Biyernes ng hapon at maaga akong nakatambay sa bar. Nagkakalikot ng phone habang nag-aayos na ang mga crew para sa openning ng resto. Biglang pumasok si Sir na maaga ring dumating. Ang gwapo at matipuno. Nasa late 20’s ito marahil. Matangkad at mabait pa. Napakagwapo kapag nakangiti pero may pagkaistrikto minsan. Bagay na bagay sa pagiging boss niya. “May dumi ba ako sa mukha?” saad ni Sir nang mapansing nakatitig ako sa kanya. “Wala naman. You’re perfect,” napatawa ito sa sinabi ko sabay ginulo ang buhok ko na parang batang paslit. Nagdiretso ito sa loob ng kanyang maliit na opisina na nakangii pa rin. Kinilig siguro. Napabuntong hininga na lang ako para makahinga ng maluwag. Parang natigil yata ang paghinga ko ng makita ko sya kanina. Ang gwapo kasi talaga. Nakakaganda ng araw ang ma