumayapos ito kay Luke at naglalambing.
Nasa likuran naman sina Mary at iba pang mga kasama na naglalakad-lakad din.
Sumilong sila sa isang gazebo at naupo sa malambot na sofa.
Nagpose ng nagpose si Carlo at nagselfie ng solo. Meron ding kasama ang grupo sa pictures niya. Panay yupyop naman ni Cindy kay Luke pero di siya pinapansin dahil busy-busihan ito sa kanyang phone.
“Luke stop that. Sino ba yang ka chat mo?” saway ng nobya nito
“Si Zandro, nagyayaya mag inom pero sabi ko kasama ko kayo.”
“Sure, tara! Why not. Baka masaya pa dun kesa dito na super boring.”
“Guys, gusto nyong pumunta?” anyaya ni Luke sa grupo.
“Isasama pa natin sila babe? Baka may iba pa silang pupuntahan. Tayo na lang.”
“Wala kaming ibang pupuntahan. Game kami dyan kay Z,” mabilis at walang pakundangang sagot ni Carlo na gustong inisin si Cindy.
Napa-irap naman si Cindy dahil halatang ayaw nyang makasama si Mary at ang mga kaibigan nito. Napangisi lang si Mary dahil sa reaksyon ni Cindy na madaling inisin at pikunin.
“Hindi na kami sasama. Di naman kami invited kaya kayo na lang,” sagot ni Mary na sinabi ni Luke at Cindy.
“Ayaw naman pala nila. Tayo na lang Luke at for sure si Brian di makakasama.”
“Ok lang at ayoko rin mag-inom.” saad ni Brian dahil ang gusto ni Cindy ay sila lang ni Luke ang pumunta.
“Ayoko rin mag inom. Dito na lang tayo Cindy. Tsaka baka magalit ang parents mo,” sagot ni Luke na kinainis ng dalaga.
“Arrg.. its so boring here. Bahala ka dyan,” umalis si Cindy at iniwan sila.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Luke na sinundan ng tingin ang nobya na papalayo sa kanila pero hindi naman sinundan ng lakad.
Nagkwentuhan lang sila at nagtawanan sa mga jokes ni Carlo. Naisip nilang gumawa ng mga t****k dance videos at inupload ito. Doon na naubos ang oras nila. Hindi na hinanap ni Luke si Cindy dahil mas nag-enjoy siya sa company nina Mary. Panay biro din nito sa babae at panghaharot.
Naunang nagpaalam sina Brian at ang mga kasama para umuwi. Naiwan pa si Luke at iniintay si Cindy dahil sabay silang aalis mula sa resthouse ng nobya.