Ilang araw na lang ay pasko na. Nasa condo lang kami ni Luke at di lumalabas. Busy ako sa gawaing bahay at sya busy sa panonood, pagkain at paghilata. Minsan tumutulong naman sya sa paghuhugas ng plato kapag nagluto ako kaya minsan ay nagpapadeliver na lamang siya ng mga pagkain para iwas daw sa paghuhugas at pagluluto. Hindi nya na ako kinulit pa/ “Magbihis ka. Alis tayo,” utos nito. “Saan po tayo pupunta senyorito?” sarkastikong sagot ko. “Basta magbihis ka aking alipin.” may sagot na ito sa kakatawag ko ng senyorito sa kanya. “Tinatamad ako. Dito na lang tayo sa bahay. May movie akong nakita. Maganda.” “Bukas na tayo mag movie. Bilisan mo na. Samahan mo ako sa pupuntahan ko. Dalian mo na.” pilit nito sa akin. Baka mamimili sya ng panregalo at wala namang para sa akin. Madidismaya