53

1522 Words

Hindi kami sabay ni Mary sa pagpasok. Nauuna kasi sya at ako naman ay tanghali pa ang klase. Kaya nya naman daw magbiyahe mag-isa pero pinipilit kong gumising ng maaga minsan para ihatid sya. “Alam kong nahihirapan kang gumising ng maaga. Hwag mo na akong ihatid.” “Paano kung madisgrasya ka o mahilo ka sa daan,” sagot ko dahil nag-aalala ako sa kanya. “Sa tagal ko nang pumapasok mag-isa, wala namang nangyayaring masama sa akin.” pangangatwiran pa niya. “Kahit na. Gusto kong safe ka sa pagpasok at pag-uwi.” “Overprotective ka. Alam mo ba yun.” alam kong inaalala nya lang ako at alam niyang mantika ako minsan kung matulog pero para sa kanya, gigising ako ng maaga. “Ah basta. Ihahatid kita pagpasok at sabay tayong uuwi.” Wala na itong nagawa pa. Ang anumang sabihin ko ay dapat masunod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD