“Magbihis ka na at ihahatid na kita,” saad ni Kuya Kelly. Mabuting di na ito nangulit pa. Nakailang sayaw rin naman kami at lagi kaming magkatabi sa upuan. “Patay, wala pala akong dalang damit pamalit. Maliit lang na bag ang dala ko na may phone at pera,” ngayon ko lang naalala na kailangan ko nga palang magdala ng extrang damit para sa trabaho ko. Masyado yata akong naexcite sa ball na ito. “Uuwi ka muna? Ihahatid kita sa dorm mo.” “Hindi na. Sa bar na lang ako magpapalit. Hihiram na lang ako doon at meron naman sa dressing room. Baka mapagalitan pa ako kapag na late ako ng pasok. Di ako pwedeng masisante,” di pwedeng magkalayo kami ni Sir Jacob. Mamimiss ko sya. Nagpaalam na kami sa aming mga kasama. Naghinala pa nga ang mga seniors na baka magde-date pa raw kami kaya aalis na agad.