Umuwi muna kami dahil maaga pa para pumunta sa bar. Sa gabi na lang kami pupunta at sa palagay ko doon na lang kami magdidinner. Excited na ako kaya nagsipag ako pag-dating sa bahay. Inayos ko muna ang mga pinamili namin at nilagay sa washing mashine. Lalabhan ko na at para masuot ko na sa darating na pasko. Isang oras rin akong naglaba at nakitang nakahilata sa sofa si Luke. “Di pa ba tayo aalis?” tanong ko kay Luke na mukhang di na makakatayo sa pagkakasalampak ng katawan sa sofa. “Ang aga pa. May-maya na,” walang gana nitong sagot at panay pindot lang ng channel sa remote. Naligo na ako para mga alas siyete ay makaalis na kami sa condo at makapunta na sa bar ni Sir Jacob. Pants lang din ang suot ko at shirt. Sinilip ko ulit si Luke pagkabihis ko at ganoon pa rin ang pwesto nya sa sal