Thursday ng tanghali sa loob ng classroom. Kakapasok ko pa lang sa unang subject. “Mr. Salcedo, akala ko ay may out of town daw kayo ng girlfriend mo? Ipinagpaalam ka niya sa akin na kung pwede kang umabsent ng two days. Ok lang naman kaya you may go,” gulat na saad ng Professor ko sa unang subject pagpasok ko pa lang ng room. “Ahh, ganun po ba sir? Wala po akong alam doon,” takang tanong ko. Wala namang nasasabi sa akin si Mary na aalis kami. “Sige na sige na umalis ka na at baka may surpresa sa ‘yo ang nobya mo. Napaka swerte mo sa girlfriend mo,” nakangiting sabi ng professor. Kinausap ko ang dalawa ko pang professor nang mapadaan ako sa mga klase nito at ganoon din ang sinabi sa akin. Kinausap daw sila ng babaeng nagpakilala bilang girlfriend ko. Maganda daw at mayaman. Umpisa pa l