Bago magdilim ay umahon na kami sa tubig para magluto ng kakainin para sa dinner. Nagpalit muna kami ng tuyong damit bago magluto. Inihaw namin ang liempo at bangus sa kusina na nasa labas ng bahay. Nagsaing na rin para sa aming kanin. May sawsawan pang toyo, kalamansi at sili. Pagkaluto ay agad kaming kumain ni Luke. Naparami ang aking kain at parang napakasarap ng aming pagkain. Di ko maawat ang sarili sa pagsawsaw at pagsubo. Pagkakain ay hinila ako ni Luke sa loob ng bahay saka muli akong hinalikan. Itinutulak ko ito ngunit mahigpit ang yakap ni Luke sa akin. Iba na kung nasa loob na kami at baka mawala na kami sa aming mga sarili. Sa isip ko, hindi pa ako handang gawin ang bagay na iyon. “Ayan ka nanaman,” saway ko sa lalaki. Nakatayo kami habang yakap niya ako at nasa mga braso ni