CHAPTER 5

2982 Words
"Halloween party na, anong costume mo?” tanong ni Mary “T-shirt and pants.” “Ano ba yan? Ganyan ka na nga araw-araw eh.” “Ano bang maganda?” “Bagay sa ‘yo maging zombie.” “Pwede rin. Nakakasawa na maging gwapo. Magpapanget naman ako minsan.” Nasamid si Mary sa sinabi ni Luke. “Muntik ko nang maibuga sa’yo itong kape. ‘Di ka rin naman mayabang.” “Totoo lang yung sinasabi ko. Eh ikaw, anong costume mo?” tabing nito sa babae. “Corpse bride sana yung gusto ko?” “Patay na bride parang zombie?” “Oo, parang ganoon na nga.” “Kaya pala gusto mong maging zombie rin ako para partner tayo na zombie.” “Hay grabe, wala naman akong sinabi na magpartner tayo. Sabi ko lang bagay sayo yung ganubg costume,” oaliwanag nito sa lalaki. “Maging magpartner na tayo. Ako ang groom mo,” nangingiting sabi ni Luke na tinutukso nanaman si Mary. Mahilig talaga itong mangbola ng mga babae at magpa-fall. “Hwag na at baka magalit pa ang girlfriend mo. Kalbuhin pa ako no’n.” “Ayaw mo, hwag. Choosy ka pa?” “Iiwan mo ang girlfriend mo para maging partner ako? Ang sama mo talaga.” “Ayaw naman niya pumunta. May sariling party ‘yon sa bahay nila. Basta susunduin kita, my bride.” “Sira ulo. Pa-fall talaga,” mahinang sabi ni Mary na medto kibilig sa sunabi ng lalaki. “Ha, ano ‘yon?” Nang biglang tumunog ang phone ni Mary at binasa niya ang pumasok na text Unknown: Hi babe! How are you? I miss you “Sino ba ‘to?” “May nag text sa ‘yo? Anong sabi?” usisa ni Luke nang marinig ang sinabi ng babae. “Hi babe daw. How are you? I miss you. Di ko akam kung sino tong nagtitrip.” “Boyfriend mo?” “Hindi. Hindi ko nga alam kung sino. Nangti-trip at walang magawa sa buhay.” “I block mo yung number. Baka kidnapper yan o scammer.” “Titigil din yan at magsasawa kapag di nireplyan. Mag-aaral ba tayo dito sa cafe o tatambay lang? Balik na tayo sa canteen.” anyaya bi Mary sa binata. “Hays, napapagod na ang utak ko kakaaral. Paginga naman tayo.” “Meron ka ba n’on? Yung utak na sinasabi mo?” pang iinis pa ni Mary. “Sama mo talaga.” sumimangot si Luke sa sinabi ng dalaga habang ngingisi-ngisi naman si Mary. Sa kabilang table ay may mga babaeng nagngingisian at nagbubulungan. Napansin ni Mary na kumaway si Luke sa mga ito kaya’t lalong naghiyawan ang mga babae. “Pogi mo ‘no?” “Syempre. Ako pa.” pagyayabang ni Luke at umismid naman si Mary. *** Pagbalik nila sa campus ay pumuwesto na sila sa labas ng canteen na may mga tables and chairs. Magsisimuka na silang mag aral at gumawa ng assignments. “Hi guys,” papalapit si Brian sa dalawa “Bakit nandito ka nanaman?” naiinis na sabi ni Luke “Wala lang. To see this beautiful lady. Bakit di ka nagrereply? Nagtext ako sa ‘yo kanina.” saad nito sa babae na puno ng confidence. “Yung hi babe?” nag-aalangan pang sabihin ni Mary ang mga katagang iyon at baka hindi naman iyon ang tinext ni Brian. “Yes, babe ako nga yun. Yayayain sana kitang magdinner after mo mag-tutor kay Luke. Pwede ba?” “Mamaya pa kami matatapos mga 9pm tapos iniistorbo mo pa kami. Tatagal pa lalo,” naiinis na sabi ni Luke sa kaibigang makulit. “Ang tagal nyo naman mag-aral. Basta intayin kita, babe. Tambay lang ako dito sa tabi-tabi,” sabay alis ni Brian na nakangiti. “Hoy, di naman ako nag-oo,” sigaw ni Mary sa papalayong si Brian “See you later. I’ll wait for you,” sabay flying kiss pa ni Brian sa babae. “Anong nangyari doon? Binigay mo bang number ko sa kanya?” kumpronta ni Mary kay Luke. “Hindi ah. Bakit ko ibibigay?” pagtanggi naman nito pero sya naman talaga ang nagbigay. “Saan nya naman kaya nakuha ang number ko? Sige na mag-aral ka na.” “Sasama ka ba sa kanya mamaya?” “Hindi ‘no. Baka kung saan pa ako dalin ng lalaking ‘yon. Du ko naman kilala yun ng lubos.” “Ihahatid na lang kita pauwi. Sabihin mo na hinahanap ka na ng mama mo kapag kinulit ka oa ni Brian.” “Hwag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Maaabala ko pa ang lalaking katulad mo. Baka pagselosan oa ako ng mga babae mo.” “Di mo matatakasan yung makulit na ‘yon. Kaya magpahatid ka na sa akin. Di ka tatantanan nun sunasabu ko sayo. Maniwala ka.” “Kunyari sasabay ako sa ‘yo. Tapos ibaba mo na lang ako sa may sakayan ng tricycle.” “Sige. Bahala ka.” Nagkasundo na rin sila sa gagawing pagtakas kay Bryan. Ayaw ni Luke na ligawan ni Brian at pagtripan ang kanyang tutor. Hindi naman matapos tapos ang mga dumadaang babae sa canteen at bumabati kay Luke. Todo smile at pagpapacute pa nila sa binata. “Grabe! Sikat ka pala talaga.” “Di ka pa rin naniniwala? Wala kang bilib eh.” natatawang saad ng binata at umikot kang ang mga mata ni Mary. Matapos ang isang oras na pag-aaral ay nagligpit na ang mga ito ng kanilang mga gamit. Aalis na sila at uuwi na. Tinakasan nila si Brian na nakatambay kasama ang iba pang mga estudyante na panggabi. Dahil sa pagkabusy nito ay ‘di na namalayan na nakaalis na si Luke at si Mary “Sa sakayan na lang ako ha. Hwag mo na akong ihatid.” “Oo na nga.” “Dito na nga. Hwag mo na akong ilampas,” naiinis na sabi nito sa lalaki. “Sa bahay nyo na nga. Ang kulit mo din,” nakikipagtalo na rin si Luke sa babaeng ayaw magpahatid. “Ikaw kaya ang makulit. Sabing sa sakayan na lang eh.” patuloy pa nilang pagtatalo. Pagdating nila sa tapat ng bahay ni Mary ay saka lang huminti sa pagdadrive si Luke. “Salamat sa paghatid. Ingat ka pag-uwi,” paalam ni Mary. Wala na itong nagawa dahil di tumigil si Luke at pinikit na ihatid sya sa kanilang bahay. Bumaba din si luke sa kanyang sasakyan. Napahinto si Mary at napatingin kay Luke na nagtataka. “Pa-cr muna tsaka painom pala. Nakalimutan kong nang uminom kanina sa canteen.” “Sige, pasok ka.” Magkasunod silang pumasok sa bahay ng dalaga. “Ma, kanina pa kayo? Si Trixie?” bati ni Mary sa ina. “Oo kanina pa. Nasa taas na si Trixie. Mag-rereview ba kayo dito?” “Hindi po. Hinatid lang ako ni Luke tapos makiki-cr daw siya.” “Hello po Tita. Makiki cr lang po saglit,” magalang na bati ni Luke sa ginang. Nagdiretso si Luke sa banyo at umakyat na sa kwarto si Mary. Nagsuot ng spaghetti strap na sando at maiksing short. Sa pagbaba nya at di inaasahang naroon pa ang lalaki. “Wooh,” gulat n sabi ni Luke ng makita ang suot ni Mary. “Ahhh,” sigaw ni Mary. Napaatras at muling umakyat sa kanyang kwarto. Bumaba ito muli na nakapajama at tshirt na. Ang mama naman niya ay pynasok sa kwarto nito kaya naiwan silang dalawa sa salas. “Bakit nagbihis ka pa?” “Bakit nandito ka pa Lucas Salcedo?” “Wala lang. Ayoko pang umuwi. Pa-juice nga.” maangas na saad nito “Juice po senyorito? Akala ko ba tubig lang.” “Oo inday. Juice nga ang gusto ko. Paki bilis.” “Inday ka dyan," sabay pingot ng bahagya sa tenga ni Luke. “Hwag mo ngang hinahawakan ang tenga ko. Very sensitive yan." “Ang arte! Bakit mahihimatay ka ba paghinawakan ang tenga mo?" masungit na sabi ng dalaga. “Baka ikaw ang mahimatay kapag may ibang nabuhay sa kakahawak mo kung saan saan." “Bakit naman ako mahihinatay at anong mabubuhay?" “Basta. Hwag mo na ngang isipin, Innocent girl?" “Anu-anong pinagsasabi mo ‘no? Ewan ko sayo." “Oo na. Nasaan na ang juice ko inday. Nagtimpla si Mary ng juice para kay Luke at inilapag sa maliit na mesa. “Heto na po sir. Ibuhos ko sa ‘yo ‘to eh. Ano bang meron dyan? Isinuksok ng bahagya ni Mary ang daliri sa tenga ni Luke “Ahhh, bad girl ka talaga ha. Sabi ng sensitive nga ito eh. Nangati tuloy." “Baliw," natatawang sabi ni Mary. Nakareceive nanaman siya ng text mula kay Brian ng oras na iyon. Brian: Babe, where are you? Why did you left me? “Si Brian ba yan?" tanong ni Luke sa babae. “Oo, nasaan daw ako?" natawang sabi ni Mary “Hwag mo ng replayan. Baliw yang makulit na yan." “Wait, asarin ko lang," naisip nitong sakyan ang trip ng lalaki. Mary: I’m sorry. I’m in a hurry kanina. Brian: Bukas pwede ka? Snacks lang pagtapos mo ng school Mary: I’m not sure. Medyo busy eh. Brian: Can I call now? At nagring nga ang phone ni Mary habang binabasa nya pa lang ang mensahe ng lalaking ka text. Inagaw naman ni Luke ang phone saka sinagot ang tawag ni Brian. “Pare, we’re still studying. Mamaya ka na tumawag ok," masungit na saad nito sa kaibigan. parang boyfriend na nagseselos. “I know what you're doing luke, pare. Ako ang mananalo kahit iiwas mo pa si Mary sa akin. Di sya makakaligtas sa charm ko." “I’m sorry but we’re really busy. Bye." saka ibinaba ang phone at inabot kay Mary. “Bakit lagi mong inaaway yun? Friends kayo ‘di ba?" takang tanong nito sa lalaki “Bakit gusto mo ba sya? Sabi ko sa ‘yo iwasan mo yung tao na yun. Lolokohin ka lang nun." “Mukha naman siyang mabait. Nakikipagfriends lang naman. Abi namang masama doon?" “Di mo pa ‘yon kilala at hwag ka agad magtiwala kung kani kanino. Sige na, uuwi na ako." paalam nito at naiinis na sa katigasan ng ulo ng babaeng gustong magpakulit sa kaibigang makulit. “Mabuti naman para makapahinga na ako." Pinisil naman ni Luke ang pisngi si Mary bago umalis. “Ahhh, salbahe,” nakasimangot na sabi ni Mary at hinimas ang pisnging bahagyang nasaktan. Nangiti naman si Mary pagpasok niya sa bahay. Kinikilig sa mga moment nila ni Luke kahit madalas siyang asarin nito.Moment pa rin yun at magkasama pa rin sila kahit makulit si Luke. “Hala kinikilig,” pansin ni Trixie sa kapatid. “Inggit ka.” “Di ka gusto nun.” “Ok lang,” sabay yakap ni Mary sa kapatid.Bale wala ang pang iinis ni Trixie sa kaligayahang nararamdaman niya. “Yuck ka ate. Bitaw nga.” ang batang babae na ang kumayo na na wiwierduhang kapatid. Kinabukasan sa school. Uwian na ni Mary at papunta na sana sa kanilang karinderia “Babe!” sigaw ni Brian na patakbong papalapit kay Mary. “Mary!” sigaw rin ni Luke na papalapit rin sa dalaga na nakahawak agad sa braso nito. “Babe!” hinihingal na sabi ni Brian pagkalapit sa dalawa. “We need to study. Hwag kang makulit Brian,” maangas na sabi ni Luke. “Babe, akala ko mag-snack tayo. Mamaya na kayo mag-aral. Tara na. Nagugutom na ako.” “Kain tayo. Nag-iinvite si Brian." Anyaya ni Mary kay Luke “Ha? Sabay na sabi ng dalawang binata. “Kakain di ba sabi mo Brian. Ano? joke joke lang ba yun?" “Oo nga kakain. Tara kain tayo. Sama ka na pare." napilitan na itong yayain si Luke. Naglakad ang tatlo papunta sa parking lot ng school. Pag-open ni Brian ng lock ay pumuwesto na si Luke sa unahan sa pasenger side at si Mary ay sa likod na napaupo. Wala namang nagawa si Brian dahil alam niyang ayaw magpatalo ni luke sa pustahan nila. Napangisi na lang sya sa mga moves ni Luke. Paalis na sila ng may papalapit sa kanila at kumatok sa bintana. Si Cindy. Nagbaba ng bintana si Brian para kausapin ito. “Can I join you?” saad nito. Hinila nita ang pinto ng kotse saka sumakay sa likod katabi si Mary “Si Mary nga pala tutor ko,"ani Luke. hindi naman ito pinansin ni Cindy. “Hi boys! Saan ang punta natin?” Napataas lang ang kilay ni Mary at di na lang ito pinansin. Napangisi naman si Brian ng makita ang reaction ni Mary sa kanyang salamin. “Saan mo gustong kumain Mary,” tanong ni Brian “Ikaw ang bahala. Ikaw ang nagyaya,” sagot naman ng dalaga. “Let’s go to a coffee shop,” excited na sabi ni Cindy. Pabida at papapacute pa nito. Nagthumbs up naman si Luke at si Brian. Pagdating sa coffee shop, magkatabi sina Luke at Cindy. Si Brian at si Mary naman ang sa kabila. Pero pumuwesto si Luke sa tapat ni Mary. “Nakakainis itong dalawang asungot,” bulong ni Brian kay Mary. Napatawa naman ang dalaga at napatingin si Luke ng masama. “Masaya kapag marami tayo. Hayaan mo na,” saad ni Mary. “Mas masaya kung tayong dalawa lang babe.” “Babe, order na tayo. Anong gusto mo?” tanong ni Cindy kay Luke na humilig pa sa balikat ni Luke “Caffe mocha lang sa akin.” “Ikaw babe?” tanong naman ni Brian kay Mary “Tumigil ka nga ng kaka-babe, mukha ba akong baboy,” pigil na tawa ni Mary ng tumingin muli si Luke. “Ano bang gusto mong itawag ko sa ‘yo? Honey, sweetie, darling, sugar?” “Mary na lang. nakaka umay yang mga endearments na yan. Yuck. ang baduy.” “Magkukwentuhan na lang ba tayo dito? Order ka na Brian,” utos ni Cindy sa lalaki. “Uy, palautos yang mare mo ha,” mataray na sabi ni Mary “Tara na samahan mo ako umorder, my loves,” tinapik si Mary para tumayo at ‘di na makipagsagutan kay Cindy. “Anong problema n’on?” inis na saad ni Cindy “Sino pa, eh di ikaw! Brat ka talaga. Nakisama nga lang tayo sa date nung dalawa ganyan ka pa.” inis din na sagot ni Luke sa babaeng katabi. “Sorry, di ko kasi sya bet,” mataray na sabi ni Cindy “Bakit ka pa sumama? Sana di ka na sumama.” “Bakit kasama ka din? Si, bet mo sya?” “Kasi gusto nila akong kasama. Masaya akong kasama at di ako nangaaway.” Umirap si Cindy dahil sa ‘di nagustuhan ang sagot ni Luke. Sa pila ay nagtatawanan ang dalawa habang si Luke ay pasulyap-sulyap sa mga ito na parang nagseselos at naiinggit. Dumating na ang dalawa kasama ang mga order na coffee at cakes. “Thanks pare,” ani Luke “Hoy, sa susunod ikaw naman ang manlibre ha,” saad ni Brian sa kaibigan. “Tapos ako ang next na manlilibre. Tapos ikaw Mary. Kung may panglibre ka.” Napapatingin lang ang dalawang lalaki kay Cindy na nagmamaldita nanaman. “Hindi. Kaming boys lang dapat ang nanlilibre sa inyong mga girls. No need to treat us,” paliwanag ni Brian. “Ok lang naman sa akin yun, you know me. Eh ikaw Mary?” pang iinsulto nito sa babae dahil alam nitong walang pera si Mary. “Manlibre lang ba ang kaya mo? Gusto mo bilin ko pa lahat ng coffee shop at café dito para ‘di magpapasok ng mga bratinelang katulad mo.” mataray na saad ng babae na napuno na sa pang iinis ni Cindy. “Eh di gawin mo.” “Stop it Cindy or uuwi kang mag-isa,” banta naman ni Luke. Rumolyo lang ang mata ni Cindy at di na nagsalita pa. Natakot sa lalajing katabi. “Ok ka lang?” bulong ni brian. Nagthumbs up naman si Mary sa kanya. “Gusto mo bang itumba ko na yang bruha na yan?” Nagtawanan naman ang dalawa habang nagbubulungan. Hindi naman nagkikibuan sina Luke at Cindy na nagkapikunan na. Makalipas ang isang oras ay umalis na rin sila sa coffee shop. Pabalik na ulit sa school para mag aral na ulit si Luke at Mary. “Hoy, anong ulam daw gusto mo. Sinigang o porkchop sabi ni mama?” tanong ni Mary kay Luke. “Sinigang na lang.” “Pwede mo rin ba akong dalan?” “Sige dahil nanlibre ka naman ngayon. Ngayon lang ha. Pero hwag na kayong magsasama ng asong tahol ng tahol ha.” “Hoy, nagpaparinig ka? Ako aso?” “Ewan ko sa iyo. Ano sa palagay mo?” “Ang kapal din naman ng babaeng ito.” “Stop Cindy. Ano ka ba?” Parang batang nagmamaktol si Cindy sa pagkainis kay Mary. Sa unahan na pinaupo ni Luke si Mary at nagtabi na lang sila ni Cindy sa likuran. Baka magpang-abot pa ang dalawa kung magtatabi ito sa likod ng sasakyan at magsabunutan pa. Bumaba muna si Mary sa kanilang karinderia para kumuha ng dinner nila habang nag-aaral. “Yung sinigang ko rin ha?” paalala ni Brian sa babae. Sumenyas lang ng thumbs up si Mary. Pagkakuha ay muli siyang sumakay sa kotse ni Brian at sabay-sabay silang bumalik sa campus. Bukas ito hanggang 10pm dahil sa mga college students na panggabi. “Hintayin na kita,” ani Cindy “Hwag na may review nga ako di ba. Umuwi ka na.” “Basta hihintayin kita.” “Bahala ka,” tanging sagot ni Luke na walang magawa sa umaastang girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD